"Wala naman gusto ko kasing lumabas kaya lang wala akong kasama " sabi niya



"Ah , sakto pupunta din kasi akong mall mamimili ng pangregalo , ayos lang ba?" Tanong ko



"Ayos , sige kita nalang tayo sa Marquee ? Mga 1:30 okay ka?" Tanong niya




"Sige , text text nalang" sabi ko



"Sige bye CJ" sabi niya




At binaba ko na hindi nako nagbbye hahaha

12:08 na at 30 minutes ang byahe kasama na traffic so may less than one hour ako para mag-ayos naligo agad ako at nagtoothbrush

Paglabas ko ng banyo di ko alam ang susuotin ko alam ko hindi ito date , pero hello yung crush ko lang naman kasi yung kikitain ko ngayon kaya dapat kahit papano eh maganda ako , tho sabi nila maganda nadaw ako di padin ako makapaniwala T.T

karamihan sa damit ko jeans at tshirts lang meron akong iilang dress , skirt , shorts at blouses yung binili ni Tita Ja at iilang binili ni mama sakin pero ginagamit ko lang ang mga to pag nag-aaral at umaalis kami ng mga kuya ko, maliban sa Shorts bawal sa school



Ayoko namang isipin niyang nagayos pa talaga ako ,mamimili lang naman hayyyy pano bato T.T




Losing him was blue like I never known
Missing him was dark grey all alone
Forgetting him was like trying to know
somebody you've never met
But loving him was Red


Sino nanaman kaya ang tumatawag


Kuya Pogi Calling .....


"Hello kuya bakit?" Sabi ko


"Hi baby , anong ginagawa mo?" Tanong niya astig di sinagot tanong ko -.-"



"Wala eto namimili ng damit na susuotin ko" sabi ko yon naman kasi talaga ang ginagawa ko



"Bakit , saan kaba pupunta?" Tanong niya


Di ko pwedeng sabihin kasi baka sumama siya , edi hindi ako makakabili ng regalo niya ? Tapos kasama ko na si Marion eh ayaw niya kay Marion , at nauna akong umOO kay Marion



"Sa ano , basta dyan lang" sabi ko



"Saan nga ?"


"Ano bang magandang isuot ?" Ililigaw ko siya hihi


"Saan ka nga ba kasi pupunta?" Tanong niya nanaman


"May date ako , anong magandang isuot kuya?" Sabi ko para naman sagutin niya ako sorry for lying kuya hahahaha


"Date ?! Kanino ?!sino ?! Saan?!"



"Aray ko naman kuya bat mo ko sinisigawan joke lang , hindi ako makikipagdate may pupuntahan lang ako" sabi ko




"Wag ka kasing magbiro ng ganon! Saan ka nga kasi pupunta samahan na kita gusto mo ? Wala naman akong ginagawa sa bahay eh" sabi niya




"Oo na dina mag bibiro , ahhhh kina Kyle ! May parang Christmas party kasi yung section namin eh , pang section LANG namin" sabi ko pinandikdikan ko talaga



"Di pwedeng sumama?" Tanong niya na guguilty naman ako , pero hello hindi ko siya pwedeng isama kasi hindi ko siya mabibili ng regalo


"Hindi ata eh , sabi nila kami , kami lang baka kasi alam mo na" sabi ko tho hindi ko na alam pano ko pa siya lulusutan



Diary ng PangetWhere stories live. Discover now