Kapag may tiyaga may nilaga

14.8K 20 7
                                    

Ang kwentong Ito ay hango sa buhay ng isang batang hindi ininda ang kahirapan upang makamit ang tamis ng tagumpay. Nais ng kwentong Ito na magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan na nawawalan ng pag asa dahil sa hirap ng buhay na kanilang tinatamasa ngayon. Ito ay isang kwentong kapupulutan ng aral ng mga kabataan, mga magulang at mga taong may mabubuting Puso para as mga dukhang katulad ni Emang.
Si Emang ay panganay Sa walong magkakapatid at kabilang Sa mga hikaos na pamilya. Sa murang edad ay namulat sya Sa totoong kulay nang mundo maagang naging responsible hindi lamang Sa sarili kundi pati narin Sa kanyang mga kapatid. Si Emang ay isang batang malawak ang imahinasyon may matayog na pangarap para Sa kanyang pamilya na di inaasahang maisip ng isang ordinaryong batang katulad niya. Kahit na malabong mangyari ang lahat ng iniisip niya hindi pa din natinag ang kanyang matinding adhikain sa hinaharap. Wala syang ibang pinangarap kundi ang makapag-aral siya kahit na hindi lingid Sa kaalaman niya ang sitwasyon ng kanyang pamilya. Lalong tumindi ang kanilang kahirapan nang sunod-sunod na pagsubok ang humagupit Sa buhay nila, ang pagkamatay ng kanyang dalawang kapatid at ang pagkakasakit ng kanyang ama.
Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat pero talagang mailap Sa kanila ang tadhana ganun paman ay pinilit ni Emang ang mag aral Sa mababang paaralan ng kanilang lugar kahit na dalawang beses lang Ito pumapasok Sa eskwela Sa isang lingo. Pero pinapahintulutan naman ito ng kanyang mga guro kahit pa na bit bit lagi nito ang kanyang maliit na kapatid sa loob ng klase dahil nasa bundok at dagat ang kanyang mga magulang. Sa labis na kahirapang pinagdadaanan ng kanyang pamilya ay hindi parin sya nawawalan ng pag-asa bagkus kahit minsan lang ito pumapasok sa eskwela ay nagagawa pa nito manguna Sa klase Sa paniniwalang tunay na Edukasyon lamang ang daan para makamit at maiahon niya Sa hirap ang kanyang pamilya.
Pinag patuloy niya ang magandang simulain Sa eskwela kahit na hirap Ito dahil ni hindi nyang magagwa mag aral ng mga leksyon Sa kanilang bahay dahil Sa walang tigil nitong pagtrarabaho at ni minsan di niya naranasan makipaglaro Sa kanyang mga kaibigan hanggang sa natapos siya ng grade-four Sa kanilang baranggay dahil Sa hanggang primarya lang ang kanilang eskwelahan ay mapipilitan sya mag-aral Sa bayan Sa kanyang ika-limang baitang bagay na tinutulan ng kanyang Ina Sa kadahilanang baka hindi nito makaya ang pagod sobrang layo ng bayan mula Sa kanilang baranggay tinatayang may apat ng kilometro ang layo nito pero hindi iyon ang nasa isipan ni Emang alam niya ng hindi ito ang tunay na dahilan Kung bakit tutol ang kanyang Ina Sa desisyon nitong mag-aral Sa bayan alam niya Sa labis na mahihirapan ang kanyang ama at Ina kapag sa malayo na ito mag-aral una, walang mag aasekaso ng mga alagang baboy, at di narin nito maaalagaan ang kanyang mga maliliit pang kapatid. Humingi siya ng kasuduan Sa kanyang mga magulang para lang payagan itong mag-aral una, hindi siya aalis hanggat hindi pa napapaliguan at napapakain ang mga baboy. Pangalawa, kailangan may lutong pagkain na makakain ang kanyang mga kapatid pag ito'you nagsigising. Pumayag si Emang Sa kasunduang iyon dahil yon lang ang tanging paraan para paipagpatuloy niya a ng kanyang pag-aaral at naiintidihan niya ang kanyang mga magulang dahil kailangan din nila magtrabaho Sa bukid at dagat para may makain ang kanilang pamilya.
Dumating na ang pasukan, Sa labing apat nag nagtapos Sa primarya Sa kanilang baranggay labing dalawa nalang silang nagpatuloy ng pag-aaral sa ika -limang baitang dulot ito ng matinding hirap ng pamumuhay Sa kanilang lugar. Maagang gumigising si Emang ganap na ika-2 palang ng umaga ay gising na ito para paliguan at pakainin ang mga baboy pagkatapos ay magluluto ito ng pagkain ng kanyang mga kapatid. Sa eskwela, bagamat siya ang pinakabata Sa edad na sampu Sa ika-limang baitang siya din ang pinakamaliit Sa klase kaya sya ay tampulan ng tukso. Lahat ng iyon ay tinitiis ni Emang ang mahalaga ay nakakapag-aral siya. Tahimik at di palakibo ang batang si Emang maging Sa eskwela man o Sa bahay, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag trabaho kahit na dumadating Sa panahon na hindi na kaya ng katawan niya pero hindi niya ito iniinda. Hanggang Sa Dumating ang araw ng pagtatapos niya Sa elementarya, naisip niya na nasa un ang hakbang palang siya Sa kanyang mga pangarap nagtapos siya na may karangalang natanggap.
Nasa secondarya na siya ng biglang nagdesisyon ang kanyang Ina na patigilin siya pag-aaral bagay na hindi sinang-ayunan ng kanyang ama pero nauunawaan ni Emang ang dahilan ng kanyang Ina gusto lamang nito ang ikabubuti ng kanilang pamilya Sa kadahilanang may sakit nga a ng kanyang ama. Hindi natinag si Emang bagkus gumawa to ng paraan para makatulong Sa kanyang pamilya Sa pinansyal. Nag-aaral siya habang nagtitinda ng mga candies, polvoron, popcorn, nilangang mani at Kung Anu-ano pa Sa klase. Subalit ayaw Nya itong ipaalam Sa kanyang mga magulang. Pumapasok itong hindi humihingi ng baon dahil ayaw niya maging pabigat Sa kanyang mga magulang. Kung Araw ng sabado at lingo ay nasa dagat ito para mag hanap ng mga lamang dagat na pwede niyang pagkakitaan bagay na ikinagagalit ng kanyang mga magulang dahil masyado pa itong bata para Sa karagatan at pag nasa bahay naman sya ay naglalako ito ng mga gulay na ani ng kanyang ama't ina sa bukid. Hanggang sa dumating ang pagtatapos nya sa ikapat na taon Sa secondarya laking pasasalamat ng mga magulang ni Emang na wala silang ni pisong bayaran sa eskwelahan tulad ng iba nyang mga kaklase Nung tinanong sya ng Ina kung ano ang ginawa niya sinagot niya ito ng umaagos Sa mga mata niya ang animo'y walang tigil na pag luha, sinabi niya na habang nag-aaral siya ay nagtitinda sya Sa loob ng klase upang ipambayad niya unti unti sa mga bayarin Sa paaraalan at ang iba ay ipinambibili nya ng bigas na pagkain ng kanyang mga kapatid habang nasa bukid ang kanyang mga magulang. Napaluha ang kanyang mga magulang sa nalamang kabutihan ng kanilang anak hindi nila maisip na Sa murang edad ni Emang ay sasagi Sa kaisipan niya ang lahat ng iyon. Tuwang tuwa ang mga magulang niya at syempre taas noo nilang sinamahan ang kanilang anak na mag lakad sa intablado. Apat lang sila na nakatapos Sa secondarya mula Sa labing-apat noong sila ay nasa primarya Sa kanilang baranggay.
Dumating na ang pinakakatakutang yugto Sa buhay ni Emang ang pagtungtong nito Sa kolehiyo. Hindi niya alam Kung papano sya makakapag-aral Sa kolehiyo ang tanging isang bagay na sigarado sya ay ang papalapit niya Sa kanyang minimithing pangarap. Pero pano? Saan? Kelan? Mga katanungang tila wala na atang kasagutan. Hanngang Sa nagpasya syang lisanin ang kanilang lugar at matapang na nakipagsapalaran Sa lungsod ng Manila bilang isang katulong sa mga sandaling iyon alam niyang labis siyang mangungulila Sa kanyang mga magulang at lalo na Sa kanyang mga kapatid na halos Sa kamay niya na lumaki silang lahat. Pero nagtapangtapangan siya hindi siya dapat magpakita ng kahinaan Sa harap ng kanyang pamilya. Lumuwas siya Sa Manila at Isang mayamang pamilya na may mabubuting Puso ang kumaha Sa kanya. Nagtrabaho si Emang ng tila walang kapaguran. Nagustuhan sya ng kanyang mga amo dahil Sa taglay nitong kasipagan at at angking kabaitan, kinakitaan sya ng matinding determinasyon Sa buhay isang batang punong puno ng pangarap at kakaiba Sa karamihang bata sa kapanahunan ngayon. Pinag-aral siya, binihisan at kinupkop ng mayamang pamilyang ito itinuring syang tunay na anak at miyembro ng kanilang pamilya. Sa Kabila nito hindi tinalikuran ni Emang ang kanyang pamilyang naghihintay Sa kanyang muling pagbabalik.
Nag-aaral si Emang sa araw at Sa Gabi naman ginagawa niya ang lahat ng mga gawaing bahay halos wala na syang tulog dahil ang natitira niyang oras Sa gabi ay ginugugol nya Sa pag-aaral ng kanyang mga asignatura. Pa laging nangunguna at siya ay consistent full academic scholar ng kanilang paaralan sa kolehiyo Sa kursong "Education". Kabikabila ang natanggap nyang scholarship kaya naman libre ang kanyang pag-aaral sa apat na taon niya Sa kolehiyo Sa isang pribadong paaralan. Naging idolo siya ng kanyang mayayamang kaklase at maging ng mga kabataan Sa kanilang lugar sa Samar. Isang tagumpay na hinding hindi matatapatan ng kahit na gaanong mamahaling bagay sa mundo ng ibabaw. Abot tenga ang ngiti niya ng masungkit ang gintong medalya Sa kanyang pagtatapos at nananangis ang kanyang mata dahil hindi man lang na kita ng kanyang mga magulang ang pag tanggap niya ng diploma. Niyakap niya Sa araw na iyon ang kaisa-isang taong kasama niya Sa kanyang pinakahihintay na araw at iyon ay ang kanyang kaya "Rang rang" ang anak ng mga amo ni Emang ang taong nagtiyaga Sa pagbigay ng baon sa kanya dahil lumipad patungong America ang mga magulang nito, ang taong naging karamay at sandigan niya, ang taong nasa likod ng tagumpay niya ang taong pinakamamahal niya at tinuring niya itong tunay na kuya. Ngayong ganap na siyang PROFESSIONAL TEACHER, napapag-aral na rin Nya ang kanyang mga kapatid, at naging mabuti syang halimbawa ng mga kabataan Sa kanilang lugar abot langit ang pasasalamat niya Sa panginoon at binigyan sya ng mga ulirang mga magulang at mga kapatid lalong lalo na sa ibinigay niyang mga taong naging tulay tungo sa pinakakamithing pangarap. Tunay ngang makapangyarihan ang Panginoong Jesus " humingi ka at ika'y bibigyan" "manalig ka at ika'y pagpapalain nya". Maraming salamat!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapag may tiyaga may nilagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon