Till we meet again 2

1.6K 37 0
                                    

"To live a creative life, we must lose our fear of being wrong."

Third Person POV

  Walang ibang ginawa si Iuhence pagkatapos nilang magharutan kundi ang titigan ang kanyang minamahal habang natutulog ito. Makikita sa kanyang mga mata ang sakit hindi nagtagal may nalalaglag na munting butil mula sa kanyang mga mata, hindi mo akalain na sa isang tulad niyang matapang sa harap ng kahit sinong makakasalamuha niya ay may isang babaeng makapagpaiyak sa kanya. Halos madaling araw na pero ito siya at dilat pa rin habang nakatingin sa kawalan sa gitna ng maitim na ulap at kaunting bituin, ilang oras na lang at aalis na siya, sa bawat pagpaalam ay may ibig sabihin maaring aalis lang saglit at babalik agad o maaring aalis at hindi na babalik. Sa bawat pagpaalam kaakibat nito ay ang tapang ng taong maiiwan kung hanggang kailan siya kakapit at kailan siya dapat sumuko. Walang sino mang duwag ang tataya sa salitang paalam at hintayin mo ako dahil araw araw kang mangungulila hanggang sa bumalik ito at isang matapang at may lakas ng loob ang kayang sumugal dito. Kagaya ng babaeng mahal ni Iuhence na si Lane isa siyang matapang sapagkat kaya niyang magsakripisyo sa pangungulila araw araw. Marami panghaharapin si Iuhence bago niya makamit ang minimithing kapayapaan kasama si Lane, pero ganoon pa man susugal din siya sa isang bagay kung saan mapapanghawakan niya sa kanyang pagalis. He carry Lane to their tent at hinayaang matulog ito at lumabas na siya para tumulong sa pagayos ng kanyang surpresa para sa dalaga bago pa sumikat ang araw.

"Salamat sa pagdala ng mga gamit manong tatanawin ko itong malaking utang na loob sa inyo."

"Naku hijo huwag ka munang magpasalamat hangga't 'dipa sumasagot si ma'am. Buti pa umpisahan na natin to sir." Sabi ng matandang lalaki

"Sige manong. Nagabala kapa sana yung dalawang binatilyo na lang ang umakyat dito."

"Malakas pa naman ang tuhod ko. At saka gusto ko rin masaksihan ang mangyayari mamaya sir."

"Oh siya ikaw ang bahala. Gagawin na natin to we have 2hrs left bago pa lumutang si haring araw."

  Nagmamadaling nag set up si Iuhence ng mga dapat gagawin para mamaya, tinulungan siya ng tatlong panauhin at binigyan niya ito ng kanya kanyang gawain. Kinakabahan na siya sa maaring resulta mamaya andaming what ifs ang pumapasok sa isip niya pero kailangan niyang maging matatag, kailangan niya ng may panghahawakan kahit hindi man ito batayan kung kakapit siya hanggang ito ay bumalik na. Una niyang binuo  ang hugis puso na may nakalagay na scented candle at inasikaso niya agad ang pagkain at ang video cam na gagamitin niya mamaya. Huling inilatag ng matanda ang red carpet mula sa hugis puso hanggang sa labas ng tent ng biglang simigaw si Lane.

"Iuhence!."

"Fuck. Get off guys she's awake ready the vcam." Dali dali itong pumasok sa loob ng tent.

"Saan ka galing? May naaamoy ako baka may maligno sa labas."

"What? May kinuha lang ako sa labas. Please close your eyes lalabas tayo."

"Bakit pa ako pipikit?"

"Just close your eyes you'll find out later 'kay?"

"Fine ito na po."

"Ok now hold my hand do what I say."

"Aba uutusan mo talaga ako ha."

"Oh sige bahala ka't mauntog ka diyan."

"Iuhence!."

"To naman joke lang. Just step babe, yes thats it. Bend a little lalabas na tayo sa tent."

"Ang bango parang roses. Anu ba yan? Iuhence asan ka? Oy natatakot ako."

"I'm just here. Open your eyes babe."

Love Me With No Regret  ( Cousins Whirl Series 1)Where stories live. Discover now