"Master, malakas naman tayo, malakas din ang underlings natin kaya matatalo natin ang mga Zedler" Seryosong saad ko sa kanya.



"Sa tingin mo hindi pa niya nababawi ang GA? Think! Malamang nabawi na niya dahil alam na niyang wala na ang Ama niya! Pwede din niyang isama ang mga gangsters para kalabanin tayo! Nakita mo naman siguro kung gaano karami ang gangsters sa GA di ba? Sobrang laking kawalan ng nga Smith dito! Damn!" Madiing paliwanag niya sakin. Asar na asar na talaga si master. Lumihis naman ako ng tingin ng tinitigan niya ako ng masama.




"Master" Tawag ko sa kanya nung medyo kumalma na siya. Natahimik kami ng isang segundo bago siya sumagot.



"What?" Asar na tanong niya.



"About kay ma'am Luisa" Tumaas naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko.



"What's with my mom?" Seryosong tanong niya.


"Alam na din ni Carleigh ang tungkol sa kanya" Sagot ko pero ganon pa rin ang reaksyon niya, seryoso lang siyang nakatingin sakin. I think he expected it?



"As expected from her, hindi ko lang inakala na sobrang tagal bago niya malaman. Umabot ng ilang taon bago niya malaman ang lihim ng walang kwentang pamilya niya" Walang emosyong saad niya.



"She also said na maghanda kana dahil papatayin ka niya at magkikita na kayo ni ma'am Luisa" Seryosong dagdag na sabi ko sa kanya. Ngumusi naman siya at maya maya ay tumawa ng malakas.



"Siya ang mag handa dahil may hawak akong alas para mapabagsak siya" Nakangising sabi niya kaya napangisi na din ako. Olivia and Aki. Carleigh's family.


"Kamustahin mo si Olivia at si Aki tell them na maghanda dahil alam kong nalalapit na ang pagkikita nila ng kanilang reyna." Tumango naman ako at nag madaling lumabas para puntahan ang mag Ina. Baka magisa na naman ako pag hindi ko ka-agad sinunod ang utos niya.


Ayoko ng makarinig ng sermon, kota na ko don. Habang naglalakad ako papunta kila olivia, napaisip naman ako kung kailan susugod sila carleigh.



Maybe right now nagpaplano na sila at kailangan na din naming mag plano. Kami ang mananalo dito.


"Sir Jake" Bati sakin ng isa sa mga bantay nila olivia. Tinanguan  ko na lang siya tsaka niya binuksan ang pinto sa selda ng dalawa. Naabutan ko namang tulog ang dalawa. Tsk. Mga pasarap sa buhay.



"You two! Wake up!" Sigaw ko sa kanila. Dahan dahan naman silang gumising at parehas nila akong tinignan ng walang emosyon.


Weird. I feel kinda strange sa tingin ng dalawang to. Something is up, parang may mali. Ngayon lang talaga ako nakabisita ulit dito pero iba ang pakiramdam ko sa dalawang to. Fuck! May mali talaga.


Lumabas ako ulit para kausapin ang mga nagbabantay sa selda ng dalawang to. "May nangyari ba sa dalawa?" Tanong ko sa isang bantay.

The Queen Four Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now