Part 13 :: Freak Out

2.5K 84 11
                                    

"Let's get out of here!" Hazen yelled with a shaking voice. Napapadyak siya't napapahagulhol. Hindi siya makawala sa kanyang takot nang makita niya si Meiko na patay na, at ngayon mas tumindi pa dahil sa nakita niyang hitsura ng guard na namatay rin ng ganoon. Her fear is indescribable at this moment.

"Sh*t! What the hell is happening?! Bakit may patayan nang nagaganap ngayon dito?" nakasabunot sa buhok na sabi ni Je Em. Pasigaw na rin ang boses.

They're both already freaking out, and Hazen can't blame Je Em because this situation is unbelievably absurd.

Sana... sana... sana lang talaga ay prank lang ang lahat ng ito!

"Calm yourself, Hazen," she heard Prince whispered in her. Tapos ay niyakap siya nito at inalo na naman.

Hindi nagsalita si Harvey pero natataranta nitong tinakbo ang gate ng eskwelahan. Nagulat silang tatlo, napatanga, pero saglit ay sumunod sila rito. Hila-hila ni Prince si Hazen dahil parang hindi na makakilos ang dalaga.

"F*ck! It's locked!" inis na inis na turan ni Harvey habang kinakalampag at pilit binubuksan ang kandado ng gate.

"Akyatin na lang natin!" bigla ay nawala na yata sa katinuang ani Je Em. Mabilis na umakyat nga ito sa gate.

Napatanga naman ang tatlo sa ginawa ng kasam. Nakatingala lang sila kay Je Em. Hindi alam kung gagayahin ba nila ito ulit o hindi na.

"Aaahhh!" Subalit hindi pa man nakakaakyat sa tuktok ng mataas na gate si Je Em ay napasigaw na ito nang sobrang sakit.

"Je Em!" gitlang naibulalas ni Harvey nang makita nilang may kutsilyo nang nakatarak sa isang bisig ni Je Em. Ang bilis lang, ni hindi nila nakita kung saan nagmula ang kutsilyo.

"Ang sakit!" palahaw ni Je Em. Hindi na nito magawang umakyat pa.

"Oh, my God!" naibigkas ni Hazen na napahawak sa bunganga. She shivered in terror.

"Bumaba ka na, Je Em! Bilisan mo!" sigaw naman ni Prince kay Je Em kahit na nakaalalay pa rin ito kay Hazen.

"Dali! Dali!" Si Harvey na lang ang tumulong kay Je Em para makababa. Natumba pa ang dalawa dahil kusang nagpatihulog na si Je Em nang nasa baba na ito at hindi na kaya ang sakit sa kamay.

"Aaaahhh!" at mas malakas na palahaw ni Je Em nang napahiga. Namilipit ito sa sakit. Hawak nito ang duguang braso na natatarakan pa rin ng kutsilyo.

"Je Em!" Iyak nang iyak si Hazen na nilapitan nila ni Prince si Je Em.

Gusto ni Hazen na tulungan ang binata pero ni ang hawakan ito ay hindi niya magawa. Sa pakiramdam niya kasi ay baka mas masaktan niya lalo si Je Em.

"Ang sakit! F*ck!" hiyaw pa ni Je Em. Pulang-pula ang mukha nito habang hawak ng isang kamay nito ang bisig na natatarakan ng kutsilyo. Hindi na alam ang gagawin para maibsan ang sakit na nararamdaman. Napapapikit at napapabuga ito. Lumuluha na rin.

"Akin na tatanggalin ko!" sabi rito ni Harvey na natataranta.

Subalit hahawakan pa lang ni Harvey ang kutsilyo ay napapasigaw na si Je Em.

"Mamaaaaa!" sa sobrang sakit na nararamdaman ay naisigaw na pati ni Je Em na parang bata.

"Umayos ka nga, Bro!" saway ni Prince rito.

"Umuwi na kasi tayo," sigaw na rin ni Hazen. Napasalampak siya ng upo sa tabi ni Je Em. Mas nag-iiyak pa. Hindi niya alam pero parang nababaliw na siya sa mga nagaganap.

"Stop crying, Hazen! You're not helping! Kung gusto nating makauwi ay dapat mag-isip tayo ng paraan! Hindi pag-iiyak ang sulosyon nito ngayon!" sa inis na siguro ay bulyaw ni Harvey sa kanya.

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon