TITANIA 2

10 0 0
                                    

"Ano ang pangalawang pagsubok?"- tanong niya sa babae habang naglalakad sa dalampasigan bitbit ang mahiwagang batya.

"Ang ikalawang pagsubok ay kailangan mong umigib ng tubig sa pinakamalinaw na parte ng dagat."- sagot ng babae.
"Huh? Saan ko naman iyon matatagpuan?"- tanong ng binata.
"Sa pinakagitnang parte ng KARAGATANG INCANTASI."- ani ng babae.

Napaisip ang binata sa mga oras na iyon. Mukhang mahihirapan siya sa pagsubok na iyon dahil wala siyang mahika at mas lalong wala siyang kaalam alam sa karagatang tinutukoy ng babae.

Napansin naman ito ng babae kaya't muli itong nagsalita.
"Kung pinoproblema mo ang mahika, huwag kang mag alala akong bahala sayo."
"salamat."- ani ng binata.
"Siyanga pala, saan matatagpuan ang karagatang tinutukoy mo?"- tanong niya sa babae. Saglit itong natigilan at yumuko, ngunit pagkalaon ay muli itong nagsalita.
"sa totoo lang andito na tayo."- nahihiyang sabi ng babae.
Napangiti na lamang si Romeo saka niya itong niyaya na gawin na ang ikalawang pagsubok.

Lulusong na sana siya sa tubig-dagat ng bigla siyang pinigilan ng babae.
"Huwag kang lumusong sa sa tubig-dagat, Romeo."- saad ng babae.
Napahinto sa Romeo saka niya ito nilingon.
"huh? bakit naman?"- takang tanong niya.
"sapagkat hindi ka ADA na tulad ko. Isa kang pangkaraniwang tao lamang."
"anong ibig mong sabihin?"
"hindi pwede dahil magiging isda ka kung mababasa nito ang iyong talampakan."- sagot ng babae.

Nanatiling tahimik sa isang tabi si Romeo, nakatingin ito sa papalubog na araw at ang mga mata nito ay titig na titig sa kawalan na tila bang malalim ang iniisip.

"Hindi ba't akong bahala sayo?"- ani ng babae. Napatingin ang binata sa kaniya. Puno ng pagtataka ang mga mata nito, nginitian niya lamang ito saka siya tumayo at dumipa. Ipinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata.

Pagkatapos nun agad niyang idinilat at kasabay nun ang paglabas ng malaginto at  malaparu-paru niyang pakpak sa likod. Nakakasilaw sa mata ang pakpak nito sa tuwing natatamaan ito ng sinag ng araw.

"wow!!!"- bulalas ni Romeo saka nito hinaplos ng marahan.
"ang ganda..."- nakangiting puna niya rito, ngumiti lamang ang babae saka siya hinawakan sa kamay nito.
"oy! anong ginagawa mo?"- nagtatakang tanong ng lalaki habang tumatakbo silang pareho. Hindi siya pinansin ng babae bagkus ay hinawakan siya nito ng mahigpit sa kamay saka sila lumipad sa ereh.

"WAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!"- sigaw niya nung nasa ereh na silang pareho. Ramdam na ramdam ng babae ang panginginig ng katawan ni Romeo, marahil ay nabigla ito.

"Hawakan mo ako ng mabuti baka mahulog akoooooo...."- nanginginig na sambit nito sa kaniya.
"Diba sabi ko sayo kanina, akong bahala sayo?"- sabi ng babae. Kumalma naman si Romeo sa sinabi nito saka tumingin sa paligid. Malapit nang gumabi dahil papalubog na ang araw at anumang oras ay lilitaw na ang buwan at mga bituin.

"Andito na tayo."- sabi ng babae saka unti-unti silang bumaba mula sa himpapawid.
"Gamitin mo ang mahiwagang batya bilang panandok ng tubig-dagat."- sabi niya.
Agad namang ibinaba ni Romeo ng kaunti ang mahiwagang batya. Nang dumampi na ito sa tubig-dagat biglang lumiwanag ang batya.Muli niyang iniangat ang batya, at ang resulta'y nawala din ang liwanag.

"Bilisan mo Romeo, baka maabutan tayo ni Kadiliman, nararamdaman ko na ang kaniyang presensiya."- nahihirapang sambit ng babae marahil nabibigatan na siya kay Romeo.
Nahihiyang  ngumiti ang lalaki sa kaniya at muli din nitong ibinaba ang hawak na batya saka sumandok.

"Tara na, nakakuha na ako."- sambit ni Romeo... pagkatapos nun ay bumalik na sila sa lupa.

"Ilapag mo sa lupa ang mahiwagang batya."- utos ng babae sa kaniya.
Agad naman niya itong inilapag ng marahan.
Isinawsaw ng babae ang kaniyang hintuturo saka siya lumikha ng ipo-ipo. Namangha ang binata sa kaniyang nakita. Hahawakan niya sana ang mahiwagang batya ng biglang pinitik ng babae ang kaniyang kamay.

"Bakit mo pinitik ang kamay ko?"- nasasaktang wika ng binata.
"Hindi ba't sinabihan na kitang bawal mong hawakan ang tubig dagat dahil magiging isda ka."- paliwanag ng babae. Napakamot na lamang sa pisnge ang binata saka muli itong nagsalita.
"Gusto kong makatulong sayo. Ano ang pwede kong gawin para mahawakan ko ang tubig-dagat?"- pagpupumilit ng binata.

Namula ang magkabilaang pisnge ng babae nang maramdaman niyang desidido ang binata na tulungan siya. Iniwas niya muna ang tingin dito saka huminga ng malalim.
"oy! ano na?"- sabi ng binata sabay tapik sa balikat niya.
Napakagat-labi ang babae saka nito hinarap ang si Romeo.
"Kailangan kitang mahalikan para pwede mong hawakan ang tubig-dagat."-nahihiyang sagot ng babae saka ito umiwas ng tingin.
"Ah, g-ganun pala yun."- nauutal na sabi ni Romeo.

Pareho silang natahimik sa isang tabi.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot
sa atmospera nilang dalawa.
Wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Tanging paghinga na lamang nila ang naririnig. Hanggang sa dinalaw na silang pareho ng antok at natulog na lamang.

Ngunit hindi makatulog ang babae dahil iniisip pa rin niya ang napag-usapan nila kanina ni Romeo. Marahan siyang bumangon mula sa pwestong kinahihigaan niya. Lumapit siya sa pwesto ni Romeo.

Mahimbing itong natutulog. Pikit na pikit ang mga mata nito ngunit ang mga labi nito'y nakaawang pa rin.
Mabuti na lang ay hindi ito humihilik.

Pinagmasdan niya ang buong pagmumukha nito.Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang talampakan.

Masasabi niyang isang napakagwapong mortal si Romeo. Matangkad at matipuno ang pangangatawan nito.

Kulot na kulot ang kulay itim na buhok, maputi na mamula-mula ang balat lalong lalo na ang mga pisnge nito. May matangos na ilong, mahabang pilikmata at manipis ngunit mapang-akit na mga labi.

Doon siya napatitig ng husto. Itong mga labi ng binata ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog ng maayos at mahimbing. Gusto niya itong halikan bukod lang sa kadahilanang magiging isda ito marahil gusto na niya si Romeo.

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha nito. Kanina pang nagtatalo ang kaniyang isipan. Kung nanakawan ba niya ito ng halik o hindi.

Napapikit na lamang siya ng mariin sabay halik sa labi ni Romeo. Mabilis lamang iyon ngunit nag-iwan iyon ng matinding kasiyahan sa kaniyang puso.

TITANIAWhere stories live. Discover now