Script tease #6: If Forgotten

7 1 0
                                        

Sumabay sa undayog ang aking ulo habang nakikinig sa musika. Masaya ko pang naisayaw ang aking katawan habang minamaneho ang sasakyan. Malapit ko ng marating ang aking parking space ng mapatigil ako dahil sa babaeng nakaharang sa daan. Naka upo at medyo nakatatikod siya sa akin.

Binusinahan ko siya. Marahan siyang tumayo at humarap sa akin. Sa braso niya'y kalong ang isang itim na pusa. Matangkad ang babae at mahaba ang brunette niyang buhok. Maputi ang kaniyang kutis at maamo ang mukha. Maganda siya. Binusinahan ko uli siya at doon pa lang siya umalis. Mabilis kong ipinarada ang kotse at bumaba para hanapin ang babae.

"Saan na yun nag punta? Ang bilis naman..."

Nagtungo na ako sa aking klase at sinalubong ako roon ng mga kaibigan ko. Mabilis lang ang naging takbo ng klase at lunch break na. Masayang kinain ko ang aking pizza at ninamnam ang lasa nito. My favorite.

"Hi guys!" Masiglang bati ni Cassy. Girlfriend ni Marco, best friend ko. Kasama niya ay yung babaeng nakaharang sa daan kanina sa parking lot, "This is Lyra. She's new here at ka-klase ko siya. Lyra, These are my friends." Pakilala niya sa barkada.

"Hi!"

"Hello."

"Kumusta? Hehehe... Boyfriend ako niyang babaeng 'yan."

"Wow ah? Kung maka 'niyang babaeng 'yan' ka naman!" Kunyaring inis na singhal ni Cassy.

"Babe, anong mali do'n?"

"Wala!" At nag simula na silang magbangayan. Tahimik namang pinagmasdan kami ni Lyra.

"Upo ka," anyaya ko at tumabi siya sa akin.

"Salamat," nagtuloy ako sa pagkain. Masaya naman siyang kinuwentuhan at dinaldal ng barkada. Maganda si Lyra. Lalo na siguro pag ngumiti. Mula kanina ay 'di pa siya nagsasalita. Puro tango, iling, tipid at mahina na sagot lang ang tugon niya. Wala siyang kinakain kaya naisip kong alukin siya.

"Gusto mo?" Inusog ko ang plato ko na may isang laman na pizza. Ngumiti siya habang nakatingin sa plato ibinigay ko. Kumabog ng pagkalakaslakas ang aking puso. Halos magduda ako na ako lang ang nakakarinig dito.

I met her gaze. Her eyes are like stars. Twinkling at me. I saw a faint gold dust appear in her chocolate eyes. Her smile could hypnotize anyone, just like what she's doing now to us. All heads turned to us as they witness her aesthetic face.

Right there, I knew what I wanted. What I needed all along. Her. If I'm lost, all I want is to see her again. Her aesthetic. If forgotten, all I'd want is the memory of her smiling face.

11/01/17

@miarialily

Inspired by: Maxpein Zin del Valle Moon (HIH) & and an unpublished story of mine about a curious mermaid.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jan 11, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Script Tease (One Shots)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang