a bromance love story

324 2 0
                                    

Bumabalik sa alaala ni Jenmark ang mga masasakit na tagpong yun. Isang taon na ang nakalipas, pero malinaw pa rin sa isipan nya ang pagkawala ng nobya sa harap at mga bisig nya.

Masayang naglalakad ang magkasintahan patungo ng parking area kung saan naroon ang sasakyan.

Vanessa: Naku mahal, nakalimutan mo ako bilhan ng flowers! Ilalagay ko sana sa altar :)

Jenmark: Magpapa deliver nalang ako mahal! Para maaga kitang maihatid sa inyo :)

Vanessa: Hindi ka talaga sweet ano! Jenmark: Pa sweet lang! Hehe!

At yun ang mga masasayang sandali na magkausap sila. Ilang minuto palang ang nagdaan, nilapitan sila ng mga armadong lalake.

Gustong kunin ang sasakyan. Pero nagmatigas si Jenmark. Kaya naman na hostage ang nobya nya.

Nakiusap si Vanessa na ibigay na lamang ang sasakyan para wala ng masaktan sa kanilang dalawa.

Pero nanlaban si Jenmark. Kaya naman isang alingawngaw sa paligid ng putok ng baril ang narinig.

Bumagsak si Vanessa na hawak ang kaliwang dibdib nito na may dugo.

Mabilis ang mga pangyayari. Mabilis na dinala ni Jenmark sa malapit na ospital ang nobya.

Nasiklo ng mga otoridad ang mga masasamang loob ng kuyugin ng mga tao.

Jenmark: Mahal ko! Huwag kang matutulog please! Huwag kang pipikit! Please!

Vanessa: Mahal ko, hindi ako matutulog! Pangako!

Dumilim ang kapaligiran ni Vanessa at huli nyang narinig ang pagtawag sa pangalan nya ng nobyo.

Dead on arrival. At kahit ilang beses sinubukan irevive ay hindi na talaga ito nagawa pang saklolohan ng doktor.

Kaya naman ganun nalang ang pagtangid ni Jenmark. Parang dumilim ang paligid sa kanya at nanlabo kasabay ng mga luhang nagdadalamhati.

Kahit matagal ng nangyari, ay parang kahapon lang. Patungo ngayon sa taong nakakuha ng puso ng kanyang nobya si Jenmark para makilala ito.

Nakaplano na pala ang nobya nya na mag donate ng ilang parte ng katawan nito gaya ng mga mata at puso kapag dumating ang puntong kukunin ang buhay nito.

Si Ramon ang mapalad na nabigyan ng pagkakataon na muling mabuhay dahil sa heart transplant.

Hindi nya kilala ng personal ang nag donate ng puso sa kanya, pero malaki ang utang na loob nya sa taong nagdugtong ng kanyang buhay.

May pamilyar na damdamin syang nararamdaman minsan sa mga lugar o taong hindi naman nya maalala na nakita o nakilala nya.

Gaya ng paghaharap nila ng nobyo ng may ari ng puso na nasa kanya ngayon. Nalaman nya na babae pala ang may ari ng pusong gamit nya sa mga oras na yun.

Jenmark: Alagaan mo sanang mabuti ang bagay na binigay nya sayo!

Ramon: Oo! Maraming salamat at sa akin nyo ito binigay!

May kung anong damdamin ang nagtulak kay Jenmark oara yakapin ang taong yun. Ramdam na ramdam nya ang pintig ng puso ng dating nobyo.

Biglang lumakas ang pakiramdam ni Jenmark matapos gawin yun.

Jenmark: Pasensya ka na! Nasabik lang ako na hindi ko maintindihan kaya kita nayakap!

Isang gabi, lumabas ang dalawa. Nanood ng sine at kumain sa labas. Nang pauwi na sila, naging alerto sa paligid si Jenmark. Na ipinagtaka naman ni Ramon.

Ramon: May problema ba?

Jenmark: Alam mo bang ngayon ang anibersaryo ng pagkawala niya! Gusto ko lang maging safe tayo! Maging safe ka at yang puso na dala mo! Natatakot na akong may mawala pa ulit sa buhay ko!

Sinabi ni Ramon na hindi sya ang nobya nito. Para mag alala sya ng ganun. Nauunawaan ni Ramon na nakikita sa kanya ng binata ang dati nitong kasintahan sa kanya dahil dala nya ang puso nito, pero nilinaw nya ang sitwasyon nilang dalawa.

Ramon: Pareho tayong lalake! Hindi ba parang nakakailang na parang espesyal ang pinapakita mong concern sa akin?

Jenmark: Gusto ko lang maging masaya ang puso na dala mo ngayon! Yun lang!

Pero aaminin ni Ramon, na ramdam nya na may espesyal na damdamin sya sa binata. Pero posible ba ang ganung damdamin dahil sa dating may ari ng puso?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

a Bromance Love StoryWhere stories live. Discover now