Chapter 4

249 6 1
                                    

Ayon o, mag-a update ako agad dito sa HWHB... Yay!! Ano masasabi niyo mga ka wattpad.. :D Thank you sa pag support ng stories ko guys.. To those who wait for my updates.. Salamat kahit nakakainip na minsan. :) 

Lance POV

Alam ko, late na naman ako sa usapan namin ni Luke. Wala akong magagawa, talagang traffic sa amin. At lagi naman na akong late eh.. At sanay na siya don. Nagmamadali ako dahil nagtext siya na kakain na muna. Ibig sabihin maabutan ko pa siya sa mall. Akala ko pa naman ay wala akong maabutan sa mall. 

Pagpasok sa restaurant na kinakainan niya ay nakita ko si Zyana. Imbes na si Luke dapat ang hanapin ko ay iba ang nakita ng mga mata ko. Iyon ay ang babaing nakabangga ko sa bahay nila Luke, si Zyana. 

The first time I saw her, I feel in love with her. Totoo nga siguro ang love at first sight sa akin. I was looking deeply in her eyes and my heart was captured. Siya lagi ang laman ng isip ko. Lagi ko siyang naiisip. Pero hindi ko alam ang dahilan ni Luke kung bakit ayaw niya sa isang napakagandang dalagang katulad ni Zyana. Hindi pa man siya ganap na dalaga ngayon, alam ko sa susunod pang mga taon ay mamumukadkad pa ang kagandahan niya. 

I was watching her while I'm walking passed to their table. Nasa kabilang table kasi si Luke. At don ako mas lalong nagtaka dahil parang hindi sila magkakilala kung makaasta. Something is going on between her and Luke. I can see it at Zyana's eyes that she likes Luke and I can see that to Luke's eyes too. But I don't know the reason why he's acting like that. 

Nginitian ko na lang si Zyana at ganun din naman siya sa akin. Tapos ay bigla na lang tumungo. Napansin kong napatingin din ang mga kaibigan niya sa akin. NA para bang hinihintay nilang magkwento si Zyana. Kilala ko ang mga kasama niya. Mga kaklase ito ni Zyana. Minsan ko na silang nakita ng dumalaw ako sa school ng kapatid ni Luke. Ako kasi ang kinuhang escort ni Tita para sa anak niya. Kahit di kami masyadong magkasundo ni Leandra ay di naman kami katulad mag-away nina Luke at Zyana. 

"Pare,"tapik ko sa balikat ni Luke na tahimik na kumakain. 

"You're late,"asik nito. 

"Yeah, I know."sagot ko sa kanya. Matalim na tingin lang ang isinukli nito sa akin. 

Hindi na ako nag-order ng pagkain dahil busog pa ako. Inginuso ko si Zyana sa kanya. 

"I know,"sabi ni Luke. 

"So, anong gagawin natin dito sa mall?"tanong ko sa kanya. "Magsa shopping din ba tayo katulad nila."tukoy ko sa mga dalaga sa likod niya. 

"Hiindi. Bibili lang ako masusuot para sa prom ng mga to,"tukoy din nito sa mga dalaga na nasa likod nito. 

"Ah!!"Napangiti siya. Napapayag na ito ni Tita para maging ka partner ni Zyana sa prom. Sana ako na lang yon. 

 "O, bilisan mo ng kumain diyan at ng makabili na tayo. Bibili na rin ako."sabi ko. 

Tinapos na agad ni Luke ang kinakain niya kaya naman agad kaming tumayo. Nagpaalam na kami kina Zyana. 

"Mauna na kami, bubuwit,"sabi ni Luke kay Zyana. 

Muntik na akong mapatawa sa sinabi ni Luke pero pinigilan ko ang sarili ko. Tiningnan ko lang si Zyana at tumango. Sumunod na ako kay Luke palabas ng restaurant. Narinig kong tumatawa siya. 

"Hindi niya ini-expect na tatawagin ko siya ulit sa ganoong paraan. Naku, ang sarap talagang asarin ng babaing iyon."at nagpatuloy sa pagtawa. Napailing na lang ako sa tinuran ni Luke. 

Maghapon kaming nag-ikot ni Luke sa mall. Masyadong pihikan sa damit itong si Luke. Ako nakabili na agad sa panagatlong shop na pinuntahan namin. Samantalang siya, nakarating na alng kami sa pinaka last na shop ay mukhang wala pang napili. Kung di ko pa pinilit na pumili na lang kahit ano ay di pa kami makakauwi. Alas diyes na ng gabi kami nakauwi. Dumaan na muna ako sa kanila dahil ang sabi niya ay don na lang daw ako magdinner at nagpahanda daw si Tita ng pagkain. Kaya no chooice ako but say yes. 

Pagdating namin sa kanila ay agad kaming sinalubong nila Tita. Nakahanda na daw ang mesa para sa hapunan. Pagkapasok namin sa komedor nila ay nakita ko sa tabi ni Leandra si Zyana na busy sa kakapindot ng cellphone niya. Habang si Leandra ay nakamasid lang sa screen ng cellphone ni Zyana. Nang biglang sumimangot si Zyana at napangiti naman si Leandra. Ibinigay ni Zyana ang phone kay Leandra at ito naman ang nagpipipindot. 

"Ma, ano bang ginagawa ng dalwang yan?"tanong ni Luke kay Tita. 

"Ay naku, kanina pa yang dalwang yan. Naglalaro daw sila ng flappy bird."sabi ni Tita. 

Napakunot ang noo namin ni Luke pareho at sabay na tumabi sa dalwang babae. 

"Oi ano yan?"tanong ni Luke kay Leandra. Kay Leandra siya tumabi at ako naman ay kay Zyana. 

"Flappy bird,"sagot ni Leandra at seryoso na ulit sa laro. 

"Eh, ang pangit naman ng graphics niyan eh,"sabi ni Luke kay Leandra. 

"Pangit nga ang graphics, tanong ko, kaya mo bang laruin yan?"tanong ni Zyana kay Luke. 

"Yan lang pala eh,. Sus, ! Sisiw yan sa amin ni Lance,"sabi ni Luke. "Di ba Lance?"

Naku at dinamay pa talaga ako sa kalokohan niya. Hindi ko alam kung kaya kong laruin ang larong yon. Nagtrending kasi yon sa fb at marami ang nagsabi na mahirap daw ang larong yon. 

"Oi, kain na muna tayo at maya na yang larong iyan,"sabi ni Tita. Pumunta na ako sa pwesto ko sa mesa nila pag doon ako kumakain. Bale kaharap ko si Leandra at kaharap naman ni Luke si Zyana. 

"Eh, Ma, bakit nandito si Zyana?"tanong ni Luke. 

"Wala pa ang mommy niya kaya naman naisipan kong dito na lang siya pakainin. Alam mo namang wala silang kasama sa bahay at walang magluluto para kay Zyana. Saka, kawawa naman si Zyana kung kakain lang siyang mag-isa sa bahay nila."paliwanag ni Tita. 

Naalala kong wala nga palang katulong sa bahay nila si Zyana. Masyadong independent ang mommy ni Zyana dahil doon ito tumira sa Amerika for so many years kaya nakasanayan na siguro nito. I bet Zyana is quiet independent too. The character I like my woman to have. 

Natapos ang hapunan namin na hindi nag-uusap si Zyana pati si Luke. First time kong makasabay sa hapunan si Zyana. Hindi ko alam na pati pala sa harap ng family ni Luke ay ganon ang asta nilang dalwa. 

"Naku, hijo wag ka ng magtaka sa dalwang yon."tukoy ni tita kay Luke saka kay Zyana. "Ganun na sila simula bata pa. MAs okay pa nga dati eh, kasi si Zyana ang naghahanap ng paraan para magkausap sila ni Luke. Pero ngayon mukhang napagod na yata si Zyana."

Mayamaya pa ay lumabas na si Zyana at nagpaalam na kay Tita. 

"Ninang, thank you po sa masarap na dinner,"sabi ni Zyana at humalik pa sa pisngi ni Tita. "Uuwi na po ako."

"Ay pahatid ka na kay Luke. Madilim sa daan,"presinta ni Tita. 

"Ay naku, Ninang wag na po,"tanggi ni Zyana. 

"Ay hindi. Luke,"tawag ni Tita kay Luke. 

Agad namang lumabas si Luke. 

"Bakit 'Ma?"tanong nito. 

"Pakihatid naman itong si Zyana sa kanila."sabi ni Tita. 

"Tssss.. laki laki na niyan eh,"reklamo ni Luke. 

"Luke,"saway ni Tita. 

"Samahan na kita Luke,"presinta ko. 

At inihatid namin si Zyana sa bahay nila. Na meet ko ang mommy niya. Na tulad ni Zyana ay sobrang ganda din. 

Hanggang dito na muna ang update ko guys.. 

VOTE

COMMENT

BE A FAN

RECOMMEND.. :) 

Thanks,.. 

YUDZ____________________

Sorry sa typos..

He Want Her BackOnde histórias criam vida. Descubra agora