CHAPTER 6

2.1K 117 8
                                    

LEIGHTON'S POINT OF VIEW

Ilang araw din akong nag luksa nang na disqualified yung entry ko. Isang buan at kalahati na rin ang nakakalipas simula ng nag concert sila. Wala na talagang chance na makita ko sila ulit. Kahit naman kasi anong gimik at pakulo ko kung di talaga tinadhana ni Lord walang mangyayari sa akin. Talagang pupulutin ako sa kangkungan.

Last week lang ay bagong usap-usapan dahil may new boy group na naman galing sa company ng PROLINK yun ang tinatawag nilang UNITED. hindi ko naman maipag kakaila na gwapo sila at talented din. Pero wala pa ring tatalo sa mga PROLINK ko.

"OMG! Sobrang sabog ang feels ko kahapon. Gwa-gwapo ng United! Yan na ang papalit sa Prolink." halos mag pantig ang tainga ko nang marinig ko sa bibig ng babaeng yun ang kapalastanganan sa paborito kong grupo.

"Oo nga! Hindi man sila maka kanta ng live dahil pangit boses nila. LIPSYNC pa moooore!!" nag tawanan ang mga ito. "Autotune pa yung iba nilang kanta. Panibhasa di marunong kumanta, kaya nga ako? Lumipat na sa United. Tsaka pansin mo ba? Lumalamlam na yung career nila. Kawawa.."


Hindi na ako nakapag pigil at sumugod na ako. "Marami pang kakaining bigas yang UNITED nyo bago! Talagang cinompare Prolink sa UNITED?"

"Omg, anti-fan spotted!" sabi ni girl 1. Akala niya ikinaganda niya yung headban niyang ribbon?! Mukha siyang Christmas tree na tinorture!! "Auto-tune? Lipsync? Nag papatawa ba kayo?"

"Bakit hindi mo na lang tanggapin sister na pabagsak na ang Prolink?"

"Kaya pala nag ka ubusan ng ticket nung concert nila.." may kinuha ito sa wallet nya. "See this? Ganito dapat ginagawa sa kanila."

Pinunit punit nya ang picture ni Calyx. "Alam mo kung saan siya nababagay? Dito!" hindi pa ito nakontento at tinapon niya ang picture ni Calyx sa trashcan.

Bago pa ako tuluyang nakipag away, pumagitna na si Ruka para umawat. "Tanggapin mo na kasi, palaos na ang career ng Prolink. Baka hindi ka updated? Involved sila sa isang suntukan."

Alam talaga nilang painitin ang ulo ko. Suntukan? Pero bakit??

Mabilis akong nag tungo sa computer room para i check kung totoo nga yung pinag sasabi ng dalawang 'yun. 1 month lang yung nakalipas pero sobrang laki ng impact sa career nila. Pag katapos rin kasi ng concert doon daw nila ang sinabing pang gugulo sa isang kilalang bar.

"Pakiramdm ko may hindi magandang mangyayare." pabulong na sabi ko sa aking sarili. Hindi ko maikakaila na 1 linggo pa lang ang United pero kabilat kanan na ang kanilang Guestings. Samantalang ang Prolink ay para bang bangkay na hinuhukay ang kanilang nakaraan.

Ang masaklap pa, may idinidate na daw si Calyx. Hindi ako ready ng malaman ko kung sino ang napaka swerteng babae na dinidate ng bias ko. Para bang unti-unti akong pinupukpok sa ulo na para bang sinasabing gumising kana sa kagagahan mo. It was painful. Hindi ko naman sila tinatanggalan ng karapatan na mag ka jowa pero as a fan.. I mean super fan. Its was really painful. The next thing I knew, umiiyak na ako.

Dapat masaya ako para sa kanya, pero bakit ganito? Bakit ang sakit sakit. Alam ko sa panaginip ko lang sila makakatuluyan. Alam ko rin naman na darating sa point na papasok sila sa relationship. Pero, akala ko lang pala na ready na ako.

"What the heck?! Are you..." Linapitan ako ni Ruka at kinausap ng matino. "Anong nangyare?"

Walang salitang lumabas sa aking bibig, itinuro ko lang yung screen ng computer at umiyak ng umiyak. Bakit nga ba ganito? Bakit parang sobra kong na heart broken.

"Hindi mo hawak ang mga puso nila, isa ka lamang hamak na fan." isang malaking sampal yun galing sa bestfriend ko.

Alam ko na hindi ko hawak yung buhay nila, wala akong karapatang diktahan sila kung sino ang mamahalin nila. Pero hindi pa kasi ako ready.

Umuwi ako sa bahay na para bang lantang gulay. Parang nalugi ng isang milyong beses. Dumiretso ako sa kwarto ko at minabuting mahiga sa aking kama. Pinag masdan ko ang mga poster na naka dikit sa dingding ko.

Gusto kong maging masaya ka, alam ko naman na magiging ganito ang mangyayari. Bilang isang taga suporta sino nga ba kami para pigilin yang pag tibok ng puso niyo? Sino ba kami para pigilan ang mga desisyon niyo sa buhay? Tama nga si Kuya, kami kakilalang kakilala namin kayo pero kami kahit anong gawin naming pag papa-pansin habang buhay kaing magiging taga hanga sa mga mata ninyo. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Alam ko ang o.a ng dating pero ilang years ko ba siya crush? Matagal tagal din.

"Hanggang dito na lang talaga tayo Calyx. Ay mali, kahit pala anong gawin ko hanggang dito lang talaga tayo. Wala nang mangyayaring next level dahil sa fairytales lang nangyayari yung mga ganung bagay. Kahit lumaklak yata ako ng isang drum ng gluta para gumanda hindi mo pa rin ako makikita."

Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa mga susunod pa na mga araw. Pero, sana bigyan pa ako ng sapat na lakas ni Lord. Kasi ang sakit sakit na.

Matapos ang ilang oras, bumalik ako sa sarili at nag stalk. Tinignan ko yung napapabalitang girlfriend ni Calyx. Tama nga ang mga ito, maganda, talented, athlete at marami pang iba. Anak siya ng sikat na owner ng supermarket dito sa Pinas.

"Maputi lang naman eh." tumungo ako sa aking salamin at tinignan ang aking replection. "Pero mas maganda pa rin naman ako. 2 paligo lang naman." sabay ngiti na parang timang sa salamin.

"HUHUHUHU! Bakit kasi! Bakit! bakit?!!!!!!" nag ta-tumbling ako sa aking higaan at mahinang iniuuntog ang aking ulo sa pader.

"Pakengshetiness!" tumayo ako at kinausap ko si Calyx. "Hoy! Lintik kang lalake ka. Oo, yummyness yang abs mo, kissable yung lips mo PERO wala kang karpatan na saktan ako. Mag salita ka!! Bakit ka nag taksil?! Sabi mo career muna! Tapos ngayon malalaman ko may jowa kana?! Ang bagsik mo din! Alam kong hindi lang ako ang nag iisa. Anong tinitingin tingin mo diyang lintik ka?! Gusto mong punitin ko yang ilong mo?! HA?!"

Narinig kong bumukas ang pinto at pumapalakpak si Kuya. "Ngayon ko lang nalaman na kapatid ko pala si Sisa. Pwede ba Leighton, kahit umiyak ka ng dugo diyan wala namang magagawa yang mga poster na yan sayo. Doon ka sa taong katulad mo. Huwag kang masyadong nagiging ambisyosa."

"Hindi mo kasi nararamdaman."

"Sige sabihin na nating hindi ko nararamdaman yung nararamdaman mo. Pero kailangan mong mabuhay sa reyalidad Leighton, hindi puro na lang yung pantasya ang nag tatake over ng utak mo."

Kahit anong sabihin ni kuya hinding hindi niya ma gegets ang point of view ko.

"Hindi sila pang habang buhay Leighton, darating ang araw na malalaos sila at darating din ang araw na kailangan mong mag focus sa mga bagay na mas importante. Hindi kita pinipigilan na maging fan, pero yung pati yung kinabukasan mo itatapon mo dahil sa kanila? Yun ang hindi ko kukunsintihin. 10 years from now Leighton, sa tingin mo ganyan pa rin sila?"

"Siguro nga kuya, 10 years from now malalaos na sila. Mapapalitan ng bago pero kahit kailan hindi matutumbasan ng kahit na sino man yung ibinigay nilang saya sa akin. Tawagin mang pag sasayang ng oras tong ginagawa ko.. masaya ako kuya."


"Sige, sa ngayon tatanggapin ko yung explanation mo. Pero hindi may limitasyon. Mag pahinga kana dahil kakain na tayo."

Bahala ka kuya. Basta, ayaw ko doon sa jowa ni Calyx. Mukhang matapobre! Kawawa naman ang mahal ko.





CONFESSION OF A DIEHARD FAN Where stories live. Discover now