Nasa kalagitnaan nang pag-iisip si Liam nung napansin nyang pababa ng hagdan si Lira. Nakabihis at nakaayos na ito, halatang may lakad. Tulad ng inaasahan nya, nilagpasan lang sya nito at hindi pinansin. Sinundan nya na lang ng tingin si Lira at nung malapit na ito sa pintuan para lumabas saka sya nagkaroon ng lakas ng loob magtanong.

"W-where are you going?" nag-aalinlangan pa sya nung itanong yan

Nagulat naman si Lira dahil hindi nya inaasahan na tatanungin sya ng asawa. Bakit ba sumasablay ata yung mga predictions nya tungkol sa ikikilos at sasabihin ng lalaki? Samantalang dati rati naman, basang- basa nya ito. Oh well, nagtaka pa sya, alam naman nya ang sagot sa sariling tanong.

IBA NA NGAYON.

Nag-doubt pa sya kung sasagutin ba nya ang tanong nito o hindi na lang. Kapag kasi sinagot ya, hahaba na naman ang usapan at kapag hindi naman nya sinagot mag-mumuka namang syang bastos kausap. Natawa naman sya sa pangalawa nyang inisip, bakit naman sya magmumukang bastos eh diba nga nasa walang pansinan stage sila? So in the end ito mas pinili nya na sagutin si Liam, na ikinagulat naman ng lalaki.

"Why do you care?"

Nilingon pa nya si Liam habang ang isang kamay nya ay hawak ang doorknob ng pintuan. Aware naman sya na mas bastos pakinggan yung isinagot nya sa lalaki. Yun ang unang lumabas sa bibig nya. At ngayon gusto nyang malaman sa lalaki kung bakit ito may pakialam sa kanya. Ayaw naman kasi nyang mag-assume na may feelings din si Liam sa kanya. Sus, asa pa sya eh kay Allanah naman umiikot ang mundo ng lalaki.

Hindi naman agad nakasagot ang lalaki. Bakit nga ba? Dahil magkaibigan sila? Huh? Kailan pa sila naging magkaibigan? Samantalang ang bilis ng mga pangyayari at ikinasal na agad sila. Dahil nakatira sa sya bahay nya? Kasama naman sa kontrata nila na magsasama sila sa iisang bahay. Bakit nga ba?

Nainip na kakahintay ng sagot si Lira sa lalaki kaya naman tinalikuran na nya ito at tuluyang lumabas ng bahay. Ngayon lang ulit tumama ang hula nya sa gagawin ni Liam. Hindi ito sumagot, tulad ng inaasahan nya. 

Sa ikalawang pagkakataon, naiwan na naman si Liam nang nakatanga. Ang pinagkaiba nga lang, sya ang hindi nakasagot.

--

 *MALL

 Ilang minuto na ding naghihintay sina Cams, Dee at Chi sa kaibigan sa isang coffe shop. Alam naman kasi nilang tatlo na umiiwas lang si Lira kay Liam kaya sumama ito sa kanila. Buti na lang at saktong nasa Mall sila nung tumawag ito. Sa kakahintay nga kay Lira napag-usapan nila ang tungkol sa sitwasyon nito. 

"Sa palagay nyo sino may problema si Lira o si Liam?" panimula ni Chi

Napatingin naman sa kanya ang dalawang babae at nagtaka sa tanong nito, at agad din naman nilang nakuha ang ibig sabihin ng kaibigan.

“Tingin ko si Liam" sagot ni Cams

"Bakit naman?" tanong ni Chi, habang si Dee naman tahimik lang na nakatingin sa dalawa

"Kasi hindi sya maka-move on kay Alannah? Samantalang si Lira na yung nasa harapan nya iba pa din yung gusto nya. Alam nyo yun? Nakakainis lang tuloy si Liam, para kasing muka nyang pinapaasa si Lira sa wala. First time pa naman mainlove ni Lira tapos ganon pa? Diba guys nakakainis yun, one sided love ang drama ni Lira?" naiinis na pahayag ni Cams

"Sabagay may point ka dun, pero diba si Lira din naman may problema? Kasi tignan nyo guys ha, imbis na gumagawa ng paraan si Lira para mainlove sa kanya si Liam anong ginagawa nya? Umiiwas sya. I mean alam ko namang iniiwasan nya lang na lalong mag grow yung feelings nya for Liam pero diba mas ok sana kung gumagawa din sya ng way para mainlove si Liam sa kanya para happy?" sagot naman ni Chi

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon