*Chapter 41 - Friendzone

8.4K 154 29
                                    

Erin's POV

Nakakainis si sila Angela. Bakit kasi nagpauto ako sakanya. Ang nakakainis pa nahalikan ko tuloy si Nath. Nakakahiya. Baka ano ang isipin niya. Baka isipin niya pinagtripan ko na naman siya.

Kadadating lang namin sa bahay ko. Inuwi ko muna si Cams dito. Mukhang matapang ang pinainom nila sakanya. Hindi ko nalang siya ginising. At naghanda ako ng makakaen.

Pasado alas dose na ng tinawag niya ako.

"Erin? Nasan ka?" Sabi niya.

Pumasok  ako sa kwato.

"Yep? How are you mahal? Okay ka lang?" Tanong ko.

"Masakit ang ulo ko. Hindi ko alam bakit ako napadpad sa kwarto mo. Hindi ko din alam kung bakit ganun nalang ang tama ng alak." Sabi niya.

"Tsk! Nako. Alam mo kagagawan yan ni Angela. Nagalit nga ako sakanila. Sinet up nila kami ni Nath. Sorry. Gusto ko lang maging honest sayo. Pinatulog din nila kami at pag gising ko katabi ko na siya. But huwag kang mag alala. Promise wala lang yun. Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa nila. Please maniwala ka di ko ginusto yun." Pakiusap ko. Natatakot kasi ako na magalit siya.

"Hahaha. Yang mukha mo parang takot na takot. Alam ko yun. Hayaan mo na mga kaibigan mo. Syempre boto padin sila kay Nath. Sino ba naman ako? Pero nakakainis sila. Hay. Kelan ba nila ako matatanggap?" Sabi niya.

"Natatakot ako maka magalit ka eh. Salamat naman naniniwala ka. Ewan ko ba sa mga yun. Basta magiging masaya tayo kahit wala sila." Sabi ko.

"Tsk. Naku Erin. Nasasabi mo lang yan dahil galit ka. Alam ko naman importante sila sayo. Yaan na nga natin. Lika dito kiss moko. Sakit ulo ko. Yun gamot ko. Hehe." Sabi niya.

Ang cute niya talaga. Sabagay mas bata siya saakin kaya bagay sakanya tawaging cute.

Niyaya ko na siyang tumayo at sabay kami kumain.

_________________________

Mga ilang araw ang nakakaraan

Nath's POV

Sabi nila saakin sa wakas natauhan na din si Nath. Oo na. Nagising na ako sa kagagahan ko tama kayo. Alam ko madaming nainis saakin diyan. Magcomment guilty!

Anyways sinusubukan ko ng mag move on ngayon ulit. Hindi dahil kay Andrea at hindi rin dahil kay Erin. Nag momove on ako sa sarili ko. Sinusubukan ko na din patawarin ang sarili ko sa katangahan ko. Si Andrea naman hayup yun! Nawala ng isang iglap ang nararamdaman ko sakanyan. Galit nalang. Si Erin? Ewan ko. Hindi naman na ako umaasa sakanya. Sabi ng isang ng comment. Too late na. Oo too late na. Ang kapal naman ng mukha kong balikan si Erin matapos yung kay Andrea. Tama nga si Andrea. Tatanda na siguro akong mag isa. Alam ko naman na si Natty ay magkakaroon din ng sariling pamilya. Tanggap ko na yun. I deserve it.

Naisipan kong dumalaw na sa shop dahil wala ng pipigil saakin at okay naman na siguro kami ni Erin. Ako lang naman dati ang may problema. Kung hindi na kami magwowork as friends pwede siguro as business partners. Kasi kami naman ang nagpatayo sa negosyong yun. Oo ngat binibigyan niya kame ng share namin ni Natty sa kita buwan buwan ay kaylangn ko padin mag trabaho. Nahihiya na ako sakanya eh. Ngayon ko lang naisip kung gaano kabait si Erin. Ni hindi siya nagtanim ng sama ng loob at kaya niya padin akong ngitian na alam kong hindi plastic.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlWhere stories live. Discover now