Nang mapatingin ako kay Pukangkang ay nangunot ang noo ko. Nakatingin kasi siya sa akin na para bang naaaliw. Seriously? Naaaliw pa siya habang namomroblema ako rito?!


Ngumiti siya sa akin. "Nagugutom ka na ba, Bathala?"


She's cute when she's calling me Bathala. Pero iyong ka-tribo niya, nangingilabot ako kapag naririnig ko na tinatawag nila ako ng ganon.


Umiling ako. "Hindi ako gutom."


Mahirap na dahil baka ma-food poison lang ako sa pagkain nila. Maselan kasi ako at madalas na na-f-food poison. Resulta siguro ng klase ng pagpapalaki sa akin. Sobrang selan kasi ng mommy ko pagdating sa akin dahil ako ang bunso. Ang pagkakaalam ko nga ay sampung katao ang babysitter ko noong baby ako. May sarili akong chef sa pagkain at lahat ng meals ko ay fresh from the farm. 


Alagang-alaga ako na ultimo sa lamok ay hindi ako pinadadapuan. Homeschooled din ako hanggang makatapos ng elementary. At private chopper ang service ko noong high school. I know it was kind of OA, pero ganoon talaga ako pinalaki. Kaya nga siguro ganito rin ako kaarte.


"Bathala," pukaw ni Pukangkang sa naglalakbay kong diwa.


"Ano?" inis na tanong ko. Naistorbo niya kasi ang pag-iisip ko. Isa pa ito sa ugali ko, maiksi ang pasensiya.


Bumaba ang paningin niya sa harapan ko. "Okay na ba ang panokhang mo?"


"Huh? Panokhang?"


Tumango siya. "Panokhang."


Napatingin na rin ako sa harapan ko. Is she referring to my cock? And if I'm not mistaken, they called it 'Panokhang'.


I don't get it. Napakamot ako. "Hindi kita maintindihan."


"Panokhang ang tawag namin dyan sa sandata na nasa harapan mo."


"Huh?" Okay lang ba siya?


"Ganito na lang, Bathala, para maunawaan mo. Halimbawa sinipingan mo si Libag,"


Napangiwi ako.


"Pwede na nating sabihin na – natokhang mo si Libag."


Seriously? In my place, iba ang meaning ng natokhang.


"At alam mo ba, Bathala? Lahat ng tribo ay nasasabik na matokhang mo."


Nalamukos ko ang aking mukha. Ano ba itong lugar na napasok ko? Lalo tuloy akong nanggigigil kay Panther Foresteir, ang lalaking pinaghihinalaan ko na may kagagawan sa pagkasira ng yate ko sa karagatan. He's the leader of Red Note Society, an elite brotherhood na kalaban naman ng Black Omega Society


"'Lika, Bathala." Dinampot ni Pukangkang ang aking pulso at basta ako hinila patayo. Damn, she's strong! "Ipapakilala kita sa buong tribo."

The God Has FallenWhere stories live. Discover now