Chapter 3

1.2K 25 1
                                    

“Good Morning…” tawag pansin ko kay Giselle at Bryce na hanggang ngayon ay naglalambingan pa. nasasaktan ako sa nakikita ko. Pero mas nasasaktan ako sa fact na si Bryce pala ang fiancee ni Giselle at ako pa ang wedding planner sa kasal nila.

The fact that I am planning my ex-husband’s wedding makes me so weak and hurt.

“Oh Rhiella… nandiyan ka na pala.” Narinig kong sabi ni Giselle.

Nginitian ko ito. Isang pilit na ngiti.

“Hi.”

“Oh… muntik ko ng makalimutan. Rhiella this is Bryce Salvatore---“

“Her fiancee.” Pagputol ni Bryce sa sinasabi ni Giselle.“Rhiella Roanne Aldridge ikaw pala ang wedding planner namin.”

“Magkakilala kayong dalawa?” tanong ni Giselle.

“Yeah. We’re---“

“We were bestfriends.” putol ko ang sasabihin ni Bryce.

“Were?” tanong sakin ni Bryce. “Tinakwil mo na pala kong kaibigan.” Ngumiti ito at hinarap si Giselle. “She’s my ex-wife.”

Pareho kaming nagulat ni Giselle sa sinabi ni Bryce.

“Oh…” sabi na lang ni Giselle. “So ikaw pala yun. Alam mo bang kinekwento ka lagi sa amin ni Bryce?”

“Ah…” napaka-awkward ng situation namin. “Ah… pwede na siguro kayo mamili ng souvenir para sa kasal ninyo.”

“Actually nakapili na ko kanina. Gusto ko lang ipakita sayo. Come here… ito yung nagustuhan ko.” Tinignan ko yung sinasabi ni Giselle. It’s a two crystal swan na nakayuko kaya naging heart shape. Just like the wedding souvenir Bryce and I had seven years ago.

“Its lovely.” Yun lang ang sinabi ko.

“What do you think Bryce?”

“If you think its lovely then just order it.” Sabi ni Bryce na parang walang pakielam.

I saw Giselle pouted.

Ngumiti ako at kinausap si Giselle. “Men are not really into the details. Especially Bryce.”

Tumingin sakin ng makahulugan si Giselle pero hindi ko na lang siya pinansin.

Today was a very long day. Pero lahat ng sakit at pagod na naranasan ko ngayon ay nabura dahil kay Brhiella. Yes, kasama ko na ngayon si Brhiella sa flat ko.

Napag-usapan na din namin ng mama na ililipat ko na si Brhiella. Nung una ay nag-aalala sila pero in-assure ko naman sila na magiging okay lang ang lahat.

Nung unang malaman ng mga magulang ko na nagdadalang-tao ako ay balak na talaga nilang ipakasal uli ako kay Bryce. Pero pinigilan ko sila at sinabing hayaan na si Bryce na makasama nito ang babaeng mahal talaga nito. Buti na lang at naunawaan nila ang kalagayan ko. Isinikreto namin si Brhiella sa pamilya ni Bryce para hindi na din maisipan nila na kunin sakin ang anak ko.

Sa akin lang si Brhiella. At walang ibang makakakuha sa kanya kahit na si Bryce pa.

“Hija… paano kapag nalaman nila ang tungkol kay Brhiella?”

“Hindi nila malalaman, Ma.”

“Ano ngayon ang balak mo?”

“Sasabihin kong anak siya ni kuya sa pagkabinata.”

“What?!” sabay na sabi ni mama at papa.

“Yun lang ang naiisip ko.”

“Pero…”

Planning My Ex-Husband's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon