Chapter 8

788 24 2
                                    

AN: Imbes na magreview para sa finals at gumawa ng coursework, heto ako at nagsusulat..HAHAHA! pano ko magiging doktor nito?

[Rhiella's POV]

Natigil ako sa pakikipagbiruan kay Bryk ng makita ko ang dati kong asawa at ang babaeng mahal nito. Yumuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin ni Bryce na kasing tulis ng kutsilyo. Alam kong galit pa din ito dahil sa hindi ko pagsabi dito ng totoo.

"Bakit kayo magkasama? Di ba bawal magkita ang groom at bride sa araw ng kasal?" tanong ni Bryk sa dalawa na para bang nang-aalaska pa ito.

"We decided na i-cancel ang wedding at i-move ito sa isang araw. Masama kasi ang pakiramdam ni Giselle. Nakakapagod ang kasal from ceremony to reception. Baka mastress lalo si Giselle at ayoko namang may masamang mangyari sa batang dinadala niya." napaangat ako ng tingin bigla at sumalubong sa akin ang nanlilisik na mata ni Bryce.

Buntis si Giselle?

magkakaanak na din sila?

naglaho na lahat ng pag-asa ko, Akala ko kasi maaayos pa.

kanina nakapag-decide na ko na aminin kay Bryce ang lahat at magmakaawa na wag ng ituloy ang kasal pero... huli na ang lahat.

mapaglaro talaga ang tadhana.

"Psh! akala ko naman di mo na talaga itutuloy kuya. Sa dinami-dami ba naman ng babae, bakit pa kasi ung natikman na ng iba ung pakakasalan mo?" asar na sabi ni Bryk

siniko ko naman si Bryk. Anong problema nito?

Nakita kong kinuyom ni Bryce ang kamao nito at akmang susugudin si Bryk pero isang hawak lang ni Giselle dito ay huminahon agad ito.

Ano bang problema ng magkapatid na to?

Iniba ko ang usapan. "Giselle, I know that you're not feeling well but can you just give me the list ng mga imbitado so that i could ring them and inform them of what happened."

"There's no need for that. I already asked someone to do that job." sagot ni Bryce.

Naramdaman ko ang paghawak ni Bryk sa kamay ko at naramdaman ko ang munting pagdiin nito doon. Parang encouragement na din siguro. Napansin siguro nito na kahit na any time ay maiiyak na ko.

 "Great! So I could spend the whole day with my beautiful girlfriend and our daughter." mabilis na napalingon ako kay Bryk.

"Anong ibig mong sabihin?" Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ni Giselle si Bryce ng sugudin nito si Bryk.

"Anak ko si Brhiella kuya. Anak namin siya ni RR. Hindi ba niya naikwento sayo na nagkarelasyon kami habang kasal kayo?" sinuntok na siya ni Bryce.

"Bryce tama na!" pagmamakaawa ko ng sunod sunod nitong binigyan ng suntok si Bryk.

"Anak ko si Bhriella!" sigaw ni Bryce. "Si Rhi mismo ang umamin sakin! Kya anong pinagsasasabi mo na anak mo ang anak ko?!" sigaw ni Bryce sa kapatid at sinuntok ito ulit.

Pilit namang gumanti si Bryk. Nagtagumpay ito dahil natagpuan ko na lang na nasa buhanginan ito at agad namang sumaklolo si Giselle dito.

"Anak ko si Bhriella kuya. Hindi lang inamin ni Giselle sayo ang totoo dahil natatakot siya. Natatakot siya na baka mag-isip ng masama sila mom at dad. ayaw niyang isipin ng parents natin na phabang kasal kayo eh may relasyon sya sa kapatid ng asawa niya. natatakot siyang masabihan na maruming babae kaya sinabi niya sayo kagabi na anak mo si Bhriella!"

"Mga baboy kayo!" sinugod ni Bryce si Bryk. pipigilan ko sana sila pero may nakaagaw ng pansin ko.

"Oh God!" sigaw ko

"AHHHHHHHHHH" malakas na sigaw ni Giselle habang ako ay natulala ng makita ko ang namimilipit sa sakit na si Giselle.

"Stop fighting you idiots and help me here!" natigil naman sa pagsusuntukan ang magkapatid at agad kaming dinaluhan ni Giselle.

--------------------------------------------------------------------------------

[Bryce's POV]

"Stable na ang kondisyon niya pero kaylngan niyo syang bantayang maigi. Mahina ang kapit na bata at kung mangyayari uli ang ganito baka hindi na natin maisalba ang baby. Iwasan niyong ma-stress siya. Yun ang best na gawin niya ngayon." parang wala akong naririnig sa mga sinabi ng mga doctor.

"Kasalanan mo ito Bryk. Paano na lang kung may masamang nangyari sa bata ha?!" sigaw ko sa kapatid ko.

"Seriously? kung nalaglag yung bata wala akong pakiaalam dahil alam ko naman na hindi mo anak ang dinadala niya. Sa dami ng lalaking naikama na yung babaeng yan malay ba natin kung sino talaga ang tatay nun?"

"Wlang hiya ka talaga."

"Mana lang sayo kuya." ngumisi pa ito ng nakakaloko. Nilingon ni si RHiella na tahimik na nakaupo. "Hon, samahan mo nga akong maghanap ng pwedeng gumamot sa akin. Baka pag-uwi natin hindi nako lapitan ng anak natin dahil sa mga pasa ko." Talagang idiniin pa nito ang salitang anak natin.

Hindi ako makapaniwala na niloko ako ng babaeng mahal ko at ng kapatid ko.

Hindi pa ako tapos.

Malakas ang kutob ko na palabas lang ang lahat.

"Gusto kong ipa-DNA si Bhriella." sabi ko sa kanilang dalawa at pumasok na sa kwarto ni Giselle,

Planning My Ex-Husband's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon