Chapter 36: APAT

2.1M 52.1K 22.8K
                                    

CHARLES

Ang sarap pakinggan ng alon. Matagal na rin kaming hindi nakakapunta rito sa tabing dagat malapit sa bahay-bakasyunan nina Jeydon. Tambayan 'yong tawag namin dito kasi rito nabuo ang Phoenix at ang Apat. Dito kami palaging nakatambay noong buo pa 'yong Phoenix. Dito naganap lahat ng kalokohan at masasayang memories namin.

Ang gaan sa pakiramdam na magpunta rito. Siguro dahil ayos na kaming apat. Sa labing tatlong taon ng pagkakaibigan namin, walang kahit anong nagbago.

"Ang tagal ko nang hindi nakapunta rito. Kayo ba? Nakakapunta pa ba kayo rito sa tambayan?" tanong ni Troy.

"Ako? Buo pa 'yong Phoenix no'ng huli akong nakapunta rito," sagot ko. Tiningnan namin ni Troy sina Marky at Jeydon.

"Tatlong taon na simula no'ng nakapunta ako rito," sagot naman ni Marky. "Ikaw, Jaydee?" Ngayon lahat kami ay nakatingin na kay Jeydon.

"Galing lang ako rito no'ng nakaraang linggo." Nagulat kaming tatlo sa sagot niya.

Umupo si Jeydon sa harap namin. Bastos e, kinakausap pa nga namin. Kaya ayon kaming tatlo, umupo na rin sa tabi niya.

"Anong ginawa mo rito?" tanong ko.

"Simula no'ng nag-away-away tayo at nabuwag ang Apat, palagi akong pumupunta rito. Naaalala ko kasi lahat ng masasayang alalaa natin dito. Kahit mga ugok kayo, miss ko pa rin kayong kasama."

Natahimik kaming lahat. Bigla akong na-guilty dahil sa ginawa namin ni Troy. Pinangunahan kami ng galit kaya hindi namin siya inintindi. Nakalimutan ko kung ano ba talaga si Jeydon. Nakalimutan ko na hindi niya kayang saktan 'yong kapatid ko. Siguro noon kung mas inunawa ko lang si Jeydon at kung nagtiwala lang ako sa kanya, hindi mabubuwag ang Apat.

Mahirap siguro 'yong pinagdaanan ni Jeydon. Halos lahat kami ay galit sa kanya noon. Walang umintindi sa kanya kahit pa kaming mga matatalik niyang kaibigan.

Napatingin ako bigla kay Troy. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Panigurado, mas nararamdaman niya 'yong guilt dahil mas malapit silang dalawa ni Jeydon. Para siyang naiiyak na ewan.

"Troy, 'wag ka nang umiyak. Mahina ka ba?" pang-aasar ko.

Ang sama ng tingin niya sa 'kin. "Anong pinagsasabi mo riyang matanda ka?"

"Kunwari pa," bulong ko sa sarili ko.

Natahimik na naman kaming apat. Pinagmamasdan lang namin 'yong dagat.

"Alam mo bang naiinis pa rin ako sa 'yo, Jeydon?" biglang singit ni Troy. "Hindi ko matanggap na naglihim ka sa 'kin. Hindi mo man lang ako pinagkatiwalaan ng problema mo. Kung tutuusin, para nang magkapatid ang turing natin sa isa't isa. Wala ba kaming kwenta para sa 'yo?"

Sa tono ng boses niya, halatang may halong inis nga 'yon. Pero nangingibabaw rin 'yong lungkot niya.

'Troy, kaya ko nilihim ang lahat ay dahil ayokong pati kayo ay magkaproblema pa. Mahalaga kayo sa 'kin dahil kapatid na ang turing ko sa inyo at ayokong makita kayong nahihirapan."

"Jeydon, paano kung nawala ka at wala kaming alam? Ano sa tingin mo 'yong mararamdaman namin? Gago ka talaga, alam mo ba 'yon?" Pakiramdam ko ay naiiyak na talaga si Troy.

"Alam ko, gago ako."

'Tanga ka pa. Tanga ka para solohin ang lahat. Ano ka, superhero? Hindi ka naman si Superman e. Tao ka lang, Jaydee, na kailangan ng iba para mabuhay." Nagulat kaming lahat nang makita namin si Troy na umiiyak. "Tangina kasi e. Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin na may taning na 'yong buhay mo, na malapit ka nang mamatay. Hindi ko kaya kapag nawala ka, Jaydee. Best friend kita e." Humiga siya pagkatapos ay pinunasan niya 'yong mga luha niya. "Nag-drama pa tuloy ako. Leche."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon