Scene 2

268 3 1
                                    

Isang araw, habang papunta ako ng library nakita ko si Lanz na kasama si Ana, yung nerd naming kaklase na umiiyak sa harap mismo ni Lanz.



Nakita ko pa kung paano lumuhod si Ana kay Lanz. Hindi ko na pinatapos ang panonood sa kanilang eksena dahil tumunog na ang bell at simula na nang klase namin. Kaya pumunta na lang ako pabalik sa classroom.



Oral Recitation namin ngayon sa English. Drawlots yung Oral Recitation namin. So ibig sabihin, kapag pangalan mo ang nakuha, ikaw ang mauunang mag-recite.



Habang pumipili ng papel si Miss Agaser, nakita kong natatakot at di-mapakali si Lanz sa kaniyang upuan.

Tinawag ni Miss Agaser si Lanz dahilan upang tumayo ito. Tinanong siya ni Miss Agaser tungkol sa mga aralin sa English at hindi siya nakasagot.

Dahil hindi siya nakasagot, binigyan siya ni Miss Agaser ng remedial class.

Natapos ang klase ni Miss Agaser at pinaiwan niya si Lanz at pati AKO!!

Linapitan ako ni Miss Agaser at sinabihan na turuan ko si Lanz dahil matalino daw ako sa klase. Gusto ko mang mag-reklamo ngunit wala rin akong nagawa kundi ang turuan siya.










--
Floracoquerell

Nasa Huli Ang PagsisisiWhere stories live. Discover now