Chapter 1

77 9 0
                                    

Athena's pov.
Hi im athena villadelgado 17 years of age. Hahaha alam kong wala kayong pake pero papakilala lang ako. Ako ay grade 11 student. Parents ko? Nasa ibang bansa nagpapayaman! Actually di naman mahalaga saken yang pera na yan mas gusto ko pa yung oras at atensyon nila. Alam ko maraming kokontra sa inyo kesyo malaking tulong ang pera, di tayo mabubuhay pag walang pera well opinyon ko naman yon eh hahahaha wag naman kayong g na g agad. Wala akong kapatid. Ang kasama ko sa bahay namin ang mga katulong at tagapangalaga ng bahay ang aking nakakasama sa araw araw. Ow deep words hahaha
"Mam narito na ho tayo"
nagulat naman ako don. Si mang berting talaga oh.
"Sige salamat po tatawag nalang po ako kung magpapasundo ako"
Bumaba nako sa kotse at naglakad papunta sa gate ng school nako buti nalang maaga pa napasarap ata pagkukwento ko sa inyo kanina.
"Hi athena"
"Ganda mo talaga athena"
"Athena pa picture"
"Pre si athena oh"
"Ang ganda nya talaga no? Matalino pa"
Ayan agad ang bumungad sakin pagpasok ko palang ng gate sa school. Ano pa nga bang bago lagi naman ganyan eh. Hindi ako nagyayabang actually naiinis nga ako eh. Ayoko ng atensyon. Di naman ako artista para iganyan nila. Sikat ako sa school ewan ko ba kung bakit kainis nga eh yung iba alam mong plastic lang or atention seeker lang kaya nakikipagkaibigan saken.
"Athena buti maaga ka intayin nalang natin ang iba mong kaklase para makababa tayo at mapicturan tayo para sa classpicture"
"Opo sir" sagot ko nalang. Hays ang tagal tagal pa kaya nila. Yung iba pabebe pa yung iba naman nag hanap pa muna ng babae bago pumasok.
Classpicture namin ngayon kaya inagahan ko talaga ang pagpasok. Kung tatanong nyo naman kung may kaibigan ako oo si chelsea. Kaso wala pa ata sya. Mapili ako sa kaibigan eh. Ayoko kase talaga yung plastic. Kung may boyfriend ba o wala? Wala hindi uso sakin yung ganon jusko sa panahon ngayon ang pagbibigay ng pagmamahal at tiwala mo sa iba ay isang malaking katangahan lang. Bitter? Medyo lang hahaha naranasan ko na eh. Ang tagal naman nila makatulog nga muna pakisabi kay sir gisingin ako pag nandyan na lahat hahaha joke lang.

"Athena gising! Bababa na tayooo"
Hala napasarap pala tulog ko. Si chelsea benitez kaisa isang kaibigan ko simula bata pa ko. Mayaman din sya matalino pero sya may boyfriend ewan ko ba bat nag pauto sya. Maganda si ate sexy pa. Mamaya ko na sya idedescribe pa. Bumaba kame at doon ko nakita na ako nalang pala ang wala.
Pinapwesto na kame ng photographer para kuhanan kame ng picture. Parang may something lang sa photographer kase hindi naman sya yung nakikita kong nagpipicture sa ibang section. Oh well baka kasamahan nya lang din to.

"1,2,3 (click)" wierd di manlang nya sinabe na ngumiti kame. Baka nga kulang lang ako sa tulog ang dami kong napapansin.

Pagtapos kinuha na ng adviser namin ang picture at isa isa kaming binigyan. Yung iba pa nga pinagtatawanan yung muka nila eh.

(DISMISSAL) nagtext na ko na sunduin ako ng driver at para akoy makapagpahinga na. Dumating din naman agad sya. Paguwi sa bahay naligo muna ako at nag open ng account sa facebook baka nag message na yung parents ko. Pero wala baka busy talaga sila. Makatulog na nga lang.

Class Picture Där berättelser lever. Upptäck nu