twenty two

306 22 1
                                    

Guess what? Eto ako ngayon sa punyetang park dahil sa punyetang park jihoon na 'yan. I hate myself for going here.

Sumakit ng konti yung puso ko. Nakasiksik siya na parang bata dun sa slide. Wala na kasing ibang masilungan. Nanginginig pa siya sa lamig. So tama nga yung sinabi niya sa 'king nasa park pa siya. Akala ko nga nung una niloloko niya lang ako kasi ang sabi niya kay daehwi umuwi na siya.

Nilapitan ko siya para makita niya ako.

"Hoy." Sabi ko. Tumingala siya at ngumiti. Nagawa niya pa talagang ngumiti. "Iuwi na kita. Gabi na."

Luh iuwi. Para naman akong nanay niya.

"Thank you." Bulong ni Jihoon. Na-fifeel ko pa rin yung panginginig niya.

Kanina pa kami naglalakad pero hindi ko pa natanong kung saan bahay nila. Ang tanga ko rin.

"Saan ka nga pala--jihoon!!" Napasigaw ako bigla kasi nagfaint siya. Walang hiya saan ko siya dadalhin?! Malapit lang bahay namin pero paano kung makita siya ni mama?

Pota no choice ako sa bahay ako pumunta. Ang bigat niya pa naman. Maiintindihan naman siguro ni mader 'to.

"Andito ka na pala. Saan--" Nagtaka naman si mama kung sino yung nakakapit sa 'kin. "Anong nangyari sa kaniya?!"

"Nahimatay siya ma. Pwede bang dito muna siya magstay ngayon?"

"Sige anak." Sabi ni mama sabay lagay ng kamay niya sa noo ni jihoon. "Nako nilalagnat siya. Ipunta mo na muna siya sa guest room. Ako na bibili ng gamot."

Iaakyat ko pa siya papuntang second floor jusko.

Scammer messaged you.

daehwi: ano kayang ginagawa ni jihoon ngayon ba't hindi siya nagrereply

daehwi: binanggit ko na naman siya sayo sorry bes 😅

denise: Ah okay lang

Wala siyang kaalam alam nagkasakit si jihoon dahil sa pagsscam niya! Bakit kasi hindi na lang sinabi ni jihoon yung totoo? Ako tuloy naperwisyo. Habang nagrarant ako sa isip, biglang bumukas yung pinto.

"Anak, bumili ako ng fever patch at tsaka gamot painumin mo sa kaniya 'yan bukas after niya magbreakfast." Tumango naman ako. "Sino pala siya?"

"F-friend ko ma." Napa-ahh lang si mama at sinarado na yung pinto.

Friend naman daw. As if.

Nilagay ko na yung fever patch sa noo niya. Ang himbing ng tulog niya. Baka bukas na siya magising. Ngayon ko lang na-realize na gwapo pala siya. O sadiyang gwapo lang siya kapag tulog. Hahaha joke. To think na gusto niyang makipagkaibigan sa 'kin. Wieee. So sinampal ko sarili ko para magising ako sa katotohanan. Papaasahin lang din niya ako 'yan.

Iniwan ko na muna siya dahil inaantok na ako.

"Good night, jihoon."

the wink boy | park jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon