Malalim na ang gabi, ang mga insekto sa paligid ay nagsimula ng mag-ingay. Pati na ang malakas na sipol ng hangin ay nangibabaw rin dahilan upang makaramdam ng kakaiba. Ang maliwanag at bilog buwan ang siyang nagsisilbing liwanag sa buong kagubatan.
Isang humahangos na babae ang tumatakbo at tila may tinatakasan. Nakasuot siya ng puting bestidang napuno na ng putik at dugo. Ang kanyang binti at paa ay nagkaroon ng maraming sugat dahil sa mga matitinik at matatalas na bagay na kanyang nadadaanan.
"Charina.."
Binalot ng takot ang kanyang dibdib. Tila wala siyang kapaguran sa pagtakbo dahil ang nais niya ay makalayo sa kanya. Basang-basa ang kanyang mukha dahil sa walang tigil na pag-iyak. Kailangan niyang makatakas. Hindi siya dapat mahuli. Ayaw na niyang bumalik sa lugar na iyon.
"Hindi ka makakatakas. Sa akin kalang Charina." isang nakakatakot na boses na kanyang narinig.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta patuloy lamang siya sa pagtakbo. Nabuhayan ang kanyang loob nang makita ang liwanag na nagmumula sa di kalayuan. Makakatakas na siya. Binuhos niya ang kanyang lakas sa pagtakbo hanggang sa namalayan na lang niya na nasa gitna na siya ng kalsada.
"Tulungan nyo ko pakiusap. Hinahabol niya ko. Pakiusap tulungan nyo ko." pagmamakaawa niya.
Subalit sa isang iglap ay nasa harapan na nya ang humahabol sa kanya. Ang itim nitong buhok at maputi nitong balat ay nasisinagan ng liwanag ng buwan. Matipuno ang pangangatawan nito subalit nakakatakot ang mga mata. Those bloody red eyes are now looking at her with devilish smile. The sharp fangs and nails is making her tremble. No!
"Lumayo ka sakin. Halimaw!"
Isang nakabibinging alulong ang bumalot sa kalaliman ng gabi. Ngunit bago pa siya nito nakuha ay isang lagusan ang bigla na lamang bumukas at hinigop siya patungo sa kawalan.
**
This is a work of fiction. All names, characters and location are made by an author's imagination. Any resemblance living or death is purely coincidential . Plagiarism is a crime.
Please bear with typo and grammatical error. Thank you and enjoy reading.
Xoxo
VAMPIRE INTRUDERS
Written By: neverexistinlife
YOU ARE READING
VAMPIRE INTRUDERS
VampireA girl named Chandria Abrigonda is a very quite person. She is not a friendly too. Hindi ka nya kakausapin kung hindi ikaw ang unang mag-iinsist. Only her bestfriend, Ashikaye Sharidad stay by her side. And the fact that she don't believe in su...
