"You'll see. This is for you but you are not allowed to open it yet," binalingan niya ang iba pang box at isa-isang itinuro. "This is for Daddy, Asher, the boys and the people I met along my journey. In case I wouldn't make–"

"Karsyn..." I cut her off. Nag-aalala akong umupo sa kanyang tabi. "You will make it, alright? Hindi ko tatanggapin 'to dahil alam kong mabubuhay ka." giit ko.

"We don't know that, Zyd," hinawakan niya ang aking kamay at maingat iyong pinisil. "I am not the one who's in control of my life... We are not... Now I want you to have this just in case I wouldn't make it, okay?"

"Karsyn..."

"Hear me out first, please? Babawiin ko lahat ng 'to kapag naging successful ang operation at nabuhay ako, but if not," napailing ako ng pisilin niyang muli ang aking palad pero kahit na gusto ko siyang ilayo sa isiping 'yon ay mas nanaig ang pag-intindi ko upang pakinggan siya. "I want you to give this to them. Ikaw na ang bahalang magbigay sa kanila ng mga ito."

Binitiwan niya ang kamay ko para kunin ang box na may pangalan ko.

"Open this when I'm gone and when you feel the need to. Kapag nawala ako, alam kong mami-miss mo ako at iiyak ka palagi kaya ginawa ko 'to para hindi ka malungkot. Kahit na hindi mo ako makikita ng pisikal, lagi mong tatandaan na nasa tabi mo ako, okay?"

Napasinghap ako ng  kusang tumulo ang mga luha ko. Siya naman ay ngumiti lang at pinunasan ang mga 'yon sa aking pisngi.

"Sa tuwing iiyak ka, yayakapin kita, pupunasan ko pa rin ang mga luha mo at kahit mahirap kang patahanin, gagawa ako ng paraan. Baka pagalawin ko 'yung mga unan mo tapos ibabatok ko sa'yo para matakot ka na lang imbes na malungkot."

"That is not funny!" I pouted but she just laugh at it.

"I want you to know that I'll be with you forever, Zyd. I will help your guardian angels to guide you for the rest of your life because I know that life will always be hard. Alam ko ring matigas ang ulo mo at mahihirapan sila sa 'yo."

"Hey! That's not true!" reklamo kong tuluyan nang nahayaan siya sa gustong gawin. 

Humahagikhik niyang tinanggal ang tubong nakakabit sa kanyang ilong bago nagpakawala ng malalim na paghinga. Umiling siya nang akma ko siyang pupunahin.

"Just promise me that you'll be okay when I'm gone. Alam kong magiging mahirap 'yon para sa 'yo pero alam kong kakayanin mo kaya pilitin mo, okay?"

Rumagasa ang mga luhang tumulo sa aking mga mata. Kahit na gusto ko siyang pahintuin sa mga sinasabi ay wala akong magawa. 

What if she will not make it? Baka kapag pinigilan ko siya ay hindi ko na rin siya makausap ng ganito. We're running out of time at kahit na bumubuti ang lagay niya, hindi pa rin 'yon sapat upang maging kampante. It's really a matter of life and death.

Pinunasan ko ang muling pagtulo ng mga luha ko nang bumalik ako sa kasalukuyan. Hinaplos ko ang box na may pangalan ko. Ito ang unang beses kong bubuksan ang mga 'yon pagkatapos ng isang buwan niyang pagkawala kaya nang makita ko ang mga nasa loob ay mas lalong bumigat ang mga emosyon.

Maingat kong kinuha ang isa sa mga USB na nakapaloob doon. 'Watch when you are sad.' nakasulat roon kasama ang nakangiting sulat kamay niyang smiley. Kinuha ko ang iba at lahat nang 'yon ay may kanya-kanyang label. Muli kong hinawi ang mga luhang patuloy sa paglaglag sa aking mga mata. One hundred USB. 'Yon ang bilang ko sa lahat ng para sa akin.

Kahit na pinanghihinaan ng loob ay nagawa kong panuorin ang unang nakuha ko. Sa paglitaw pa lang ng mala-anghel na mukha ni Karsyn sa screen ng aking laptop ay natutop ko na ang aking bibig.

The Bachelor's Vices ( TBS 3  - Book 2 )Where stories live. Discover now