Chapter 3

9 0 0
                                    


"Since when pa?"kinikilig na tanong ni Shane sakin.Free time naman namin ngayon kaya nakakapag usap kami ng malaya.

"Ewan ko.Basta bigla ko nalang naramdaman ito."sagot ko sakanya habang nakatingin kay Ssen.

Tumili sya saka nagsalita ulit.
"So,aamin ka na ba?Kailan?"ani Shane.

"Sabi ko kina Ate Autumn kapag kaya ko na pero ngayon,parang di ko pa talaga kaya."sagot ko.

Tumango na lamang sya saka napabuntong hininga.

Hindi na lang kami nag usap dahil isinalpak ko na ang aking earphones sa tainga ko.

Habang nakikinig ako sa kanta,
nagulat ako nang may biglang umupo sa upuan na nasa tabi ko.

Si Janssen pala.

Bat ba bigla na lang syang susulpot?

"Sup,Summer!"bati nya sakin nang nakangiti.Oh tignan mo naman.
Sinong hindi mafafall sa mga pangiti ngiti nya na yan?

"Sup,Ssen."bored na sagot ko.

"Bat parang ang lungkot mo ngayon?"sabi nya sabay pout.

"Huh?Hindi naman no."depensa ko.

"Kasi parang ang lungkot mo talaga.
Whats the problem?"aniya.

"Uhmm,kasi may isa akong taong nagugustuhan pero di ko maamin sakanya.Ano ba dapat gawin ko?"
Hindi ako makapaniwala na nang-hihingi ako ng advice sa mismong taong gusto ko.

Napatingin sya sa sa taas at pumorma na para bang nag iisip kung anong dapat nyang i-advice sakin.

Mamaya-maya ay nagsalita na sya.

"Sa tingin ko,kailangan mo na umamin.Malay mo gusto ka rin nya at naghihintayan lang pala kayong dalawa."advice nya sakin.

Hindi ako makasagot sakanya kaya naging awkward kaming dalawa.

RINGGG!!

Mabuti nga ay nag bell na kaya agad akong lumabas ng classroom para hanapin sina Ate Suzy.

"Ate Taki!!Ate Suzy!!Ate Autumn!!
Ate Kuya!!Gusto ko kape,lahat ng gusto ko ay susundin nyo,ang magkamali ay pipingutin ko."pag-kanta ko.Pinalo naman ako ni Ate Autumn kaya agad akong napatigil sa pagkanta."Pero seryoso,ano talaga dapat kong gawin?"sabi ko.

"Gawin mo yung sinabi mismo ng taong gusto mo."sabi ni Ate Suzy.
Napapout naman ako.

"Pero ang hirappp.Baka masira frendship namin."sagot ko sakanya.

"Sya na nga mismo nagsabi na malay mo kapag umamin ka dun sa taong gusto mo which is sya,may gusto rin pala sayo."sabi naman ni Ate Taki sa akin.

"Oh kasi di nya naman alam na sya ang gusto ko."sagot ko naman sakanya.

"Sabagay."tanging nasabi na lang ni Ate Taki.

Napabuntong hininga nalang ako saka nag isip kung pano ako makakaamin kay Ssen.

💡

I HAVE AN IDEA!!

"ALAM KO NA!!"nagulat sina Ate Tzuyu,Ate Suzy,Ate Allie,Ate Autumn,Kuya Percy,Kuya Rich,Ate Cy,Kuya Mick,Ate Bea,Kuya Blaine at Ate Meg na ngayon ay nag uusap usap.

"Nakakagulat naman to.Oh anong alam mo na?"ani Ate Suzy.

"Alam ko na kung pano ako aamin."
sagot ko.

"Eh pano?"tanong ni Ate Allie.

"Magsusulat ako ng letters anonymously nang sa ganun,
malabas ko feelings ko sakanya."
Sabi ko.

"Pwede na rin.Atleast,makakaamin ka at maieexpress mo feelings mo para sakanya."pag-sasang ayon ni Ate Autumn sa idea ko.

PAK GANERN!IM SO GENIUS!

"Kailan ka magsastart magsulat ng letter?"tanong naman ni Ate Tzuyu.

"Ngayon.Kapag nabored ako sa Filipino."sagot ko sakanya.

Nagpaalam na ako sakanilang lahat at bumalik na sa classroom.

Filipino Class.

An epic snoozefest.

Halos lahat sa mga kaklase ko ay tulog na sa sobrang boring ng subject.

Sa tingin ko,ako nalang talaga yung gising ngayon dahil nagsusulat ako ng letter para kay Ssen.

Mamaya maya ay agad ko rin itong natapos saka ko ito binasa.

07-05-17

Dear Janssen Martinez,
                Crush kita.Ay este-mahal na pala kita.Nafall ako sayo ng tuluyan.Dahil dyan sa mga ngiti mo at sa kagwapuhan mo.
                Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula na nararamdaman ko para sayo.Naramdaman kong bigla nalang na bumilis ang heartbeat ko nang dahil sayo.
                 Syempre,di ko naman mapipigilan to diba?
                 Naisipan ko na magsulat nalang ng mga letters nang hindi mo nakikilala kung sino ako para mailabas ko ang feelings ko para sayo nang hindi mo alam kung sino talaga ako na secret admirer mo.

With love,
Seasons Chicken ♡

Nang mabasa ko na ang laman ng letter ay agad ko itong nilagay sa isang maliit na sobre.

Balak ko itong ilagay sa locker nya para walang ibang makakita.

"Summer,dalian mo na.Nagugutom na kami."reklamo ni Ate Suzy.Andito kasi kami sa mga lockers kung saan hinahanap namin ang locker ni Ssen para mailagay ko ang letter.

"Atat naman tong si Suzy.Chill ka lang,Macky."sabi naman ni Ate Tzuyu.

"Sinong Macky?Wala akong kilalang tao sa ganung pangalan."nagroll eyes si Suzy sa sinabi sakanya ni Ate Tzuyu.

"Magkaaway na naman ba kayong dalawa?"tanong ni Ate Allie kay Ate Suzy.

"Hindi no.Atsaka,bilis bilisan nyo na nga dyan.Mamaya mahuli pa tayo dito."ani Ate Suzy.

Hindi na lang namin sya pinansin saka hinanap ulit ang locker ni Ssen.

"ETO NA,SUMMER."pagtuturo ni Ate Autumn sa isang locker na nasa may pinto.

Martinez,Rafe Janssen

Agad kong pinasok sa loob ng locker ang letter ko saka kaming nagmadaling umalis.

Letters to SsenWhere stories live. Discover now