CHAPTER 2

15 2 0
                                    

At makalipas ang ilang oras nakauwi nadin siya sa kanyang bahay at may kumatok sa kwarto niya at pag bukas niya at isa niya pala itong kapit bahay , at binigyan siya ng cupcake na may candle sa gitna at naka sindi ang candle. At binati siya ng "Happy Birthday" hindi niya naman kilala ang babaeng ito pero paano nalaman ng babae na ito na birthday niya. Pero wala siyang nagawa at hinipan ang kandila at sabay sabing ng Thankyouu. At agad na umalis ang babae na nag bigay sa kanya ng cupcake at hindi niya naden to pinansin dahil mukha namang mabaet. Matapos nun mga bandang hapon pumunta ang isa niyang kaibigan na babae at binati siya ng HAPPY BIRTHDAY bes (nakangiti at nagyakapan ang dalawa).

----
At matapos nun pumunta siya sa isang malapit sakaniya at binati den siya , at umuwi na nga siya at nagmamadali dahil ginabe siya hindi niya alam na may mga handaan na at hindi niya inaakalang susurprise-in pala siya ng mga kaibigan niya. Pagbukas niya ng pinto , laking tuwa niya dahil kumpleto ang mag kakaibigan at pinaghanda siya ng kanyang mga kaibigan. At matapos nun naginuman sila , pagtapos nila uminom ang iba ay umuwi na at ang iba naman ay nanatili sa bahay niya at doon natulog. Pagtapos nun pumunta siya sa kwarto niya at naligo , pagtapos maligo nag bihis at nag ayos siya ng buhok , yumuko siya dahil nalaglag ang kanyang suklay , at pag angat niya ay tumingin siya sa salamin at may tao na sa likod niya na naka maskara na nakangiti.

-----
At sumigaw siya dahil nagulat siya , humarap siya at inihagis siya sa kama , pagdating sa kama kinuha ng naka maskara ang isang bilog na pahaba na babasagin at binasag ito ng naka maskara at ng mabasag ay nagkaroon ng patalim ang salamin at ng isaksak ito kay nathalie nasalag niya ito at nakikipag agawan siya sa hawak ng naka maskara at habang nag aagawan sila , may biglang pumasok na lalaki na lasing na lasing at napahinto ang dalawa sa pag aagawan at si nathalie ay humihingi ng tulong sa lalaki pero hindi narinig ng lalaki na humihingi pala ng tulong si Nathalie dahil sa sobrang lakas tugtog nila sa bahay ni Nathalie , at nung nabukas na nga ang pinto nakatitig lang ang lalaki na lasing at binaliwala ang nakita niya dahil akala ng lalaking lasing na nag lalampungan ang dalawa at bago pa nito isara ang pinto palabas ng kwarto sinabe pa nito na "sorry sorry lalabas na ako sorry sa istorbo" lasing na lasing na sinabe ng lalaki at ng tuluyan na ngang lumabas ng kwarto ang lalaking lasing pinagpatuloy naman ng naka maskara ang pakay nito na patayin si Nathalie at ng mabitawan ni nathalie ang kamay ng naka maskara dahil hindi niya kinaya ang lakas ay agad nitong sinaksak si nathalie....

DEJUVUWhere stories live. Discover now