Prologue

292 9 0
                                        


"Habulin nyo, bilis!"

I ran as fast as i could. Hindi pwedeng maabutan ako ng mga goons nato. 
I won't die. Hindi pa pwede. Hindi ko hahayaang makuha nila ang gusto nila.

"Paputukan nyo na mga tanga!"
Sigaw ng tila lider nila. 
Iwas. Takbo. Iwas. Takbo. ang ginagawa ko habang pinapaputukan ako ng bala ng mga humahabol sakin.
Sa layo na nang narating ko ay tila hindi ko na alam kung nasaang lugar na ba ko napadpad. Inabot na pala kami ng dilim pero patuloy parin sa paghabol yung mga goons sa akin.
Pagod na rin ako. If i were'nt an athlete ay baka nahimatay na ko sa layo ng natakbo ko. Nauuhaw na rin ako. Wala bang kapaguran yang mga goons na yan?
Gaano kayang kalaki ang binayad ni Mr. Noh sa kanila at sobrang dedicated naman atang mapatay ako?

Nagtago muna ako sa isang napakalaking puno upang magpahinga. Wala sanang ahas dito sa punong to. Takot pa naman ako sa ahas.
Sumilip ako para tingnan kung hinahabol parin ako ng mga goons.

"Hanapin nyo mga ungas! Nasa paligid lang yan. Imposibleng makalayo yan. Sa layo ba naman ng tinakbo nya makalayo lang satin. Akalain mo yun. Tibay rin ng resistensya ng babaeng yon."

Sabi ng lider nila saka naglabas ng foil at lighter. Teka ano yun? 
Nang matapos sila sa 'session' ay nagsialisan na sila upang hanapin ako.
I knew it. Kaya pala ang tibay ng mga goons na 'yon despite the long distance of chase. Drugs.

"Sssssss~"

"Ano ba! Wag kang maingay!"

"Sssss~"

"Sabi nang wag maingay eh. Isa pang sutsot, sasapakin na kita."

"Ssssss~"

"SABI NANG WAG MAING---- AHHHHH! AHAS!!!"
Napasigaw ako pagkalingon. A huge snake is infront of me and getting ready to attack me!
Anong gagawin ko?
Pag umalis ako sa punong pinagtataguan ko,makikita ako ng mga goons. Pero kapag hindi naman ako umalis ay matutuklaw ako ng ahas na nasa harapan ko ngayon! Ano nang gagawin ko?!
Malas at naiwan ko pa kasi yung phone sa school gym! Hindi ko matatawagan si Daddy or si Wesley para humingi ng tulong.

Great. Just great.

It's either i'll die, or i'll die. Bahala na. Die or die lang talaga. Walang choices. Swerte na lang kung may mapadaan dito at saklolohan ako.
Pero napakaimposible non kasi nasa liblib na lugar ako ngayon!

"Ssssssss~"
Atras ako ng atras habang yung ahas naman ay abante ng abante! Damn.

"AYUN SYA!"

"Sa wakas ay nagpakita rin. Sumama ka na sa amin o gusto mong magpatuklaw sa ahas na yan?! Hahahaha. Wala ka ng pagpipilian, Ellerie Montreal." Nakangising sabi ng lider ng mga goons kasunod ng pagtawa ng kanyang kasamahang goons.

"Mas gugustuhin ko pang matuklaw na lang na ahas kesa sumama sa inyo! You ugly bad breath goons!" 
Matapang kong sabi.

"Aba tapang tapangan ah. Tingnan natin kung hanggang saan ang pagmamatigas mo." Muling ngumisi ang lider ng mga goons at sa pagkakataong ito ay kinilabutan na ko. May binulong 'yong lider nila sa mga kasamahan nya. At nagsingitian ito habang sumusulyap sakin.
Hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Umatras na ko ng umatras not minding the snake behind me. Magpapatuklaw na lang ako sa ahas kesa makuha ng mga pangit na to!

"Ako mauuna mga pre. Mukhang birhen pa naman tong dalagang to. Ellerie baby come to papa!" Sabi ng isa sa kanila na ikinangiwi ko.

Ewww. The hell!
'Ellerie baby' daw? Yuck! Mga manyakis! Akala ko ba murderer sila bakit naging rapist?! Ugh! Naiinis ako! Ahas,tuklawin mo na lang ako!

Teka lang... Kanina pa ko umaatras ha? Dapat ay natuklaw na ko ng ahas sa pagkakataong to.
Napansin ko ring lampas na pala ko sa punong pinagtataguan ko kanina hanggang sa may naapakan akong kung anong malabot.
Kahit madilim ay pilit kong inaninaw ang naapakan ko at sa sobrang gulat ay napahinto ako at napasigaw.
"AHHHHHHHHHHHHH!"

Yu-Yung ahas kanina na nasa puno... ang naapakan ko.. Hindi na ito gumagalaw at may dalawang marka ng kagat sa may ulo nito.
Wag mong sabihing... Kinagat ng ahas ang kapwa ahas? Which that means na may isa pang ahas dito? Ohgod.

"Wala ka nang kawala ngayon, Ellerie baby~ hahahaha."
Sabi ng manyakis na mga goons. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala sila and all of them are smiling creepily habang papalapit sa sakin. I hugged myself. Ayokong makuha ng mga pangit na to ang virginity ko! Not now. Not them. Damn!

"Damn you! Hindi kayo magtatagumpay."
Buong tapang na sabi ko but deep inside ay takot na takot na talaga ko sa posibleng mangyari.

"What the hell! Let go of me! Ang dudumi ng kamay nyo! "
Sabi ko nang hawakan na ko isa isa ng mga goons sa magkabilang braso ko at iharap sa pangit na mukha ng lider na nila na nakangisi parin habang tinatanggal nito ang sinturon nya. 

Hindi ko hahayaang mangyari ang gusto nya. Kaya kahit imposibleng may makarinig sakin dito ay sumigaw pa rin ako.

"UTANG NA LOOB PO, KUNG MAY TAO OR WHAT PLEASE TULUNGAN NYO PO AKO!!!"

Naiiyak na ko.

"Kahit anong pagsigaw at hingi ng tulong ang gawin mo. Walang makakarinig sayo. Akin ka na ngayon Ell---"
Hindi ko na narinig pa ang kasunod na mga sinabi ng lider ng goons ng maramdaman kong may tumamang matigas na bagay sa ulo ko hanggang sa nilamon na ng kadiliman ang sistema ko.

I woke up in a white room at agad kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Daddy saka nya niyakap ng mahigpit.

"Salamat naman at gising ka na. Hindi ko alam ang gagawin ko sa sarili ko kung may nangyaring masama sayo Ellerie, mabuti na lang at may nagligtas sayo." 
Kumalas ako sa pagkakayakap ni Dad at napakunot sa kanya. 

"Nagligtas?" Tanong ko.

"Yes my daughter." Nakangiting sabi ni Daddy saka sya lumingon at may tinanguan. Dun ko palang napansing hindi lang pala si Dad ang nasa room nato. There's man standing behind him wearing black shades at napakaputla ng kulay ng balat nito. Tingin ko ay halos kaaedaran ko lang sya. He's wearing an all black corporate attire na bumagay sa tindig nito. Parang 'Men in Black' lang ang pormahan.

"Who is he?"
Nagtatakang tanong ko.

"He's the one who saved you from those goons that Mr. Noh ordered to kill you. He is Casper Vladimir. Your personal body guard from now on."
Nagulat ako sa sinabi ni Daddy. What the hell. Personal bodyguard?!

"You don't have to give me a personal bodyguard dad, i can handle myself." Sabi ko.

"You can't handle yourself Ellerie. You know that. Tingnan mo ang nanyari sayo kahapon. Kundi dumating itong si Casper baka wala ka na. This is our way to thank him and also the way para maprotektahan ka laban sa mga assasins and goons na ipapadala ni Mr.Noh upang ipapatay ka na naman. I'm doing this for you kaya sana ay maintindihan mo. "
Pagpapaliwanag sakin ni Dad at wala na kong nagawa kundi tumango.

"Maiwan ko muna kayo. Be nice to him." 
Sabi ni Dad saka sya lumabas ng kwarto.
Naiwan ako kasama ang 'Personal Bodyguard' ko daw.

For minutes, walang nagkikibuan sa amin. Hindi naman ako tahimik na tao talaga pero sadyang hindi ko feel makipag-usap sa lalaking nasa harap ko ngayon kahit na sya pa ang nagligtas sakin. There's something strange in him.
Kaya it was surprising nang sya ang unang magsalita at tinanggal nya ang shades nya.

"Hi."

Napatulala ako at the same time ay kinilabutan ako sa ngiti nya. Hindi dahil sa kitang kitang ko ang kagwapuhang taglay nya. No not that! Sinong hindi kikilabutan kung may bampira na nasa harapan mo?
Yes he smiled pero kitang kitang ko ang dalawang matutulis na pangil nya. His eyes were bloody red pagkatanggal ng shades nya.
Is this for real?
The vampire named after a ghost infront of me is my BODYGUARD?!
If this was a dream please wake me up in this nightmare!
A Vampire Bodyguard. Great. Just great.
####
A/n: Casper on the media!💙

HER VAMPIRE BODYGUARDWhere stories live. Discover now