Hahay, ako nga pala si Amber. Amber Gonzales. Isang di hamak na ordinaryong tao. At diba isang ordinaryong tao ay may karapatang mainlove? diba diba? kung iniisip niyo na inlove ako. Aba eh, tama kayo. Hay, sa isang basketball varsity player ng school ko. Sa isang Denver Castro. Well, paano ba niya ako mapapansin eh ako lang naman ay isang 4th year high school student, tapos siya, isang 1st year college student. Hay. Hanggang sa pagpantasiya lang ang kaya ko eh. Pero libre lang mangarap diba?
Summer na. So tapos na ang mga iyakan chorva dulot ng graduation. Nakakamiss ang mga beloved kong mga kaklase. Lalo na si Denver mylabs. Haha, libre naman maglandi landi sa utak diba?
" Anak, may naisip ka na bang course para sa kolehiyo mo?" si Mama...
" Ah, oo Mama, kaso parang mahal yung course na yun eh. " ako. eh parang mahal naman talaga eh...
" Eh, ano ba ang course na gusto mo anak?"
"Psychology po. Alam ko namna po na mahal iyon kaya pwede na lang ako mag-iba ng course."
" Hindi. Okay lang ang psychology Anak, ang gagawin lang natin ay lumipat ka sa ibang school. Kung mamarapatin mo."
" Talaga po! Sige po. Pero mamimiss ko ang mga kaklase ko duon. Pero sige, payag ho ako! yes!" sigaw ko. Sino ba naman ang hindi magiging masaya kapag alam mong masusunod ang course na gustong gusto mong tahakin. Diba? (*o*)
" Pero Anak, siguraduhin mo lang na mag-aaral ka ng mabuti. Okay?"
" Opo Mama, promise ko po yan."
Hay. Namimiss ko na talaga ang mga taklesa at makukulit kong ga kaklase. At si Denver mylabs. Ang aangal paslang.
*Fastforward: Tatlong araw na lang bago ang pasukan.
Nakaenroll na ako at lahat sa bago kong paaralan na papasukan. Wahhh! Promise bibisita ako sa dating kong school.
Naisipan kong mag online sa FB. Nasabi ko ba sa inyo na friends kami ni Denver mylabs sa FB. At palagi ko inoopen ang profile niya at pinagpapantasiyahan ang mga litrato niya.
Tapos may tumubong bumbilya sa tuktok ng kokote ko. Alam niyo ba kung ano? Siyempre hindi ko pa sinabi eh, alangan alam niyo. Pero alam niyo ba kung ano? Ay unli ako hehehehe.
Eto na talaga pramis. Magsesend ako ng message sa kanya tapos ilalagay ko na WRONG SEND. O diba. Ang smart smart ko talaga. Wahihihi.
Eto na. Online siya. Maclick nga name niya. Hala, ninenerbyos ako. Enebenemenyen. Kaya mo to Amber.
Nagtatype na ako habang nanginginig ang mga daliri ko. Heto na. magkorean kaya ako para hindi halata.
Amber Gonzales: Annyeong Haseyo oppa!
Ieerase ko kaya to. Ayoko na. Nakakahiya. Pero may nagsasabing okay lang yan Amber, it's now or never na. Ano kaya ang gagawin ko. Nakakabaliw!
Sige na nga. Its worth a try. Type Ulit.
Amber Gonzales: Annyeong Haseyo oppa!
hala! Naenter ko! Wahhh! Kung pwede lang ako malamon ng lupa pinagawa ko na. Ayaw ko na. Kahiya!
Denver Castro: huh?
holo, nagreply. Kung nakita niyo lang kung paano ako ka pula, mas mapula pa sa kamatis... psh.
Amber Gonzales: sorry! na WRONG SEND . para sa pinsan ko sana toh. eh yung name niya nasa ibabaw ng name mo. naclick ko yung name mo. Sorry talaga. wahh! sorry.
Ang pinsan ko, dinawit ko sa kasalanan. Dalawa na yung hihingiin ko ng patawad. Pahiya ako dun eh.
Magoofline na sana ako ng biglang nag-blue yung name niya. nyek, nagreply?
Denver Castro: ok lang. WRONG SEND naman yun diba?
Amber Gonzales: Ah eh oo. Sige bye.
parang pinamukha niya saakin na WRONG SEND talaga yun. Magaatempt nanaman sana ako na magoofline ng biglang nagblue ulit ng name niya.
Denver Castro: Amber wait!
hala, tinawag niya ako sa name ko. Yehey! KIlala niya ako! Pwede na ako mamatay! DE joke, baka after spending 50 YEARS with Denver mylabs.
Amber Gonzales: Bakit?
Denver Castro: kasi the first time i set my eyes on you i knew that you're the one. These feelings grew deeper and deeper. Torpe kung torpe. Im sorry to have you waited 4 years.
Naguguluhan talaga ako. Slow na kung slow. Tao din naman ako noh.
Amber Gonzales: Ano ba ang ibig mong sabihin Denver?
Denver Castro: I love you Amber! will you be my girl?
I love you Amber! will you be my girl?
I love you Amber! will you be my girl?
I love you Amber! will you be my girl?
I love you Amber! will you be my girl?
huh? Wehh? Totoo ba to?
I love you Amber! will you be my girl?
I love you Amber! will you be my girl?
I love you Amber! will you be my girl?
Oo na, oo na. Totoo na to. Mahal ko naman siya, mahal niya ako...
Amber Gonzales: Mahal din kita. Pero LIGAWAN mo muna ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hahay, ang kailangan lang pala ng isang WRONG SENDmessage para magkaaminan sila.
