CHAPTER TWO

7.5K 432 209
                                    

After 39 golden year, nag update din ako. Sorry ang busy kase.. Pero sana ma enjoy niyo 'yung chapter na ito. Masakit talaga sa puso ang maging fan girl, hindi lang pala sa puso pati na rin sa bulsa... Pero masaya naman diba?

CONFESSION OF A DIE HARD FAN

CHAPTER 2:

Maaga kaming pumunta ni kuya sa Moa concert ground, suot ko ngayon yung oficial t-shirt ng Prolink alam ko malabong matanaw nila ako, dahil bago nila ako mapansin yung mga nasa SVIP muna. Hindi ako mapakali dahil makikita ko na sila, yun nga lang sobrang layo ko sa kanila.

“Ano ka ba Leighton, bakit ba hindi ka muna kumalma diyan?” inabutan ako ng tubig ni kuyang habang nasa labas pa kami. Hindi pa kase naka bukas yung gate e, mamaya pang 7pm mag papa-pasok.

“Kuya pag naging fan ka talaga maiintindihan mo. Imagine kuya, sa music videos ko lang sila nakikita tapos ngayon… Kuya, hindi ko ma explain yung nararamdaman ko ngayon.” Halos kumislap ang mata ko sa pag eexplain kay kuya. Habang siya naman tila ba umo-oo na lang para hindi na kami nag tatalo. “Masaya ka naman ba sa ginagawa mo kahit after 10 years malalaos din sila?”

Hindi ko naman matatanggi yun na after 10 years mapapalitan sila ng mga younger generations, “Wala naman akong pinag sisihan sa pinasok ko kuya. Kase alam ko after 10 years, pag naalala ko sila? Masasabi kong na enjoy ko ang kabataan ko at ma swerte ako kase nadatnan ko sila. Good memories ang maaalala ko.”

Ngumiti lang si kuya sa sagot ko. “Sige kung saan ka masaya doon rin ako.”

Hindi na rin nag tagal at nag pa pasok na sila, malayong malayo ang G.A sa mga nasa SVIP. Hindi ko naman kasi masisisi yung ibang fans kung bakit mabilis naubos yung mga ticket. Inilabas ko na yung light stick ko, at habang umiilaw iyon hindi matanggal sa mukha ko ang ngiti.

Ito na kasi yun, ang tagal na nitong nakatago sa cabinet. Ngayon ko lang magagamit, oo binubuksan ko ito sa tuwing madilim sa kwarto. Pero ngayon, bubuksan ko ito hindi dahil madilim at na tripan ko lang. Bubuksan ko ito, dahil concert nila. Samantalang si kuya, inaayos niya na yung camera namin.

Mag kahalong kaba at saya yung nararamdaman ko, tumingin ako sa palid. Unti-unti napupuno na yung venue. Tila ba hanggang ngayon panaginip pa rin ang lahat. “Hoy Leighton, kumalma ka nga.”

Sabi sa akin ni kuya habang inaayos niya yung banner na ginawa namin. Alam ko hindi naman nila mababasa yung banner na ginawa namin, basta ang alam ko nag effort ako. Kahit hindi nila napansin okay na. Ilang minuto din naman at mag sisimula na yung concert. Hindi rin mag kamayaw ang mg fans tuwing lumalabas sa malaking screen ang mukha ng bias nila. Parang ako, tila ba may kumukuryente sa internal organs ko.

Napalingon ako sa gawing kanan ko, halos malugmok ako sa nakita ko. Ang yaman niya siguro, meron kasi siya nung limited edition nilang CD na kung hindi ako nag kakamali nasa 4 thousand yun. Hindi ko naman kasi mabili dahil nga pinag iipunan ko ‘tong concert na ‘to.

“Yung nguso mo Leighton, matulis na naman.” Sabay mahinang pitik ni kuya sa nguso ko, hindi ko mapigilan e. Gustong gusto kong bilhin ‘yun. Hindi naman kami ganung kayaman, yung baon ko nasa 150 lang kada araw. Tapos halos napupunta lahat sa pamasahe. Minsan nga naisipan kong mag donate ng kidney, pero o.a na ‘yun.

CONFESSION OF A DIEHARD FAN Where stories live. Discover now