Prologue
"Huwag ako, iba na lang."
Ang mga salitang iyan ang narinig ni Borah galing mismo sa bibig ni Tyrsohn tatlong taon mula noong pinagtapat niya sa batang lalaki ang paghanga nito.
Nasa Junior High School lamang sila noon nang makuha ng batang Tyrsohn ang atensyon ng batang si Deborah.
"Ano Ter, naitext mo na ba yung kaklase nating nasa harapan palagi?" Pangungulit ng katabi ni Tyrsohn.
Kung saan man nakuha ng kaklase ang numero ng kaklase niyang babae ay hindi niya alam. Mas lalong hindi niya alam kung bakit siya nagsasayang ng oras para makuha ang atensyon ng babaeng kaklase.
Itinulak nito ang inuupuang armchair para magkaroon ng maliit na distansya silang dalawa.
"Yung tahimik at walang ginawa kundi ang makinig sa boring nating guro?" Tanong niya at wala sa sariling napatingin sa dereksyon ng babaeng tinutukoy nilang dalawa.
"Oo. Ano? Isang linggo?" Hamon nito.
Pero binigyan lamang siya ng batang Tyrsohn ng nakakalokong ngiti.
"Tatlong araw." Agad na sagot nito kaya naging rason iyon ng pagkamanghang tawa ng kausap na halatang bumilib sa walang pasubaling sagot niya.
-
Ting!
Kasalukuyang nagbabasa ng libro si Borah ng biglang nakakuha ito ng mensahe mula sa hindi kilalang numero. Bago niya inilapag ang hawak na libro ay nilagyan niya muna ito ng bookmark at tiniklop.
Mula sa lamesamg nasa gilid ng kama niya kung saan siya nakahiga ay inabot niya ang cellphone niya doon at itinype ang password. Napaupo siya mula sa pagkakahiga at binuksan ang mensaheng natanggap.
From: Unknown
Hi Deborah! Just got your number. Tyrsohn here.
Deborah
Tyrsohn? I'm sorry. I don't know you.
From: Unknown
Aww. I'm your classmate.
Deborah
Sorry again. Well, Hi classmate!
From: Unknown
Maybe I shall say hello to you tomorrow so that you can recognize me huh?
Deborah
Sure. Anything else you wanna say?
Dahil kaklase naman pala ni Borah ang katext niya, agad naman niya itong pinangalanan sa contacts ng kanyang cellphone.
From: Classmate|Tyrsohn
Just wanna be friends.
Deborah
Eventually we'll be friends. We're classmates right?
From: Classmate|Tyrsohn
Right. But I want to know you more.
Lumipas ng ilang oras ang pag-uusap nila sa pamamagitan ng text kaya dahil doon nakalimutan na ni Borah na mayroon siyang binabasang libro.
Samantalang hindi naman mapigilan ni Tyrsohn ang galak na nararamdaman dahil hindi niya inaasahang mapapadali ang kanyang binabalak.
"Masyadong mabait naman ata ang babaeng ito. Tsk! Easy." Bolong ng Tyrsohn sa sarili.
Isinawalang bahala niya iyon at pinagpatuloy ang nasimulang plano.
YOU ARE READING
Huwag Ako Iba Na Lang
Short Story"Huwag ako, iba na lang." Ang mga salitang iyan ang narinig ni Borah galing mismo sa bibig ni Tyrsohn tatlong taon mula noong pinagtapat niya sa batang lalaki ang paghanga nito. Nasa Junior High School lamang sila noon nang makuha ng batang Tyrsoh...
