Chapter 36: APAT

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang weak mo, Troy!" sigaw ko. Ayokong maging ma-drama 'yong usapan dahil para na rin akong naiiyak. "Itigil mo na 'yang drama mo!"

"Hoy, Tanda, panira ka ng moment e! Palibhasa, pusong-bato ka!"

"Hindi lahat ng gwapo ay pusong-bato. May damdamin din kami, hindi lang halata!"

Biglang natawa sina Marky at Jeydon. Medyo nawala na 'yong kadramahan. Sandali nga, napapansin ko na kaming dalawa lang ni Troy 'yong kanina pa salita nang salita. Ang tahimik ng dalawang 'to.

"Kayong dalawa, anong nakakatawa ha?" tanong ko.

"Para kasi kayong sira. Mukha kayong aso't pusa," sagot ni Marky. "Walang mawawala. Masamang damo si Jeydon kaya hindi siya mamamatay."

Biglang napatayo si Jeydon. "Hindi ako pwedeng mamatay dahil ako ang batayan ng kagwapuhan dito sa mundo." Tumawa siya nang malakas. "Naimbento lang naman 'yong salitang gwapo no'ng pinanganak ako e." Tumawa ulit siya nang malakas.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Troy. Tumayo rin kami pagkatapos ay sabay-sabay namin siyang binatukan pero mahina lang dahil ayaw namin na atakihin siya ng sakit niya.

"Alam mo, pasalamat ka at may sakit ka kasi mas malakas pa sana riyan 'yong aabutin mo sa 'min." Sa wakas, nagsalita na rin si Marky. "Kahit kailan, hindi nagbago 'yang kayabangan mo."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi niyo ba alam 'yong kasabihan? Honesty is the best attitude."

Sabay-sabay kaming natawa sa sinabi niya. Confident na confident pa siya sa sinasabi niya, mali naman. Pati pagiging sablay niya, hindi pa rin nagbabago.

"Last mo na 'yan ah!" sigaw ni Troy habang tawa nang tawa. "Honesty is the best attitude. Aba, okay 'yon ha?"

Sinamaan niya kami ng tingin. "Anong mali roon ha? Tama naman ako ah."

"Honesty is the best policy kasi 'yon," sabi ni Marky.

Nag-isip pa siya nang malalim at mukhang ayaw pa niyang maniwala. Hindi ko talaga mapigilan na matawa lalo na sa itsura ngayon ni Jeydon. Napaka-epic.

"Pareho lang 'yon! May sarili lang akong version dahil gano'n kaming mga pogi, may originality." Nagpatay-malisya siya na akala mo, hindi siya napahiya. Tumawa lang siya nang malakas.

"Ganyan ba ang epekto ng sakit mo?" tanong ko. "Gwapo nga tayong apat pero ako lang 'yong may matinong isip sa atin. Ibig sabihin lang noon, ako 'yong lamang sa ating lahat," sabay tawa nang malakas. "I'm just telling the truth. Honesty is the best attitude, right?"

Naisip ko na naman 'yong sinabi ni Jeydon kaya hindi ko na naman napigilan na tumawa nang tumawa. Taena, ngayon na lang ulit ako tumawa nang ganito.

"Alam na," bulong ni Jeydon doon sa dalawa.

Nakatingin silang tatlo sa 'kin at sa mga mata nila ay halatang may kalokohan silang gagawin. Habang tumatagal, napapangisi silang tatlo. Parang alam ko na kung ano 'yong gagawin nila sa 'kin.

"Isa, dalawa, tatlo!" sigaw ni Troy pagkatapos ay lumapit silang tatlo sa 'kin. "Buhatin si Tanda!"

Binuhat nila akong tatlo. Pumapalag ako pero wala pa rin akong magawa. Malakas silang tatlo e. Pucha! Alam ko na 'yong gagawin nila!

"Mga ugok, ibaba niyo na ko!"

"Maligo ka muna!" sigaw ni Troy pagkatapos no'n ay hinagis nila ako sa dagat.

Basang basa ako. Tiningnan ko sila nang masama kaya tumakbo sila palayo. Tumayo agad ako para habulin sila. Humanda silang tatlo sa 'kin!

Dati pa man, palagi na nila akong binubuhat at hinahagis papunta sa dagat. Palagi na nilang ginagawa 'yon. Sa aming tatlo, ako 'yong pinaka-bully. Palibhasa, naiinggit sila sa kagwapuhan ko.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon