TITANIA 5

11 1 0
                                    

Pagkatapos labanan nina Romeo at Titania si Kadiliman ay naging mabuhay at makulay ulit ang lugar ng mga ADA.

Masayang niyakap ni Titania si Romeo, ngunit laking gulat niya na hindi na niya mahawakan ang katawan nito. Ngumiti ng malungkot ang binata, saka itong nagsalita.

"Mukhang tapos na rin ang misyon ko rito."

Malungkot na tumango si Titania.

"Romeo, maraming salamat sa pagtulong mo sa akin, kung hindi ka dumating marahil wala na akong tirahan ngayon. kaya... maraming maraming salamat sa iyo."- mangiyak-ngiyak niyang pasasalamat kay Romeo.
"shhh... huwag ka nang umiyak Titania, kahit na aalis na ako sa mundong ito, ay pipilitin kong bumalik sa iyo, kahit na posible na iyon mangyari... pero pipilitin ko para sayo."- nakangiting sabi nito saka siya niyakap at hinagkan ng mabilis sa noo. Saka bumaba ang tingin nito sa mga labi niyang nakaawang.

"Kahit maikli lang ang panahon na magkasama tayo, hindi ko maitatanggi na nagkagusto rin ako sayo"- pag-amin ng binata sa kaniya. Na siyang ikinataba ng kaniyang puso.

Matagal silang nagkatitigan, saka na lamang ibinaba ng binata ang mga labi nito sa kaniya. Nangusap ang kanilang mga labi. Ramdam na ramdam niya ang sinsiridad ng damdamin ni Romeo sa kaniya.
Napapikit na lamang siya , ninanam-nam ang bawat sandali. Alam niyang ito ang huling pagkakataon na makakasama nila ang isa't isa. Na hindi na silang maaaring magkita pang muli.

"Mahal kita."- sambit ng binata.

At kasabay ng pagmulat ng kaniyang mga mata ang siyang paglaho ni Romeo. Napaluhod na lamang siya sa lupa at napahagulhol ng iyak. Hindi niya matanggap na wala na si Romeo sa mundong kinalulugaran niya. Gustong gusto niya itong sundan, kung papayagan lamang siya ng kaniyang inang Reyna.

"Mahal na mahal din kita."- humagulhol niyang sambit habang pinaghahampas ang lupa.

"Titania~

Napatingala si Titania ng marinig niya ang boses ng kaniyang ina.

"Ina~
malungkot niyang tawag sabay yakap sa inang Reyna. Hinagod nito ang kaniyang likod na siyang nagpatahan sa kaniya.

"Anak, masaya ako na nalagpasan mo ang pagsubok na ibinigay ko sayo."- masayang saad ng kaniyang ina. Nagulat siya sa sinabi nito kaya naman hinarap niya ito.

"Anong ibig niyo pong sabihin ina?"

"Binigyan kita ng pagsubok... pagsubok na pwedeng sukatin ang iyong kakayahan at katapangan. At pinahanga mo ako doon anak. Pinakita mo sa akin na buong tapang mong hinarap ang mga iyon."

"Pero ina, hindi  ko po iyon malalagpasan kung wala si Romeo na siyang tumulong sa akin na harapin ang lahat ng iyon."

"Alam ko anak. At ako mismo ang nagdala sa kaniya sa mundong kinalalagyan natin. Ang binatang iyon ay may mabuting puso kung kaya't siya ang napili kong maging kasama mo sa mga pagsubok na haharapin mo."

"Pero ina, bakit niyo po ito ginagawa?"

"Dahil ipapasa ko na sa iyo ang trono ko. Ikaw na ang susunod na magiging reyna sa lugar natin."- wika ng kaniyang ina.

Kahit siya ang magiging reyna ng lugar nila ay hindi pa rin siya magiging masaya kung wala si Romeo sa tabi niya.

"At alam kong nalulungkot ka sa pag-alis ni Romeo. Anak~
-saad ng kaniyang ina sabay hawak sa mga kamay niya.

"Mahal na mahal kita anak at hindi ko gusto na makita kang malungkot kaya ibibigay ko sayo ng buong puso ang siyang kagustuhan ng iyong puso."

"ina~

"Alam kong gusto mo siyang sundan...

"anong ibig niyong iparating ina?"

"Pinapayagan na kitang sundan siya... at pinapayagan din kitang mahalin ang mortal na iyon basta palagi mong tatandaan na may ina kang Ada na mahal na mahal ka."

Hindi na niya napigilan ang sunod sunod na pag agos ng mga luha sa kaniyang mga mata. Ang malungkot na nararamdaman niya kanina ay napalitan ng matinding kasiyahan.

"Maraming maraming salamat ina. Pangako hinding hindi ko po kayo kakalimutan, mahal na mahal ko rin po kayo."- masayang wika ni Titania habang yakap yakap ang naluluha sa tuwa niyang ina.

Samantala sa mundo ng mga tao, malungkot na nakabalik sa Romeo. Agad niyang namiss ang presensiya ni Titania. Kaya naman kinuha niya sa bandang bookshelf ang storybook na may pamagat na TITANIA na minsan na ring binasa ng kaniyang ina sa kaniya at itinabi niya ito sa kaniyang higaan.

Kinaumagahan...

Nagising na lamang si Romeo sa malakas na tawag ng kaniya ina mula sa salas.

Napabalikwas siya ng bangon at nagmamadaling bumaba ng hagdan kahit magulo pa ang buhok nito. Maging ang suot na t-shirt at pajama nito ay lukot lukot.

"Opo, andiyan na po!"- sigaw niya habang tumatakbo. Pagkarating niya sa salas ay halos malalag ang panga niya sa nasaksihang bisita na nasa loob ng pamamahay niya. Agad rin itong napatayo ng makita siya.

Kagaya noong una nilang pagkikita, maganda at puno ng saya ang mga mata nito.

Hindi siya makapaniwala na ang babaeng nakasama niya ng dalawang araw sa mundo ng mga Ada ang nasa harapan niya ngayon.

Agad niya itong nilapitan.

"Titania?"- mahinang tawag niya dito.

Ngumiti lamang ang babae sabay sabing

"Alam mo ang pangalan ko?"

Tumango lamang si Romeo sabay hapit sa baywang nito at awtomatiko ding kumapit ang mga braso nito sa batok niya.

"Titania, simula't sapul alam ko na ang pangalan mo. Mahal kita"- madamdamin niyang sabi kay Titania, na siyang pagtakas ng mga luha nito sa mata.

"Romeo, mahal na mahal din kita sobra."- Sabi niya kay Romeo na kaagad siyang nitong siniil ng mapusok at malalim na halik sa labi.

"Ehem"- tikhim ng kaniyang nanay na nakamaywang na sa harapan nilang dalawa. Natigil ang halikan nilang dalawa at parehong pinamulahan ng pisnge.

"Anak, kasintahan mo ba ang napakagandang dalaga na ito?"- tanong ng nanay niya sa kaniya.

Bago niya itong sinagot ay tumingin muna ito sa gawi ni Titania. Ngumiti lamang ito sa kaniya. Maging siya rin ay napangiti ng husto.

"Opo nay, Titania po ang kaniyang pangalan."- sabi niya sa kaniya nanay na siyang ngumiti at lumabas ng bahay.







 
Sa likod bahay na kung saan nakatayo si Aling Berta habang kaharap ang malaking puno ng Acacia.

Punong kahoy na pinagtaguan nina Romeo at Titania.

"Kumare, kamusta ang anak kong si Titania?"- pangangamusta ng inang Reyna sa nanay ni Romeo.
"Naku mare! Sila na ng anak ko!"- natutuwang balita nito na siyang ikinasaya ng inang Reyna.

Masayang nagkwentuhan ang dalawang matandang babae... tungkol sa magiging kasal ng kanilang anak at sa magiging apo nila.

Wakas...

[A/N ]

Hello guys, :) tapos na!!!

thank you for reading...

love you guys and

#bemyinspiration

geniall18

TITANIAWhere stories live. Discover now