Lakbay Gubat

84 0 0
                                    


"Aaah!" ang sigaw ni Bea. Nagulat naman sina Clyde at Ronald sa pagsigaw ni Bea. Agad nila itong pinuntahan upang makita kung ayos lang ang dalaga. Pero parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa nang masaksihang patay na si Bea. May nakaudlot na payong sa kanyang bunganga na agad niyang ikinamatay.Naliligo sa sarili niyang dugo si Bea. Hindi makapaniwala ang dalawa sa sinapit ng dalagita. Hindi rin mapigilang masuka si Clyde sa karumaldumal na sinapit ng kanyang matalik na kaibigan. Samantalang si Ronald ay galit nag alit sa kanyang sarili dahil sa pagkawala ng kasintahan. "Sinong gumawa nito?" galit nag alit na sabi ni Ronald. Pilit pa rin nilang sinasaisip kung sino ang may gawa sa kanya. Sino siya? At anong pakay sa mga magkakaibigang nais lamang maglakbay? Tao ba siya o kathang isip lamang?

Sa isang malayong lugar ng California may magkakaibigang sina Clyde, Ronald, Bea, Argielyn at Karylle. Mahilig silang tumuklas ng mga misteryo. Mahilig din silang maglakbay. Marami na ring katakot-takot na mga pangyayari ang naranasan nila. TUlad ng makakita ng pugot na ulo o naaagnas na bangkay at ang pagpaparamdam ng mga ligaw na kaluluwa. Kaya nagpapasalamat sila na walang nagyayari sa kanilang masama. Pero sa mga panahong ligtas sila, may kapalit ba?

"Punta kaya tayo sa wild forest?" tanong ni Kaylie sa mga kaibigan "Sang-ayon ako, usap usapan doon na marami daw misteryong hindi maipaliwanag." Sambit ni Ronald. Tila kinakabahan naman si Clyde sa hindi maipaliwanag na dahilan. " Masama ang kutob ko" ang sabi niya sa kanyang mga kaibigan.

"Ano ba 'yong pinagsasabi mo?" ang sabi ni Bea habang tumatawa. Sa lahat ng lugar na pinuntahan ng magkakaibigan, dito lang nagsimulang kutuban si Clyde. Makalipas ang ilang araw na pagpapaplano nagpunta na sila sa nasabing gubat. Nakapangtaas ng balahibo ang gubat, muka kasing abandunado na ito at walang nangangalaga. Ang Lahat ng makikita mo sapaligid ay kulay itim. Itim na bulok na dahoon, itim na puno at mga paniking lumilipad. Sa lugar na iyon mismong kinabahan si Cylde. Isang oras na silang nagbibilad ngunit wala pa rin silang misteryong natutuklasan. Hanggang sa hindi kapanipaniwalang pangyayari. May bahay sa gubat? Takang-taka si Clude sa pangyayaring iyon. Sa isang oras na paglalakad o paglalakbay ng magkakaibigan ngayon lamang sila nakakita ng lumang bahay sa gitna ng madilim na gubat. "Ang astig naman, may tutulugan na tayo." Ang sabi ni Ronald. "Mukhang nakakatakot, pere pwede na" Dagdag na sabi ni Argielyn. "Pwede ba? Wag nalang tayong pumasok" sambit ni Clyde. "Bakit ba? Basta matutulog kami sa ayaw at sa gusto mo." Naiinis na sabi ni Ronald. "Tama na nga yan! Pagpipigil ni Bea sa dalawa. Napilitan si Cylde na pumasok sa lumang bahay kahit na kinakabahan na ito. "Wow! Apat na kama para sa atin?" Tuwang tuwang sabi ni Ronald. "Eh paano ako? Sabi ni Bea. "Mahal naman , sympre tabi tayo" Matamis na sambit ni Ronald. "Tama na nga yan nakakadamay na kayo" patawang sabi ni Argielyn. Alas diyes na ng gabi at oras na ng pagtulog. Mahimbing na natutulog ang lahat maliban kay Clyde na aliw na aliw sa bituin sa langit. "Pst" sabi ulit niya . Tumingin naman sa likod si Clyde ngunit wala namang tao "Pst" Sabi ulit niya. Doon na nagsimulang kabahan si Clyde. Tila siya'y naiiyak na dahil paulit-ulit siyang sinisitsitan.

"Sino ka?" ang kabadong tanong ni Clyde "hihihihi" bungisngis nito. Agad namang nagpunta si Clyde sa kwarto upang matulog. Pawis na pawis ang dalagita. Masama rin ang kutob nito dahil pakiramdam niyang may nagmamasid sa kanya. Pnilit ni Clyde na patulugin ang kanyang sarili ngunit parang may pumipigil sa kanya. Nagsimula ng humangin ng malakas sa kanilang tinutulugan at di mapigilan ang sarili ngunit may parang may pumipigil sa kanya. Nagsimulang humangin ng malakas sa kanilang tinutulugan at di mapigilan ng mga kaibigang manlamig. Kaya pinilit ni Clyde na patulugin ang kanyang sarili upang mawala ang takot.

Isang panibagong araw na naman ang dumating sa kanilang magkakaibigan. Isang araw na naman para tumuklas ng misteryo sa isang abandunadong gubat " Maghanda na kayo" Mahinahon na sabi ni Ronald. Agad namang naghanda ang magkakaibigan. Makalipas ang ilang minuto, sinimulan nila ang pagtuklas ng Misteryo. Apat na oras na ang nakakalipas nang libutin nila nag buong kagubatan ngunit mukhang pabalikbalik lamang sila. "Saan na nga ba tayo napunta?" Takot na sabi ni Kaylie. Wag kayo matakot nandito naman ako para sa inyo" patawang sambit ni Ronald. Takot na takot na ang mga dalagita. Natatakot na sila dahil maggagabi na sa mga oras na iyon. Pilit pa rin silang naglalakbay upang matunton ang lumang bahay ngunit hindi nila ito makita. Kaya napag-isip isip ng magkakaibigang magpalipas ng gabi sa isang madilim na gubat. Mahimbing nang natutulog ang lahat maliban ulit kay Clyde. Hindi siya makatulog dahil mukhang may bumubulong sa kanya. "Umalis na kayo dito kung ayaw niyo pang mawala" sabi ng isang hindi pa kilalang nilalang. Takot na takot si Clyde sa pagbulong niya. Lubos pa rin ang pag-iisip ni Clyde kung bakit sa kanya nagpaparamdam ito.

Isa na namang araw ang lumipas at gulat na gulat ang magkakaibigan dahil biglang lumitaw ang lumang bahay sa kanilang tinutuluyan. Magkahalong saya at takot ang naramdaman ng magkaibigan nang makitang lumitaw mli ang bahay 'Pasok na tayo, mukhang uulan eh" sabi ni Argielyn sa kanyang kaibigan. Pumasok naman ang magkaibigan sa sinabi ni Argielyn. Ulan na mga araw na iyon, mag-isang nagmuni-muni sa taas si Clyde samantalang ang kanyang mga kaibigan ay masayang nagkukwentuhan tungkol sa kanilang karanasan. Nagulat si Clyde nang mabasag ang salamin sa kanyang likuran. Basag na basag ang salamin sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Kukuha sana ng walis si Clyde nang biglang sumara ang pintuan at mga bintana sa kwarto. Gulat na gulat si Anne sa mga pangyayari. Hindi mapigilang maluha si Clyde sa takot at bilang tumakbo sa kama at nagtaklob ng kumot sa mga pangyayaring ito, may boses siyang naririnig na tumagos sa kanyang tenga. "Lumayas na kayo dito kung ayaw niyo pang mawala" sarkistong pagsabi niya. Namumbalik kay Clyde ang mga salitang mawala ay kanyang dinamdam. Dahil sa lahat ng misteryo ay ngayon lang sila nakaranas ng ganitong klaseng kababalaghan. Pilit paring binabalikan ni Clyde kung ano ang kasalanan nya o kanila kung bakit pilit pa rin binabalikan ni Clyde. Katapusan na nga ba ng magkakaibigan ang misteryong ito.    

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lakbay GubatWhere stories live. Discover now