Babe, i'm sorry.
Sorry kung di ako naging mabuting girlfriend. Sorry kung napapahamak ka parati dahil sakin. Sorry kung mataas pride ko. Lastly, sorry kung nagawa kong pagsabayin kayong dalawa.
Di ko to pinlano. Alam niyang boyfriend kita and ito lang ang way ko para sabihin to. Babe, for the very first time mababansagan mo na akong timer.
Oo, timer. Nung October 1 naging kami at sinabi ko sa kaniya na boyfriend kita. Ang harot ko, di ba? May boyfriend na ako pero may reserba pa.
Alam mo ba dahilan ko? Sa kaniya, nararamdaman kong kaya niya akong tanggapin. Tatanggapin niya ako ng buong buo kahit ano pa ako. Ikaw ba kaya mo yun?
Natandaan ko pa nga nung nagkausap tayo sa cellphone dati. Tinanong mo ako kung buntis man ako, tatanggapin ko ba? Sinagot kita ng oo. Totoo, tatanggapin ko yun. Kahit na itakwil ako at kahit na wala nang mag aaruga sakin. Tapos sabi mo sakin, itanong ko sayo yun. Tinanong kita kung buntis ako, tatanggapin mo ba? Ang sagot mo naman, pag iisipan mo. Ang saklap lang.
Then nung nakaraan lang, nagtext ka. Ito sinabi mo, "may nalalaman kpa jn na buntis wag kng feelng jan nung nanyariyun alm ko gnagawa ko!!
hndi ako tnga pra mng yari un !"
Gusto kitang sumbatan. Gusto ko ipamukha sayo na ang taas ng possibility na mabuntis mo ako dahil may nangyari satin. Pinutok mo sa labas? Kayong mga lalaki talaga, di nyo maintindihan ang mga bagay na nararamdaman namin.
Tuwing umaga nalang akong nagsusuka, nahihilo at nahihirapang bumangon sa kama. Tuwing gabi naman, gigising ako para hanapin ang gusto kong kainin.
Nahihirapan ako sa lagay ko babe pero hinihiling kong wala lang to. Di mo din naman tatanggapin, di ba?
Ah oo. Mabalik tayo sakin. Yes, nantimer ako. Gusto kong maranasan mo yung sakit. Well, kung totoong mahal mo ako masasaktan ka pero kung makikipaghiwalay ka sakin, isa lang ibig sabihin, ang tanga ko dahil binigay ko sarili ko sa isang gagong lalaking di ako mahal.
Oo kinamumuhian kita ngayon kaya ko nagawa to. Ang galing mong magselos samantalang di mo alam yung mga bagay na ginawa mo sakin na nakakasakit. Tao ako, nasasaktan din kahit sa simpleng paraan.
Ang galing mo nga eh. Pagkatapos mo akong gamitin, pinagsuot mo ako at sinamahang umuwi agad. Di mo ba alam na iyon ang dahilan kung bakit ako tinrangkaso? Ang sama ng loob ko nun. Pakiramdam ko, pampalipas oras mo lang ako para mawala init ng katawan mo pero di mo ba nahahalata na kahit kaya kong tumanggi, nagpapagamit padin ako.
Wala kang ginagawa para pagselosin ako? Pwes para sabihin ko sayo, halimaw ako. Selosa ako kahit na titigan ka lang o kausapin, nagseselos agad ako. Di ko sinasabi sayo diba? Kasi sasabihin mo, OA ako.
Yung bisyo mo nga di ko na din pinapakialaman kasi di ka din tumitigil. Nagiging sirang plaka ako. Nagmumukha akong tanga.
Di na nga din ako nagpapaload kasi ako laging tumatawag sayo. Tangina! Mukha akong desperada!
Sige, bansagan mo ako ngayon ng maharot, malandi, madumi, timer o kahit ano pa yan. Ikaw nga jan, di kayang panindigan ang mga ginawa eh. Di ko naman pwedeng sabihing kahayupan dahil ginusto ko din.
Ikaw ngayon ang magdedesisyon. Maghihiwalay ba tayo o tatanggapin mo padin ako kahit na dalawa kayo?
Ito benefits mo sa kung ano pipiliin mo.
Maghiwalay tayo. Kung meron man akong dinadala, di ka niya kikilalanin. No- - ERASE THAT. Kasi meron nga talaga. Di na din ako magpapakita kahit kanino para madali. Ilalayo ko siya sa lahat. Ay teka! Sabagay kapag ito pinili mo, walang mawawala sayo. Wala kang responsabilidad na gagampanan. And besides, di ako kawalan diba?
Tatanggapin mo ako kahit dalawa kayo. Simple lang, ganun padin tayo tulad ng dati pero magdusa ka dahil di mo na mababalik pakikitungo ko sayo.
Bahala ka kung anong pipiliin mo. Basta ako, magbabago na ako. Sisihin mo sarili mo. Dahil sayo kaya ako nagbago.
