Chapter 6: Callejon

Magsimula sa umpisa
                                    

Pumarada ang Revo sa bukas na parking area kung saan may ilang mga sasakyan ang naroon: Mga SUV na tulad ng sa kanila, mga motorsiklo at mga military trucks.

Bumaba sina Andy at Jang-Mi at inikutan ng tingin ang paligid. Dito ay may malawak na tanawin ng bayan. Tanaw nila ang krus sa itaas ng simbahan at ilang mga gusali sa may bayan proper. Dito rin malawak ang tanawin ng kalangitan. Strategic ang lokasyon, ani ni Andy. At secured. Nilagyan nila ng perimeter na outposts ang area na may mga sundalong sentry.

Sinundan nila si Esguerra papasok ng military headquarters. Sa lobby, ay masaya silang sinalubong ni Colonel Laxamana.

"Ah, andito na kayo!" bati ng opisyal. "Kumusta biyahe n'yo?"

"Okay naman," tango ni Andy habang nagkamay sila.

Bumaling ang colonel kay Jang-Mi.

"Hello. You must be Jang-Mi."

"Yes," pag-bow ng Koreana.

"I'm glad you are here."

Maraming sundalo sa loob, lalaki at maging babae, na paroon at parito na abala sa mga ginagawa. Nagmistula na ngang military headquarters ang loob ng resort. May mga kuwarto na kinonvert bilang opisina. May kuwarto para sa supplies, computers at files, at ammunition.

"Torres!" sigaw ng colonel.

Maya-maya'y lumapit ang isang matangkad at maitim na sundalo. Snappy ang saludo nito.

"Sir!"

Ipinakilala siya ng colonel na si Private Torres.

"Turo mo mga kuwarto nila," utos sa kanya.

"Yes, sir!"

Agad na kinuha ni Torres ang bagahe nina Andy at Jang-Mi.

"Torres will show your rooms, okay?" sabi ng colonel sa psychic.

"Okay," nakangiting balik ni Jang-Mi.

Tumalima si Torres at sinundan nina Andy at Jang-Mi.

"Pare, salamat sa pagpunta," habol ni Colonel Laxamana. "Settle down first," aniya. "Tapos bibigyan ko kayo ng full briefing."

Taimtim na tumango si Andy.

Sa second floor, halos magkatapat lamang ang mga kuwarto nina Andy at Jang-Mi. Matapos mailagay ang bag ni Jang-Mi sa kuwarto nito ay sinudan ni Andy si Private Torres tungo sa kanya namang silid tulugan.

"Sir, kung may kailangan kayo, sabihin n'yo lang sa akin," alok ng private habang nilapag ang bag ni Andy sa sahig. Nagpasalamat si Andy at iniwan siya ng sundalo.

Simple lamang ang kuwarto. Single bed, dresser at closet. Airconditioned at may maliit na ref. Malinis at maayos. Nahiga si Andy sa kama. Medyo masakit nang likuran niya sa matagal na pagkakaupo sa sasakyan.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nakabalik na siya sa Callejon sa tagal-tagal na panahon. Ngayong naroon na siya'y hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman.

(II)

Hindi pa gaanong nakaka-settle down si Andy nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone at siya'y napabangon mula sa pagkakahiga.

"Hello?"

Sa opisina ng Maverick Private Investigators, hawak ni Marissa ang telepono.

"Boss, nandito si Mrs. Arevalo, at galit na galit. Hindi daw kasi inaasikaso 'yung kaso niya," bulong ng sekretarya sa receiver.

Sa may puwesto ni Tony, kausap niya ang isang matabang ginang na kanyang pinapahinahon. Nagtatatalak ang ginang na magarbo ang suot at tadtad ng mga alahas. Si Vic ay kabadong nagmamasid sa isang sulok.

Ang Bayang NaglahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon