Paalam

3 2 0
                                        

Sabihin mo nga, ano ba ang mali?

Mali bang makaramdam ng paghanga? Mali bang hangaan ka?

Mali bang makaramdam ng inis tuwing pakiramdam ko ako'y iyong binabalewala?

Mali bang ako'y masaktan pagkat ikaw ay sadyang walang pakialam?

Subukin mo din sanang, ako'y bigyan pansin. Pagkat aking munting hiling ay aking angkinin puso mong kay hirap akitin.

Ngunit alam ko naman na ito'y suntok sa buwan. Malabong maging totoo at never magkakatotoo.

Kaya paalam. Paalam sa isang relasyong di pa man nagsisimula'y puputulin na.

Sinabi ko mang tanggapin ang sakit at tikman ang pait. Lunukin ang hapdi. Kasi malay mo may maging gantimpala pala sa huli?

Pero huwag na nga pala, kasi di pa man nagsisimula, ako'y nasasaktan na.

Kaya paalam. Paalam sa iyo kasi muntanga na ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paalam Na MahalStories to obsess over. Discover now