"Mayi!Dios kong bata ka!Anong oras na oh,natutulog kapa?Bumangon kana diyan"
Naalimpungatan ako sa sigaw ni mama.Panira naman oh,nandun na yun mahahawakan ko na ang kamay ni SoonYoung aka Hoshi ko.Arghh wala namang pasok ngayon,sem break na kaya.Nasira tuloy ang aking magandang panaginip.Huhu ~T_T~
"Mama wala namang pasok eh!"
Naiiyak na tuloy ako,di ko tuloy nahawakan ang kamay niya kahit sa panaginip man lang.
"Kahit na!Hindi ka kakain?Bangon na!"
"Mamaya na mama,ipagpapatuloy ko muna yung panaginip ko"
Kaya naman ay pumikit ako ulit at pinilit na madugtungan yung panaginip ko.Pero walang epek...Kainis ayaw na tuloy!
"MAYI!"
Isinubsob ko yung mukha ko sa unan.Inaantok pa talaga ako eh...
Ng may maramdaman akong humila sa paa ko.Uwahhh
"Gising na!"
"Ayaw!"
"Ayaw mo?"
Umiling iling pa ako.
Ng hinila niya ang paa ko at nalaglag ako sa kama.Pashee ang pwet ko.
"Tito!"
Nakaka imbyerna naman oh.Umagang umaga eh bad mood na ako agad.
"Uwahhh!"
Naiiyak na talaga ako promise...
"Bumangon kana at kumain"
Sabi ni mama.Napa ayos naman ako ng upo sa sahig.Sakit talaga,kinuha ko naman ang cellphone ko at tiningnan ang oras.9:31 na ng umaga.
"Ma anong ulam?"
"Hotdog at pritong itlog"
Hehe babangon na ako!Masarap ang ulam eh!Kakain na sana ako ng maisipan kong maligo muna.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako ng medyo maluwag na t shirt at black and white na short.
"Pagkatapos mo dyan ay magwalis ka dun sa labas ah"
Sabi ni mama na ngayon ay naliligo.
"Opo"
Ng matapos nga ko ay kinuha ko na ang aking mahiwagang walis tingting at dustpan.At sinimulan ko nang magwalis sa labas.Ang dami dami namang dahon dito.Bwis*t wala naman kaming tanim na puno pero ang daming tresspassing na dahon galing sa kabila.Kung ipalinis ko kaya to sa mga maid nila.Mayaman naman sila ah...
"Kainis kayong mga dahon kayo,mga tresspassing!"
Sigaw ko habang nanggigigil na sa mga dahon nato.
"Oi gising na pala ang kapitbahay kong batugan.Good Morning!"
Nakaka imbyernang bati ng isang lalaki na nasa tapat ng bintana niya.
Isa pa.Kung hindi ko nasasabi bwis*t rin pala ang lalaking nakatira diyan na nag ngangalang Toffer Jin Jimenez.Yang lalaking yan,nakaka imbyerna.Magkapitbahay po kami,tsaka ang mas masaklap yung kwarto namin magkatapat pa talaga.Kaya nga parating nakasara ang bintana ko eh.
Oo may second floor ang bahay namin pero hindi ganoon ka ganda at kalaki.You know hindi kami mayaman,yung kapitbahay namin oo mayaman.
"Anong Good sa morning?"
Pagtataray ko.
"Ay anong problema mo?Bagong gising ka pa lang no?"
"Anong problema ko?Huh!Itong mga tresspassing na dahon ng puno niyo"
Pero ang gag* ngumiti lang.Ngiting nang iinis.
"Ok lang yan Ms Batugan.Atleast exercise mo na rin yan"
"Exercise mo mukha mo!"
"Haha"
Sa inis ko ay nasipa ko yung winalis kong dahon.At ayun nagkalat ulit.Arghh
"Oh anak bat mo kinalat?Sabi ko, linisin mo hindi sipain at ikalat"
"Lilinisin ko naman po ito ma"
Tumango naman si mama at lumabas ng gate.
"Ma saan ka pupunta?"
Sigaw ko.
"Sa kaibigan ko lang anak,alam mo na aalis na ulit ako sa susunod na buwan,tsaka pumasok ka agad at gawin mo yung projects mo at mag aral ka"
"Opo"
Oo nga pala.Aalis na naman siya,2 taon na naman siyang mawawala.Isang taon lang ang stay niya dito sa Pilipinas at babalik na naman siya sa Hong Kong.Mag aabroad ulit para may pang aral at may makain kami.Maliit pa lang ako ay iniwan na ako ni mama sa lolo at lola ko na siyang nagpalaki sa akin.
"Bwahaha linisin mo na daw yan,tsaka mag aral ka daw"
Panira talaga tong isang to.Kung pwede lang ang pumatay gamit ang masamang titig.Siguro pinaglalamayan na siya ngayon,at kapag nangyari yun matutuwa talaga ako.
"Che!"
At mabilis na tinapos ang paglilinis sa labas.Daldal lang siya ng daldal pero di ko siya pinapansin.Ganyan lang talaga ang trip niya,yung iinisin ako.Ewan ko ba sa lalaking yan may sakit yata yan sa ulo eh!
Gwapo sana siyang lalaki sarap naman patayin!Bat di ba siya nagmana sa mga magulang niyang mabait?Yung pamilya nila ang isa sa mayayamang pamilya dito sa lugar namin.
Ng matapos na ako ay pumasok na ako sa bahay.At umakyat sa kwarto ko at ini on ang tv ko.Yah may sarili akong tv dito sa kwarto ko.Ang dami kasing epal sa baba eh.Ang gusto nila manuod lang parati ng balita.Eh paano naman akong kpop fangirl?Kaya nag request ako kay mama.Binilhan niya naman ako kase matataas naman daw grades ko.Haha!
At kasalukuyan akong nanunuod ngayon ng kdrama na Strong Woman Do Bong Soon.
Ang gwapo talaga ni Park Hyung Sik hihi...Kinakagat ko na nga yung unan ko sa kilig eh.
Ng
1 text message received...
Joy-
Mayi!Punta ako diyan sa bahay niyo bukas ah!Manunuod tayo ng movie!^O^Wag kang aangal...1 pm
Ayt naman.Lalaki na yata bayarin namin sa kuryente neto.Halos araw araw nandito manunuod lang ng movie.Pero ok lang haha enjoy naman.
-Sige-
Sent
Nga pala I'm Mayi Alonzo...
And welcome to my heart...este welcome sa storya ng buhay ko.
YOU ARE READING
From I Hate You To I Love You
Teen FictionI hate you? To I love you? Hate to Love? Paano? Tunghayan......
