Chapter 5

9.5K 292 28
                                    

Sorry kung natagalan, lol.

Tawa ko na lang pagkakamali ko.

-----------------

Chapter 5: To You

(Shizuka's POV)

Nagising ako at nakita ko ang sarili ko sa loob ng hotel room. Gabi na pala

"Gising ka na?"

"Anak ng!!!" sigaw ko habang tinapon ang unan sa nag salita. Mukhang natamaan ko ata si Akina. "Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya na bad trip na badtrip. "Malamang Hotel ko to." sarcastic niyang sabi. "HA. HA" tawa ko tska ngumisi. "Yun nga ang point eh! Bat ka nasa sarili mong hotel! Pssshhh" sabi ko ulit at ibinaon ang mukha ko sa unan.

"Nababaliw ka na ba? Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na ako ang may-ari ng repito's hotel! " sigaw niya sa akin at tinapon ang unan. Ngumisi na lang ako. "Hmm.. nakita mo siya no?" tanong niya habang inikot ang position ko. Ngayon nakaharap na ako sa kanya.

"S-Sino?" I innocently asked.

Binigyan niya ako ng expression na 'Alam-mo' look. Huminga ako ng malalim.. "Hays.. oo.." mahinang sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya. "Diba dapat namatay ka na sa saya ngayon? eh bat buhay ka pa?" birong tanong niya. I laughed sarcastically. "Nakakatawa." then raised my eyebrow.

"Okay sorry. Pero asan mo siya nakita? Kelan? Wag mong sabihin panaginip nanaman yan." sabi niya tsaka tinuro utak ko. Ngayong namention niya... "Pinch me." agad kong sabi. She gave me a curious look. "Siguro panaginip lang to! Kurutin mo ako!" sabi ko sa kanya.

*Pinch*

"ARAY!!" sigaw ko habang hinawakan ang pisngi ko. "Wala naman akong sinabing lakasin mo ah!" sigaw ko sa kanya. Binatukan naman niya ako. "Anong pinagsasabi mo jan! Sabi mong kurutin kita ayun kinurut na kita!" sabi niya.

Aish. "Matanong ko lang kamusta na si Shiro?" tanong ko kay Akina. Umupo naman siya sa tabi ko. "Siya? Okay lang. Parati niyang kasama si Lea." sabi niya tsaka pinat ang likod ko. "Ganun ba?" tango ko. She nodded.

"Tingin mo.. dapat bang sumuko na lang ako sa kanya?" tanong ko sa kanya. Napatayo siya at pumuta sa malaking bintana. "Siguro oras na para pakawalan mo siya. Pansin ko ngang masaya na siya kapiling si Lea." sabi niya while looking at me.

Isang mahabang katahimikan.

"Siguro tama ka." I said and gave her a smile.

---------------------

(Shiro's POV)

"Sigurado akong si Shizuka yun!" sigaw ko kina Alex, Troy, Fred, Cloud at Harry. Tumawa lang naman sila. "Baliw ka na ata pare. Patay na si Shizuka. Gusto mo puntahan pa natin ang burol niya?" suggest ni Troy.

"Magandang idea. Para naman huminahon na yang kaluluwa mo." dagdag naman ni Cloud. Siguro nga... kailangan kong i-confirma kung patay ba siya o buhay. Pero sigurado akong siya ang nakita ko. Hindi ako baliw.

"Sige. Tara na" agad kong sabi tsaka tumayo na papunta sa pintuan. "Teka saan?" tanong naman ni Alex. Ganun din ang nakasulat sa mukha ng iba. "Saan pa kundi sa sementeryo." sabi ko. "Pero tol tignan mo anong oras na! 9:48 na tol!! Gising na ang mga multo!" sigaw naman ni Troy habang tinuturo ang relo niya.

"Pare.. umamin ka nga.. bakla ka ba?" tanong ni Harry kay Troy. "HUH?!" Muntik naman siyang nahulog sa kinauupuan niya. "Kelan ba ako naging bakla huh?!" galit na tanong niya kay Harry. "HAHA. Ngayon lang dude" tawang sagot ni Fred.

Tumayo naman ni Troy at nauna nang lumabas. "Tignan natin sinong bakla!!" sigaw niya.

"Narinig niyo yun? Baka kayo ang bakla! Tara na oy!" sigaw ko kanila at lumabas na. Sumunod naman sila. Then my phone suddenly ringed. Hindi ko na ito pinansin dahil siguro si Lea nanaman iyon.

Im Still The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon