TERMiNOLOHiYA -

8K 471 6
                                    

PLEASE READ - I know meron sa inyo ang hindi bumabasa ng author's note (ganyan din kasi ako sometimes. LOL) I just want to say that all chapters posted are not edited and proof read so please expect a grammatical error, word usage ng tagalog and the likes. Also, please follow me kahit hindi mo ako gusto, 'yung story lang okay na ako. And please be kind enough to vote every chapters kasi malaking tulong 'yun para sa aming mga manunulat dito. Kahit 'yun lang nakukuha ko, masaya na ako. Enjoy reading!


Enca Majica - tawag sa mundo ng mga hindi pangkaraniwang nilalang. Dito naninirahan ang mga maji.


Maji - tawag sa mga nilalang na nakatira sa Enca Majica. Kung titingnan para lang silang mga tao pero may iba't ibang mahika at kapangyarihan.


Encantada / Encantadotawag sa mga maji na may malalakas na kapangyarihan. Kalimitan sila 'yung mga dugong bughaw na kayang mag-manipula ng tubig, hangin, lupa, apoy, yelo, kristal, kulog at kidlat.


Gama - tawag sa mga maji na ang mahika ay kayang manggamot at magbalik ng lakas sa isa pang maji. Kunti lang ang mga maji na gama kaya pinoprotektahan sila ng iba pang mga maji lalong lalo na pagdating sa labanan dahil ang mga gama ay walang kakayahang makipaglaban ngunit malaking tulong ang kanilang mahika.


Enca - tawag sa mga tagapag bantay ng mga maji. Nagpapakita ito sa tuwing sasapit ang kanilang ika 20-taong gulang.


Palacìo dè Majica - tawag sa pinaka sentrong palasyo sa Enca Majica na ngayo'y pinamumunuan ni Haring Inferno. Simula noong mamatay ang sina-unang encantada na si Encantara mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas, napagdesisyunan ng mga taga konseho na ihalal si Haring Inferno matapos ang digmaan dahil sa angking galing at lakas ng kapangyarihan nito.  


Enca Majica Acadèmia - Isang sikat na paaralan ng mga maji. Dito hinahasa ang kanilang mga mahika at kapangyarihan. Ang Acadèmia ay pinamumunuan nina Haring Inferno, Haring Lai, Reyna Hara, at Reyna Velgara. Napag pasyahan ng mga Hari at Reyna na itayo ang Acadèmia  matapos ang digmaan sa pagitan nang mga maji at navalak upang hasain ang mga binata at dalaga sa paggamit ng kanilang mahika at kapangyarihan nang sa gayon ay maipagtanggol nila ang kanilang sarili.


Navalak - tawag sa kalaban ng mga maji. Sila ay mga ganid sa mahika at kapangyarihan. Gusto nilang sakupin ang mundo ng Enca Majica.


Palacìo dè Navalak -  tawag sa palasyo ng mga Navalak. Ang palasyong ito ay pinamumunuan ni Haring Naval. Si Haring Naval ay isa sa makapangyarihan sa Enca Majica dahil nakukuha at nananakaw niya ang mga mahika at kapangyarihan nang sino man ang mahawakan niya. Ngunit nabigo ito sa digmaan noong dalawang dekada at naikulong nila Haring Inferno sa lugar na walang sino man ang nakakapasok kundi sila lamang.


*****

Sa ngayon, ito lamang ang mga pangunahing terminolohiya na kailangan ninyong malaman upang maintindihan ang mga susunod na kabanata.


Please don't forget to vote this one. It really helps me kasi the more votes, the more na nirerecommend ng Wattpad ang story ko sa ibang wattpad users. So please help me ❤️


🆁🅰🅵🅸🅲🆃🅸🅾🅽🆂


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon