Elementarya pa lang ako naglalaro na ako ng larong panglalaki imbis na maglaro ng dapat laruin ng isang batang babae.
"Mary Rose, makipaglaro ka nga sa mga katulad mong babae" sabi ni Mama.
Napapansin na nila Mama na puro lalaki ang aking mga kasama.
Hindi ko sinunod ang sinabi ni Mama.
Nung ako'y tumuntung sa unang baitang sa highschool, mga kaibigan ko ay mga babae na ang hanap din ay babae at mga lalaking siga sa amin.
Ang aking papananamit din ay nagbago.Ang aking sinusuot at maluwag sa akin.
Kung ako'y gumalaw ay para nang lalaki.
Sa halip na magdala ng pampaganda, dala ko ay gitara.
"Mary Rose, halika na.Punta na tayo sa tambayan" sabi ni Jasper, kabarkada ko.
Tapos na ang aming klase kaya diretso kami agad dun.Hindi naman ako pabaya sa aking pag-aaral.
Sa ikalawang baitang ko ay nagkakagusto na ako ng isang babae.
Pero hindi naman ako nagtangka na ligawan ito.
Nung ako na ay nasa ika-apat na baitang sa highschool.
May lalaking nanligaw sa akin.Si Kevin, mabait naman ito, pero diba babae ang gusto ko.
Pero nung nakilala ko siya alam kung may nag iba sa aking timpla.
Natutu akong mag ayos.Nagparebond ako ng buhok at naglagay ng kolorete sa mukha.
Napadalas ang pagsuot ng mga bistida at mga takong.
Nag ahit na din ng kilay at kili kili kahit isang beses sa isang buwan.
Hindi ko alam kung anong meron ka at na saakin ay nagpalambot bigla.
Na isang lalaki lang ang nakapagbalik ng aking pagkababae.
Na parang bulaklak na namumukadkad.
Isang lalaki nagpaamo sa isang tulad kong tigreng gala.
Palagi niya akong dinadala sa labas para mag date.
At mas lalo ko siyang nakilala.
Kinakantahan niya ako ng kanyang mga kantang pabebe.
At tulang di mawari.
Nung kami'y tumuntung sa kolehiyo.
"Kev, ako'y nagpapasalamat sayo dahil palagi kang nasa tabi ko" sabi ko sa kanya
Ngumiti lang siya.
"Gusto ko lang sabihin na ...... sinasagot na kita!" patuloy ko.
Tuwang-tuwa siya at bigla niya akong niyakap.
"Mahal na mahal kita Mary" bulong niya.
Dun ko na binigay ang aking matamis na Oo.Sampung buwan nyang tinabraho
"Kahit ako'y titibo-tibo, puso ko ay titibok tibok sayo." sabi ko.
Kita ko sa kanyang mukha ang saya at nangingiyak na siya.
"Walang matigas na tinapay sa mainit na kape na iyong pagmamahal" sabi ko sa kanya.
At ako'y kanyang hinalikan.
At doon ko nalaman na..
Kahit ako'y titibo tibo, puso ko ay titibok dahil sa lalaking aking iniibig.
Wakas.
Salamat sa pagbabasa.
I dedicate this to my new idol, Moira Dela Torre.😍😘
YOU ARE READING
Titibo-tibo (isang tagay)
Short Story"Kahit ako'y titibo-tibo, puso ko ay titibok-tibok sayo."
