Chapter 5

141 4 0
                                    

 

(Fast forward na natin sa Prom nila) 

JS Prom

Zyana's POV

"Anak",katok ng mommy ko sa kwarto ko. Hapon na at nakamukmok pa rin ako sa kwarto ko. Para kasing tinatamad akong pumunta ng prom. 

"Hindi ka pa rin ba mag-aayos. 7:00 PM ang start ng JS Prom mo. You need to get ready."

Nilingon ko si mommy na ngayon ay nasa loob na ng kwarto ko. Tumayo akko mula sa pagkakadapa sa kama at hinanap ang cellphone ko. 

"Hwag na lang kaya akong umattend ng prom mommy,"sabi ko habang naglalakad papunta sa study table ko kung saan nakapatong ang cellphone ko. 

"Anak, hindi naman pwede yon. Kasali ka sa presentation baka masira ang program nila kapag wala ka."sabi ng mommy ko. 

May presentation kasi ako. Tutugtog ako ng piano mamaya. Pero kinakabahan ako na ewan. Parang ayoko ng tumuloy. Napabuntung-hininga ako. Binuksan ko ang folder ng message sa phone ko. Nakita kong ang dami ng message at miscalls ni Leandra sa akin. Binuksan ko ang messages niya. Nang mabasa ko na ay agad ko siyang tinawagan.

Habang kinokontak ko si Leandra ay kinausap ko si mommy. 

"Mom, aattend ako. Samahan mo ako sa parlor mamaya pagkatapos kong makontak si Leandra,"I said to her and give her a smile. 

Napatango lang siya sa akin. "Okay, I'll go to my room and get ready. Pagbalik ko alis na tayo."sabi niya at agad na tumalikod. 

"Hey Leandra!"sabi ko ng makontak ko na siya. "I'm sorry nakatulog ako. Hindi ko narinig na nag ring ang phone ko. Where are you? Are you ready?"

"No. Nasa parlor pa ako. Hindi pa ako tapos ayusan. Kasama ko si Kuya at sobrang mareklamo. Tinawagan kita kasi parang hindi pa kita nakikita dito sa parlor ni Tita. San ka ba magpapa-ayos?"-si Leandra. 

"I'll be on my way. Maliligo lang ako."sabi ko. 

"Akala ko ay wala ka ng balak umattend. Alas tres na ng hapon oh!"sabi niya. 

"Hay naku! Tinatamad ako kanina eh."dahilan ko na lang. 

Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos at agad na pumasok sa banyo para maligo. Mga ten minutes lang yata siya sa banyo at agad siyang natapos sa paliligo. Ang mommy niya naman ay mukhang nasa baba na at naghihintay. Nakahanda na ang isusuot niya sa kama paglabas niya ng banyo. 

Napailing na lang siya. Si mommy talaga.


Agad na siyang nag-ayos. After five minutes, ready to go na siya. They take a cab na lang. Ayaw ng mommy niya na magdrive tuwing hapon. Gusto daw nitong magpahinga sa kakamaneho. Fifteen minutes lang ang biyahe nila papunta sa parlor ng tita ni Leandra. Pagdating nila ay agad siyang inasikaso ng bakla na naka reserve na para mag-ayos sa kanya. Nakita niya si Leandra na nakamake-up na at buhok na lang nito ang inaayos. Kumaway ito sa kanya. Nginitian niya lang ito. 

Nakita niya si Luke sa tabi ni Leandra na mukhang inip na inip na. Agad siyang umupo sa high chair para maayusan na. 

7:00 PM

Naunang umalis si Leandra at Luke sa parlor. Inaayusan pa lang siya ng buhok non. Inuna na ng bakla ang buhok niya dahil hindi pa dumating ang magme-make up sa kanya. Mga 4:30 na dumating yung make-up artist kya naman 5:30 na siya natapos sa pag-aayos. Mga 5:45 sila nakauwi ng mommy niya sa bahay nila at agad silang nagbihis. Saktong alas-sais ng dumating si Luke sa bahay nila. Ang mommy niya ang nag-entertain kay Luke dahil nasa kwarto pa siya at sinusuot ang sandals niya. Pagkatapos niyang maisuot ang sapin sa paa ay humarap ulit siya sa salamin. 

Ang ganda ng pagkakaayos sa kanya ng make-up artist. Simple lang ang make-up niya. Naka braid ang hair niya paikot sa ulo niya kaya nagmukha siya prinsesa ng isang mediterranean country. Kinuha niya ang isang maliit na bag na kasya ang DSLR niya pati ang cellphone niya. Photographer siya ng school paper nila kaya naman kailangan niya ang DSLR. 

Lumabas na siya ng kwarto at bumaba. 

"Ayan na pala si Zyana, Luke,"narinig niyang sabi ng mommy niya kay Luke. 

Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdanan nila. Sinalubong siya ng mommy niya at kasunod nito si Luke. Hawak ng mommy niya ang isa pang camera at kinuhanan siya ng litrato. Nakita niyang napatulala si Luke sa pagtitig sa kanya. Nagsmile siya dito pero agad naman itong umiwas ng tingin. 

"O, tabi naman kayo ni Luke anak,"sabi ng mommy niya. 

Lumapit siya kay Luke para makuhanan sila ng litrato ng mommy niya. Todo-ngiti siya dahil sa gabing ito walang magagawa si Luke kundi ang manahimik. Natutuwa siya dahil sa gabing ito ay pwede silang maging okay ni Luke. 

Pagkatapos kaming kuhanan ng pictures ng mommy ko ay inihatid na kami ni mommy sa van na minamaneho ng driver nila Luke. Si Leandra ay alam niyang sa kotse ni Lance sasakay. 

"Ang kati naman niyang gown mo!"reklamo ni Luke sa akin. Nadikit kasi ang gown niya sa braso nito. Napapalamutian ng maliliit na sequins ang gown niya at meron pa iyong mga glitters.

"Huwag ka ngang magreklamo diyan. Manahimik ka na lang. Ayaw kong masira ang gabing ito."saad niya. 

Nakarating sila sa school ng hindi man lang nagsasalita si Luke. Maging siya ay hindi na rin nagsalita pa at wala siyang gana makipag-usap kay Luke. 

"Zyana!"tawag ni Leandra sa kanya. Agad naman siyang napangiti at kahit papaano ay magigigng okay naman ang gabi niya. "Tara, don daw tayo sa table na yon."

Agad naman silang naglakad ni Leandra papunta sa uupuan nila. Sumunod na lang si Luke sa kanila. Mayamaya pa ay may nakakausap na si Luke. Hindi lang kasi ito nag-iisa na outsider na kinuhang escort ng ibang kaklase nila. May mga kaibigan din ang mga ito doon dahil may mga kapatid ang mga ito na kaklase nila. Gaya ni Maggie, Hermione, Ashlar, at Mariotte. 

Nagsimula na ang prom nila. May mga nagperform at sumayaw. Sila naman ay kasama sa cotillion. Pagkatapos ng giving of awards ay nagkainan na sila. May lumapit sa kanya na lalaki. Kaklase niya ito at niyaya siyang magsayaw. Pumayag naman siya at sumayaw sa gitna ng dance floor. Isang rock music ang tugtog kaya naman medyo hindi nakakailang. Pero nang mag change ng tugtog, sweet music, biglang may lumapit sa kanila ng kaklase niya. 

"Pwede bang isayaw ko ang partner ko 'pre,"saad ng isang baritonong boses sa kanila. Nang lingunin niya kung sino ang nagsasalita ay nagulat siya ng makita si Luke. Hindi naman nag-atubili pa ang kaklase niya at agad na tumango. 

Humarap siya kay Luke at dahan-dahang hinawakan ang kamay niya. Mayamaya pa ay umaayon na ang katawan nila sa tugtog. Hinapit siya ni Luke kaya naman medyo nailang siya. Nararamdaman niya ang matigas na dibdib nito. Yung kamay nito ay humapit sa beywang niya at siya man ay naaamoy ang pabango nito. Kung titingnan sa malayo ay para silang naghahalikan ni Luke kaya naman medyo itinulak niya ito. 

"Don't!"sabi ni Luke. "Kahit man lang sa gabing ito, maging okay tayong dalawa. Siyanga pala, you are so beautiful tonight."

Ayieeee. Pasimple lang itong si Luke ano! Epal lang si author. Hanggang dito na lang muna mga readers. :)

He Want Her BackWhere stories live. Discover now