Sa sobrang hilo ko hindi ko naman namalayan na iba na yun suot kong damit.
Walang pangalan? Hmm.. tintigan kong mabuti kung sulat yun ni Jason pero ibang iba yun sa sulat niya. Sino kaya nagsulat nito? Sino kaya siya?

As usual late na naman ako napasok. Kinain ko pa kasi yung niluto niya na sopas, fried rice at sunny side up egg.

Pagpasok ko sa shop nakita ko agad mga co-workers ko at si sir oliver na may kausap.

"Good morning." Bati ko kay Leslie.

"Happy Morning!" Jolly na bati ni Leslie. Hala? Parang hindi kami wasak kagabi ah.

"Les, tingin ko si Sir Oliver ang naghatid sa akin kagabi." Sabi ko kay Leslie at sinusuot na yung apron at name tag ko.

"Ha? Paano mo naman nasabi?!" Aba loko toh tinaasan ako ng boses.

"Oy kalma! Eh kasi naman narinig ko yung boses niya kagabi nung may nagsasakay sa akin sa kotse pero nung nakita ko yung mukha eh si Jason ang nakita ko." Kwento ko sa kanya habang inaalala yung kagabi... Si Jason nga kaya yun?

"Gaga hindi si sir oliver yun." Sabi niya at nagtatali ng buhok.

"Ha? Bakit naman?" Napahawak naman ako sa ulo ko na biglang sumakit.

"Kasi si sir oliver ang naghatid sa akin kagabi!" Tuwang tuwa siya habang inaalala kung ano man ang nangyari.

"Ha? Paano?" Eh sino yung kagabi?! Ugh, kasakit ng ulo bes!

"Hindi ko alam pero pag gising ko kanina nakita ko siyang natutulog sa may sofa ko kaninang umaga at alalang alala siya sa akin nung nagising siya! Sabay pa kami kumain kanina. Haaaayy! Ella sobrang saya ng umagang itoooo!" Nagtitili siya habang kinikwento ang lahat. Napakapit pa nga siya sa braso ko at nakapikit pa.

"Okay okay sige ikaw na masaya diyan. Tara na dumuty na tayo at baka mapansin pa tayo nila Allan. Lalo na yang prince charming mo." Nag okay siya at pumunta na ako sa cash register at nagsimula ng kumuha ng orders.

First customer namin eh yung lalaki nung nakaraan. Bigyan ko kaya ng tissue toh? Baka matulala nanaman eh tumulo pa laway niya hahaha.

"Good morning sir, what is your order?" Smile ko pa sa kanya kahit masakit pa ulo ko.

"Kagaya pa rin nung isang araw." Nag-smile din siya. Buti na lang kahit masakit ang ulo ko eh tanda ko pa.

"One espresso and one mocha cake." Tumango lang siya. Buti na lang at andun si Leslie at siya na ang kumuha ng order. Pagka-abot sa akin ni Leslie eh binigay ko agad sa kanya.

"60 pesos po lahat sir." Tumango siya ulit at kumuha na siya ng bayad. Naka-ready na yung kamay ko sa bayad niya ng bigla siya nagsalita.

"Masakit pa rin ba ulo mo?" Tinignan niya ako sa mata at yung tono niya may halong pag aalala.

"Hah?" Napakunot naman ako ng kilay.

Ngumiti siya ng bahagya at napabuntong hininga. Kinuha niya yung ballpen niya sa bulsa ng polo niya at resibo. Sinulatan niya yung likod non pagtapos iniwan niya yun sa akin. Pinanood ko siyang lumabas ng shop at naiwan ako ditong nag-iisip pa rin kung sino siya.
Binasa ko yung sulat at nakalagay na..

Christopher =)

Teka! Yung sulat niya pamilyar! Kinuha ko yung sulat at tumakbo ako sa locker ko at kinuha yung wallet ko kasi doon ko nilagay yung sulat sa lamesa kanina. Pinagdikit ko yung sulat at parehas na parehas!

Tumakbo ako ulit para lumabas at pasalamatan siya.

"Oy Ella! Saan ka pupunta-" tinawag ako ni Leslie pero sinagot ko siya agad.

"May hahabulin lang ako sa labas!" Paglabas ko ng shop nakita ko na papasok na siya ng sasakyan niya.

"Excuse me! Mister!" Pagdating ko sa tapat ng car door niya nasa loob na siya. Kaya lang.. babae yung nakakita sa akin.

Hingal na hingal ako habang pinapanood kong bumaba yung window ng kotse nila.

"Yes? May I help you, Miss?" Aba tinataasan ako ng kilay!

"Uhm.. pwede ko po makausap si Christopher?" Sinisilip ko siya sa loob ng sasakyan pero tinatakpan siya nung babae.

"Hindi." Hindi niya ako tinitignan ng diretcho sa mata, pero kung makatingin siya sa akin eh ulo hanggang paa.

"Please Miss.. saglit lang kakausapin ko lang si Sir Christopher.." Nagpapalumanay pa ako ng boses para naman pumayag siya. Pero lumabas siya ng kotse at tinataasan niya ko ng kilay.

"Hindi nga pwede! Hindi ka ba nakakaintindi?!" Pinanindigan niya talaga yung gusto niya at nanlilisik na mata niya.

"Lumayo ka nga!" Nagulat ako sa ginawa niya kasi bigla niya akong tinulak! Aba porket mayaman siya!

"Hoy! Sino ka para itulak ako?! Nakikiusap ako dito sayo pero ganyan ka! Ano ka ba niya?!" Sinigawan ko siya at wala akong pakealam kung pagtinginan kami. Ayoko sa lahat yung ginaganun ako noh!

"Girlfriend niya." Naka smirk siya at nakataas pa din ang kilay. "Kaya lumayo ka na sa kanya okay? You're just nobody." Pumasok na siya ng sasakyan at sa pagbukas niya ng pinto nakita kong nakapikit lang yung lalaki. Umandar na yung sasakyan, naiwan ako ditong nakatayo at dismayado sa ginawa ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now