*Chapter 44 - Glimpse, Again.

En başından başla
                                    

Matapos nun ay umuwi na kami dahil gumagabi na. Nakakamiss naman kabonding ang anak ko. Sana hindi ko siya pinag-iinitan sa panahon ko. Ayan lumayo tuloy loob niya saakin. Kasalanan kasi ito ng isip bata na Nath eh. Kaya napraning ako.

Pag dating sa bahay konting harutan ng anak ko at tawanan tapos bago matulog nag story telling muna kami.

_______________________

Kinabukasan

Sabado

Maaga ako nagising naexcite kasi ako pumasok. 7 am palang pero pumasok na ako. Dala ko si Natty. Di naman siya makulit kaya okay lang.

Pag dating sa office wala pa ang mga crew. 9 am kasi kami nagbubukas. Kami na ang nagbukas ng shop. Nagtataka din si Natty pero sabi ko manahimik lang siya. Masunuring bata naman siya.

Mga 7:30 am may kotcheng pumarada sa harap ng shop. Si Erin na yun panigurado. Ang aga niya pumasok. Yung isip batang Nath kasi ang alam ko lagi siyang nalelate. Di naman siya ganun dati. Naiintindihan yun ni Erin kasi may anak siya. Ay ako pala. Ako pala si Nath na yun. Nakalimutan ko.

Sinalubong ni Natty si Erin.

"Mama, you're here na! Good morning mama!" Sabi ni Natty.

"Oh. Bakit nandito ka? Bakit ang aga niyo? "Sabi niya ng nagtataka.

Ang ganda talaga ng babe ko. Namiss ko ang magandang ngiti niya. Akala ko hindi ko na makikita pa! Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko ito kasalanan may magnet ang katawan niya at minamagnet ako. Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Ang tagal ko hinahanap hanap ito. Miss na miss ko talaga siya.

"Ehem. Okay ka lang ba?" Sabi niya saakin pero hindi niya ako tinanggal sa pagkakayakap sakanya.

Ay oo nga pala. Nakalimutan ko ang misyon ko.

"Ahm. Sorry. Hehe. Nadala lang ako. Namiss kita." Sabi ko.

Nadulas ako sa sinabi kong namiss ko siya kaya ang mata ni Natty ganito. O_O si Erin naman ganito OoO.

"Haha. Ikaw naman Nath. Pinag day off lang kita isang araw namiss mo na ako agad. Hahaha. Anyare bakit ganyan itsura mo? Depressed ka ba? Bakit ang lalim ng mata mo tapos. Iba talaga aura mo ngayon." Sabi niya.

"Ahm. Sorry. Puyat lang to." Sabi ko.

"Bakit ka naman napuyat? Puyat ka na nga ang aga mo pa pumasok." Sabi niya.

"Ahm. Kasi naglinis ako ng bahay. " Sabi niya.

"Weird mo ngayon talaga." Sabi niya.

"Hayaan mo na nga ako. Parang sinasabi mo na pumangit ako." Sabi ko.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin