Proloque

6 0 0
                                    


Bakit ba ubod ako ng kamalasan sa katawan? Minsan iniisip ko na sana Hindi nalang ako iniluwal sa mundong into, Edi Sana wala pang madadamay na ibang tao, higit sa lahat Hindi ko na sana siya nasaktan pa ng lubusan.

Ilang beses na ba akong nalagay sa bingit ng kamatayan? Tsk! Hindi ko na mabiling kaakibat yata ng pangalan ko ang 'kamalasan at kamatayan' tanggap ko na naman ang kapalaran Kong Ito, pero bakit kailangan may madawit pang iba?

Bakit sa dinami dami ng tao bakit sya pa? Lubos akong nasasaktan sa tuwing naaalala ko ang luhaan nyang mga mata. Ang sakit sakit lang.

"Arriane,mamatay kana lang kaya ngayon para matapos na lahat ng ito" sambit ko sa sarili ko. "Pero paano naman sya?" Tanong ko ulit. "Minsan mo na syang nasaktan, ngayon pa ba?" Tsk! Tama, Hindi ako ang karapat dapat para sa kanya, isa  lamang akong malaking malas na nagdudulot ng dagok sa buhay nya.

Tinignan ko ang mga tao sa kalsada na payapang naglalakad, nilibot ko ang paningin ko sa huling pagkakataon bago ko tapusin ang walang kwentang buhay ko. Hanggang sa napadaan ang tingin ko sa isang babaeng buntis na nahihirapang maglakad dahil sa napakarami nyang karga. Naglakad ako sa direksyon nya upang tulungan sya. Ngunit ng papalapit na ako ay mayroong rumaragasang malaking truck ang papalapit sa direksyon namin. Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Kadikit talaga ako ng kamalasan.

Tumakbo ako ng mabilis at hinila paatras ang Babae, bigla syang nagulat at natumba sa kabilang gilid samantalang ako ay pikit matang haharapin ang nalalapit Kong kamatayan. Napangiti ako ng mapait. Hindi nga ako namatay sa malaking truck, mamamatay naman ako sa kotseng biglang nagovertake. Ang malas naman talaga.


"Mahal, na mahal kita, hanggang sa huling hininga ko, pangalan mo parin ang isasambit ko, Trevor" naramdaman ko nalang ang malakas na pwersa dulot ng kotse, Hindi ko namamalayang marami ng tao sa paligid ang nanonood sakin, saamin. Nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko na nakahandusay din, hawa----hawak ang singing na matagal ko ng pinapangarap.

Pilit nyang inaabot ang kamay ko, duguan kaming pareho, may pumatak na luha sa kanyang mga mata, samantalang ako ay mapait na napaiyak. Ito na talaga ang katapusan ko, ang problema nga lang ay nadamay pa ang lalaking pinakamamahal ko. Nadamay sa kamalasan ko.

"Pipikit na ako,  Hindi ko na kaya Trevor, mahal na mahal kita",tumango sya ng may luhaang mga mata.

" Ito na talaga ang katapusan ng walang kwentang buhay mo Arriane Alison Montejo"



















A/N:

Hello guys, this is my first ever story, if you think that there are lots of typo's or any error, well sorry naman daw!! But I really did try my very best to come up with this, entire story, there are lots of scenes that comes on my mind. And I can't wait to write it here.


Sabayan nyo Sana ang kwentong ito, at antabayanan.

Thank you💞💞💞😊

Sa mga kpoplover Dyan kaway kaway tayo mga LODI✌✌

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Nov 12, 2017 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

Memory LaneМесто, где живут истории. Откройте их для себя