"Di mo naalala?"

"Ha? Yung alin?"

"Wala. nakalimutan mo na siguro. Wag nalang."

Tapos pati si Tricia nalito na rin sa mga sinasabi ng kuya niya.

"KUYA. MAGTINO KA NGA. SINO BA KASI? TSAKA ALAM NI STELLA?"

"Makaalis na nga. Wag niyo munang i-play yung kanta habang nasa malapit pa ako kasi nakakadiri."

At umalis na si Vince. Natawa nalang kami ni Tricia sa mga nangyari.

"Pero loka, wala talagang naikwento si Kuya sayo?"

nag automatic flashbacking naman ako sa lahat ng mga memories ko kasama si Vince. Pero wala talaga akong maalala na may nabanggit siya eh.

"Wala talaga eh. Wala akong maalala."

WALA NGA BA? Nacurious tuloy ako. 

_________________________________

Almost 6pm na nung nakauwi ako sa bahay. Nabigla sina Papa kasi ang aga ko daw. Haha. Ewan ko ba dito sa dalawa. Bakit parang gustong-gusto nilang gumala ako.

At si dog naman, na-miss yata ako kaya nagbonding muna kami bago ako nag half-bath.

Nung nasa kwarto na ako, nabigla ako ng tumunog yung message tone ng cellphone ko.

Okay. Hindi talaga ako text person. Mas mahilig pa akong tumawag kasi nakakatamad magtext. 

Nung binasa ko yung message, galing kay Vince pala.

-Kristel

-Oy vince. Bakit?  ano kayang pakay nito.

-wala. Wala? haay ang ewan ng taong to.

-Ah ok. Sige. naku naman nakalimutan kong di pala ako unli. ayun tuloy yung 1o na load ko nakunan ko na. Waaa!

-Teka lang. nagtext na naman? Ba't ba kasi ayaw maging direct to the point.

-Oh bakit?

-Kilala mo ba yung crush ko?  Eto na naman tayo sa running joke of the day.

-Naku vince, wala kasi akong maalala na may binanggit ka eh. Di ko talaga kilala.

-Ahh. Buti naman. Sige. Tulog ka na. mabuti na-realize niya na rin na wala talaga akong maalala.

-Sige. Goodnight! Nagreply nalang din ako.

-Goodnight :)

Hah! Smiley. First time ata akong maka-receive ng ganito sa kanya ha. Iba ata mood niya ngayon. 

**********************

Pagpasok ko sa skwelahan, ang ingay-ingay ng lahat. Marami pa ata yung hindi pa nakamove-on sa mga nangyari sa achievement exam.

Kahit ako, hindi ko rin in-expect na magiging ganun ka hirap yung ibang parts, lalo na sa geometry na sobrang ayaw ko. Buti nalang...

Tapos dumating na yung homeroom teacher namin. Ngiting-ngiti pa siyang pumasok sa classroom.

At kami naman, laging naiiinis kasi ang sya-saya niya ata tapos kami stuck pa sa hirap ng test at nabitin sa weekend.

"Good Morning class!" bati ni Maam.

"I know iniisip niyo nakangiti ako ng masyado today. But why wouldn't I? You guys did great on the achievement test!"

Nagpokerface naman kaming lahat nun na para bang oh really maam?

"Okay, okay, it seems like you don't believe me. I'll just post the school and inter-city rankings."

tapos umangal naman kami dun. Maam naman. Please wag na noh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Indistinctly in Love: When doubts reach the heartWhere stories live. Discover now