ISANG HULING PANGAKO

74 2 0
                                    

“Oh Pag-ibig na makapangyarihan. Hahamakin lahat, masunod ka lamang.”

                Ito ay isang kwento ng wagas na pag-ibig. Pag-ibig ng dalawang taong nagmahalan sa maling panahon. Pag-iibigang sinubok ng tadhana. Pag-iibigang magpahanggang kamatayan.

                Ito ang kwento nina John at Claire.

                High school pa lang sila ay may tinatagong paghanga na itong si John kay Claire, at ganun din naman itong si Claire sa kanya. Nang tumuntong sila sa College, dito na napagdesisyunan ni John na ipagtapat ang lahat ng kanyang tunay nararamdaman kay Claire.

John:      Hi Claire!

Claire:    Oh, Hello! Kumusta ka na?

John:      Uhmmm...ok lang, ikaw?

Claire:    Ok lang din naman. Sige, mauna na 'ko. May klase pa kasi ako.

John:      Uhmmm... Claire!

Claire:    Yes? May sasabihin ka pa?

John:      Oo, meron. Gusto kong sabihin sayo 'to noon pa. Pero inuunahan ako ng kaba. Pero ngayon, sa tingin ko ito na yung tamang oras na ipagtapat ko yung tunay kong nararamdaman para sayo.

                Nakangiting lumapit si Claire.

Claire:    Nararamdaman?

                Sa sobrang kaba ni John, pautal-utal itong sumagot.

John:      Oo. Alam mo kasi... gus... gus... gustong-gustong kita.

                At napahagulgol nga si Claire sa tawa na may halong kilig.

Claire:    Weh,'Di nga? Nagpapatawa ka ba, joke ba yun?

John:      Hindi Claire, totoo yun. Gustong-gusto talaga kita.

                Sinagot naman ito ni Claire na siyang ikanabigla ni John.

Claire:    Ako din!

John:      Huh?

Claire:    Gustong-gusto din kita.

John:      Ako? Gusto mo rin ako?

Claire:    Oo, noon pa. Hinihintay lang kita na magtapat sa'kin, kasi nararamdaman ko rin na gusto mo 'ko. At ngayon na nanggaling na mismo sa bibig mo na gusto mo 'ko, hindi nasayang yung paghihintay ko.

                Nagyakapan ang dalawa. Namutawi sa kanilang mga mukha ang sayang dulot ng araw na yun. Araw na matagal nilang hinintay.

                Naging sila ng mahigit sa dalawang taon, dalawang taon na puno ng pagmamahalan. At ngayong parehong nasa 3rd year college na sila, unti-unting nagbago ang lahat.

                Hindi na pumapasok sa school si Claire. Bihira na rin itong magtext at tumawag.

                Isang araw bigla na lamang tumawag si Claire kay John.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 03, 2014 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

ISANG HULING PANGAKOWo Geschichten leben. Entdecke jetzt