*Chapter 42 - Switch

8.3K 166 102
                                    

Nath's POV

Day off ko daw ngayon sabi ni Erin at time ko para makabonding ang anak ko kaya hindi niya ako pinapasok. Kaya pinag day off ko na din si manang tutal wala naman siyang gagawin ngayon.

Maayos na kami. Tanggap ko nang hanggang magkaibigan nalang kami. Minsan nga natatawa ako kay Cams dahil tanong siya ng tanong sa mga gusto ni Erin pati mga ayaw niya. Kung panu huhuliin ang kiliti niya at kung pano siya mapipikon. Para saakin ay awkward yun at minsan nahihiya ako pero pinipilit niya akong sabihin. Panay ang bonding namin ni Cams at nagkukwento siya ng mga kabaliwan nilang dalawa. Nasanay na ako. Imbis na masaktan ako ay natutuwa ako sakanila. Siguro perfect couple talaga sila. At sila talaga ang para sa isat-isa.

Nagnonood ako ng TV at kumakain ng popcorn kasama si Natty. Nagkukulitan din. Si Natty din ay natanggap nang hindi na talaga kami pwede ng mama niya. Pero dumadalaw naman sila dito ng madalas minsan naman ay hinahayaan ko si Natty na matulog sakanila. Ang teamAnAn naman mapilit padin kahit sinabi kong wala na meron pa daw. Ayan tuloy nagtatampo na si Cams sakanila. Parang ayaw kasi nila sakanya si Erin. Pero ang sabi ko kay Cams bitter lang ang mga yun. Matatanggap din nila. Buti nalang understanding itong si Cams.

Sa kasarapan ng panonood namin ay may biglang pumasok sa bahay namin. Nagulat ako. Hindi ko alam kung bakit andito ang babaeng ito. Anong pakay niya kaya. At di ko alam kung saan siya galing.

"Sumama ka saakin babae ka!" Sabi niya.

"At bakit ako sasama sayo?" Sabi ko naman.

"Huwag ka ng magtanong. Sumama ka ng maayos o bibitbitin kita?!" Sabi niya.

"Mama? And Mama? I have two Mama." Sabi ni Natty.

"Yes baby. I'm your mama Nath from the future. I have to talk to your mommy. You know about the time machine right?" Sabi ni ng babae.

"Yes mama." Sabi ni Natty ng tuwang tuwa.

"Natty lumayo ka diyan. Huwag mong kausapin yan. Nakakatakot. Di ko alam kung bakit andito yan!" Sabi ko.

"Mama. You don't trust yourself? Maybe she has a mission mama that's why she's here." Sabi ni Natty.

Lumapit si ang babae at niyakap si Natty.

"You are so adorable baby. I missed your cuteness! Nakakamiss ang pagiging baby mo." Sabi ng babae.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon