HEAVEN'S POV
"BULAGA!!!" May nanggulat saakin mula sa likuran ko.
"Ay! Anak ng baluga!" Nagulat kong reaksyon.
"Wow. Ang sakit ah. Anak talaga ng baluga? Sa gwapo kong ito?" May pagtatampo sa tono ni Skyler.
Sabi ko na nga ba siya ang nanggulat sakin.
Hinarap ko siya ng nakataas ang kilay.
"Eh kung ikaw ba naman ang gulatin ng ganun baka kung ano rin ang masabi mo no! Tsaka anong pogi ka diyan? Bagay lang sayo yun. Mukha ka naman talagang anak ng baluga." Pagtataray ko sakanya.
"Aray ha. Napaka thoughtful mo naman magsalita. Thank you ha. Ang bait mo. Grabe." Tuluyan na siyang nagtampo.
"Ikaw na nga nanggulat, ikaw pa may ganang magtampo?" Sabi ko sakanya.
"Edi sorry. Next time bago ako manggulat magpapaalam muna ako sayo para di ka na mabigla. Okay ba yun ha?" Sabi naman niya na may kindat pa.
"Edi hindi na panggugulat yun." Sagot ko sakanya pagkatapos ay pinaikot ko yung daliri ko sa gilid ng tenga ko at itinuro sakanya.
Sensyas yun para sa mga may sira ang ulo.
"Tignan mo to, kanina ginawa akong anak ng baluga. Ngayon naman ginagawa akong baliw. Sobra ka na ah! Sige ka baka matuluyan akong masiraan ng bait at mabaliw ako sayo." Sagot naman niya na medyo hindi ko narinig ng maayos sa dulo.
"Anong huling sinabi mo?" Pagtatanong ko.
"Ang sabi ko..."
Krrriiiiiiinnnggg!!!
Tunog yun ng bell.
Start na ng klase.
"Ay sha sige, pasok na ko ah. Bye." Nagmadali na ko tumakbo para pumasok sa room.
--
SKYLER'S POV
"Ang sabi ko..." Naputol ang sasabihin ko nang biglang nag ring yung bell.
"Ay sha sige, pasok na ko ah. Bye." Yun lang at pumasok na siya ng room.
Napansin kong iba yung room na pinasukan niya sa room na naka schedule sakin ngayong araw.
Malas naman hindi pala kami magkaklase ngayon.
Credited subject ko na siguro yung subject niya ngayon.
Pumasok na ko sa room na nakalgay sa registration form ko.
Nag start na magturo yung professor sa harapan at umaakto naman ako na nakikinig pero iba ang talagang nasa isipan ko.
Naalala ko yung huli kong sinabi kanina.
"Sige ka baka matuluyan akong masiraan ng bait at mabaliw ako sayo." Anak naman ng tokwa! (kung meron mang baby tokwa)
Bakit nasabi ko yun?
Bukod sa korni na, nakakahiya pa yung sinabi ko at ngayon ko lang narealize yun.
Ano ba naman yan.
Nakakahiya ka bro. =____=
Bigla naman akong natauhan nang mapansin kong nasa classroom nga pala ako.
Stupid daydreaming. Tch!
Makinig ka na nga lang.
Saway ko sa sarili ko.
[Dismissal time]
Kakatunog lang ng bell.
Dali dali na akong lumabas ng classroom at unang hinanap ng mata ko yung babae.
YOU ARE READING
IF THE ONLY WAY THAT'S LEFT IS TO MOVE ON (ongoing)
Teen Fiction“Sometimes the hardest part isn't letting go but rather learning to start over.” Paano ba mag move on? Kahit sabihin ko mang handa na ako mag move on, bakit yung puso ko ayaw maki-ayon? Ang hirap. Ang sakit. Gusto ko na mag let go. Gusto ko na mag...
