Chapter 37: Father and Son

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko na napigilan na umiyak. Siguro dahil sa inis at sakit. Inis sa sarili ko at sakit na makita si Candice na tuluyan nang lumalayo sa 'kin.

"Jeydon?" Boses ni Troy. Kasunod niya si Marky pero si Charles, wala pa. "Okay ka na ba?"

"Kailan ba ako hindi naging okay?"

"Kanina!" sigaw niya. ''Wag ka nga mag-feeling na malakas ka, ugok." Sa ekspresyon ng mukha niya, gusto niya akong batukan.

"Anong sabi ng doktor? Kailan daw ako mamamatay?" Pagkasabi ko pa lang no'n, kita ko na agad sa kanila 'yong pagkainis. Alam ko naman na ayaw nilang mawala ako pero ayon 'yong katotohanan na kailangan naming tanggapin.

"Excited ka na bang mamatay?" inis na sabi ni Marky pero dahil siya si Marky, mahinahon pa rin siya. "Maghintay ka lang. May tamang panahon diyan at swerte ka na magtatagal ka pa."

Biglang akong napatingin sa kanya. Magtatagal? Anong sinasabi ni Marky?

"Masamang damo ka, ugok, kaya hindi ka pa mamamatay." Nagulat ako sa reaksyon ni Troy. Nakangiti na siya ngayon. Bigla akong naguluhan. May kailangan ba akong malaman?

"Ano bang pinagsasabi niyo?"

Bumukas 'yong pinto. "Nasabi niyo na ba?" tanong ni Tanda.

"Nasabi ang ano?" nagtataka kong tanong. Nakatayo silang tatlo sa harap ko. Nagkatinginan pa sila at parang nagtuturuan pa kung sino 'yong magsasalita. 'Bawal paghintayin ang gwapong katulad ko. Ano ba 'yon?"

"May sasabihin kami," simula ni Troy. Gusto ko siyang batukan.

"Obvious bang alam ko? Ano nga 'yon? Naiinis na ako." Naging seryoso sila.

"Jeydon, walang taning 'yong buhay mo. Hindi ka pa mamamatay dahil wala kang brain cancer."

Natulala ako sa sinabi ni Marky. Hindi ko maipasok sa isip ko 'yong mga pinagsasasabi niya. Para isang malaking biro pero hindi nakakatawang biro 'yon. Bigla tuloy akong natawa. "Alam ko tapos na 'yong April Fools." Tumawa pa rin ako pero silang tatlo, napakaseryoso pa rin ng mukha.

"Jeydon, hindi kami nagbibiro. Wala kang cancer at lalong walang taning 'yang buhay mo," pagpipilit ni Charles.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Ngayon pa lang unti-unting pumasok sa isip ko na totoo lahat ng mga sinasabi nila. Natahimik lang kaming lahat.

Paano mangyayari na wala akong cancer at walang taning ang buhay ko? Imposible naman na magkamali 'yong neurologist namin. Napakagaling niya at hindi pwedeng magkamali 'yong mga result na pinakita niya.

"Gaano ba kayo kasigurado na wala nga talaga akong cancer at walang taning 'yong buhay ko?" Kahit medyo masakit pa 'yong ulo ko, pinilit ko nang tumayo. "Tangina naman. 'Wag niyo na akong paasahin sa wala. Kung mamamatay ako, then so be it. Ready na akong harapin si kamatayan."

"May brain tumor ka pero hindi 'yon malignant kaya hindi siya cancerous. Kailangan lang daw ng operasyon para maalis 'yon at gumaling ka. Para sa 'kin, naniniwala ako sa sinabi ng doktor. Pwede naman tayo magpa-second opinion pero alam ko na pareho lang 'yong magiging resulta. Wala kang cancer, Jeydon."

Kilala ko si Kie. Matalino siya. Kung sa tingin niya totoo na wala akong cancer, maniniwala ako sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sinabi sa 'min ng doktor na 'yon na may cancer ako at may taning na 'yong buhay ko. Dalawa kami ni Dad na kausap niya no'n. Hindi siya pwedeng pumalpak lalo na sa harap ni Dad dahil isa kami sa may-ari ng ospital na 'yon.

Sandali, parang may mali.

"Jeydon, tingin ko kailangan mong kausapin 'yong daddy mo tungkol dito."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon