Dumidilim na ang paligid. Payapa na ang langit, at ang mga ibon ay nagsiliparan na pauwi sa kanilang mga tahanan.
Sa di kalayuan, matatanaw ang isang babae na nakaupo sa isang bench na inaalikabok na dala ng malakas na hangin.
Her POV
Nakakasawa na palang mamuhay mag-isa. Malaking bahay, ngunit walang kabuhay-buhay. Maraming kagamitan, hindi naman napapakinabangan.
Ako nga pala si Ei Shantal Wyndelleton,16 years of age. The only daughter of Driena Kim and Fortell Wyndelleton.
Maaaring naguguluhan kayo kung bakit namumuhay ako mag-isa, tama?
Simple lang. Kilala ang pamilya namin bilang nagmamay-ari ng mga malalaking hotels sa buong Pilipinas. Naging busy ang mga parents ko kaya nauubusan na sila ng time para sa akin. Ngunit lahat ng mga kailangan ko ay sinasagot naman nilang lahat. Kung tutuusin ay wala na nga akong dapat hilingin pa, ngunit sa likod ng karangyaan na aking tinatamasa ang siya namang kalungkutan na bumabalot sa aking pagkatao.
"Ang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin dito sa park." Wika ko sa sarili.
Biglang sumagi sa aking isipan ang aking namayapang kapatid. Ang saya saya namin noon. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Naaalala ko pa nga yaong regalong ibinigay nya sakin nung birthday ko.
Nagsimula na namang mangilid ang mga luha sa aking mga mata. T^T
Flash back~
"Ate, ate! Halika maglaro tayo." Nakangiting yaya ni Drake sa akin.
Dali dali naman akong naglakad papalapit sa kanya. "Hihihi wait lang baby Drakey, lilipad na si ate whoooo!"
Palagi kaming magkatabi sa pagtulog noon. Ako ang nagsilbing mommy nya sa kadahilanang busy ang mommy't daddy namin.
"Ate, let's go to sleep hihihi. Read me stories okay? Please ate."^_^
Naka-puppy eyes namang sambit nya.
"And they lived happily ever after."
Pagtatapos ko sa kwento.
"Omo, ate! Ang ganda naman ng story, hihihi.. Sana paglaki ko magkaroon rin ako ng sarili kong fairy tale. Hihihi tapos ako and King at ang magiging wife ko ang Queen.. Hihihihi."
"Hihihi, possible yan baby. Basta magpalaki ka ng mabilis okay? Hihihi para sabay tayong magkaroon ng own fairy tale. Tapos titira tayo sa palace hihihi.. Good night baby, I love you."
Kiniss ko ang pisngi nya at kinumutan sya.
End of Flash back~
Nanatili akong nakayuko, ngunit makaraan ang ilang sandali, may naramdaman akong mga yapak papalapit sa bench na aking kinauupuan. Iniangat ko ang aking ulo at inaninag kung sino man iyon ngunit bigo akong makita ang mukha nya dahil na rin sa mga luha sa aking mga mata. Kaya kinusot-kusot ko ang aking mga mata gamit ang aking mga kamay.
"Hey, are you okay? Wait wait,are you crying?"
Anang lalaking may deep voice.
"I-Im okay. Napuwing lang ako."
Pagdadahilan ko. Ngunit bahagya lang syang tumawa.
"Really? Oh HAHAHAHA but why are your eyes so teary? Hmmm.."-he said
"Can't you just shut up? It's none of your business okay? Psh."
Iritang sabi ko at bahagyang nagulat naman sya. Gustong kumawala ng malakas na tawa ko ngunit pinipigilan ko nalang at nagpanggap na galit.
"Look, kung umiiyak ako labas kana dun okay? I don't need you here so please get lost'."
Madiing sabi ko sa kanya. Kita kong namula sya kaya kinahabahan ako. Pilit na pinapakalma ko ang sarili at inalis ang kabadong ekspresyon sa mukha ko.
"Nagtatanong lang ako ngunit binabara mo naman ako. Tell me, what are you thinking of me? I may look like this but I have a good personality. You don't know me so shut up. So if you don't want me here, I think I'll just go ahead. Bye."
"And you don't know me too. So don't act as if you know what I feel. Di ko kailangan ang pag-aalala mo. " pahabol na sagot ko.
"Okay then. "
At nagsimula na syang maglakad palayo. Nakaramdam naman ako ng guilt sa kaloob-looban ko ngunit lamang pa rin ang pride ko kaya hindi ko na sya hinabol pa.
YOU ARE READING
The Unexpected Couple(On-going)
Teen FictionDalawang hindi inaasahang taong nag-iibigan. Ngunit hindi pwedeng magkatuluyan. "Shantal, I really love you. But we can't be together. I'm sorry. " "Why Tyke? Why? Why don't you try to fight for me? For us? Why do you give up so easily? " Started...
