Jae Hyun Academy:
Mischievous Teens
••••
Winter Kim
"Too pretty to be your property"
"Winter, what's your dream?" Tanong sa akin ni mama habang sabay kaming nakain ng hapunan.
Napatigil naman ako sa pagsubo ng kanin at malalim na napaisip. Ano nga ba ang pangarap ko?
I smiled as I remember my dream since I was a child. "Gusto ko maging doctor, ma." Sagot ko, nawawala ang mata nang ngumiti.
Kumunot naman ang noo ni mama nang marinig niya ang naging sagot ko.
"Takot ka sa dugo tapos magdodoctor ka. Ya! Ano trip mo ha?" Akto niya pa akong babatuhin ng kutsara.
Bakit ba? Isa bang malaking biro ang naging sagot ko. Yeah, takot ako sa dugo, e, iyon ang pangarap ko nung bata ako, e.
"Mag-flight attendant ka na lang," wika ni mama saka uminom ng tubig. "Diba, gusto mong libutin ang buong mundo."
Sa sinabi niyang iyon ay tila nabagsakan ako ng isang malaking bulalakaw. Nang-aasar si mama.
Kinulang ako sa height, iyon talaga ang katotohanan. Sa dinami-rami ng taong aambunan ng katangkaran ay ako pa ang hindi napasama.
Maganda naman ako, mabait, matalino't masipag mag-aral. Height na lang talaga ang kulang, e, hindi pa naibigay.
"Omma! Tatangkad pa ba ako?" Tanong ko sa kanya. Seryoso ang mukha ko habang naghihintay sa sagot niya.
Nag-isip muna siya ng malalim bago ibinuka ang bibig. "Matangkad naman ako at may katangkaran naman ang papa ko. Hintayin mo na lang, anak. Bata ka pa naman."
Napangisi na lang ako saka tumayo para yakapin si mama ng napakahigpit.
"Kaya mahal na mahal kita, e. Salamat sa suporta, ma." Wika ko saka pinanggigilan ng halik si mama sa pisngi.
That was four years ago. Dalawang taon na rin ang nakakalipas matapos niya akong iwan at tumungo sa malayong lugar kung saan kahit kailan ay hindi ko mapupuntahan. Sa lugar kung saan puro saya na lamang at wala ng paghihirap.
MAHIGPIT ang hawak ko sa picture ni mama kasama ko. Ito ang huling litrato naming dalawa noong bumisita kami sa isang theme park. Noong panahong ito ay napakasaya namin. Kung dati ay napapangiti ako sa tuwing maaalala iyon pero ngayon ay naluluha na lang ako.
Mahirap man para sa akin pero kailangang tanggapin na wala na siya. Wala na nga akong papa dahil iniwan kami tapos sumunod pa si mama.
Namatay siya dahil sa isang car accident. Sa loob ng dalawang taon ay hindi pa rin nahuhuli ang driver ng kotseng iyon ngunit kahit lumipas pa ang mahabang taon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Magbabayad din ang walang hiyang driver na iyon na nakabangga na nga ay hindi pa pinanagutan at tinakasan pa ang aking ina na walang malay sa gitna ng kalsada, hawak hawak ang telepono na ang nasa kabilang linya ang nag-iisang anak niya na walang kamalay-malay sa nangyari.
Sa pangyayaring iyon ay halos gumuho ang buhay ko. Muntikan pa akong hindi makapasa dahil sa nanganib ang grades ko. Sino ba naman ang makakapag-aral ng maayos matapos kang mawalan ng importanteng tao sa buhay mo.
Magmula ng mawala si mama ay nagsumikap akong mabuhay mag-isa. Nagpart time ako sa isang coffee shop at kahit hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa din ako.
TUMULO ang luha ko sa litratong hawak hawak ko. Agad ko namang pinunasan ang luha mula sa mata ko. Hindi dapat ako maging mahina. Sa panahong ito ay dapat nagpapakatatag ako. Dalawang taon na rin naman ang nakakalipas at nakakaahon naman ako. Ano pa ba ang ilang taon na darating?
YOU ARE READING
Jae Hyun Academy: Mischievous Teens
Teen FictionWelcome to Jae Hyun Academy .... where grade counts and money makes you more powerful.
