3rd part

24 0 0
                                    

3rd part

.....

Habang naglalakad sila Samantha at Ivee.

"Napansin mo ba yung lalaki kanina thaths?", tanong ni ivee,hawak niya kamay ni Thatha.

"Sino?Wala?Bakit?", nagtatakang tanong ni Samantha,kahit na alam niya kung sino ang tinutukoy ni Ivee.

"Ay wala pala, akala ko lang siguro yun", bawi ni Ivee.

***

Pumunta si Mike sa tambayan nagbakasakaling pumunta dun sila Ivee.

Pero wala kasi hindi naman talaga sila tumatambay dun, coincidence lang ang mga nakaraang pagkikita.

Wala na rin si Ervic.

Tumambay na lang siya at hinintay ang mga kasama.

"uy Mike ang aga mo ah. Hoo emo na ang dating B-Boy?", pang aasar ni Mario kahit na malayo palang ito.

"Hindi ako emo, ikaw tong emo eh. Bitter!", sagot ni Mike.

"Bist ako ULOL!", bulyaw ni MM.

Tumahimik na lang si Mike.

Dumating na rin si Jay, Ervic at ang iba pa.

Halos normal lang ang lahat sa tambayan, nagtawanan, kantsawan, bulyawan.

Dumating si Paul Jake.

"Nakita mo si Ivee?", tanong ni PJ kay Ervic.

"Hindi Brad", maiksing sagot ni Ervic.

Umalis si PJ mukhang para hanapin si Ivee.

"Kilala din ni PJ si Ivee?", tanong ni Mike sa kanyang sarili.

Nagtaka si Mike.Pero ang mas pinagtakahan ni Mike ay ang tingin ni Ervic kay PJ nung umalis ito.

Biglang tumunog ang bell.

Pumasok na sila sa kanilang klase.

Matalino si Mike, kahit hindi siya makinig ayos lang. Parang nagpalipas oras lang siya sa klase, malalim ang iniisip.

"haaay, napilitang magbrunch lang kanina, ano naman kaya ang dinner ko mamaya?", iniisip ni Mike ang dinner niya, wala parin ang mama niya.

May isa pa siyang iniisip.

Si Thatha.

"Alam ko na ngayon ang pangalan niya, Samantha. Kaso hindi ko natanong si Ervic, kung anong apelyido, at kung taga saan siya.Tsk.", problemado ang loko.

"Ano kaya kung i-stalk ko na lang.", biglang naisip ng loko.

Sfx: Puugs

Pinektusan siya ni Mario,"Uy uwian na. Tulala ka na naman, nainlab ka na nga ata talaga dun sa chic. Iniisip mo siya ano?".

"Hindi ko siya iniisip tsaka Samantha pangalan niya. Teka! Bakit uwian na? May isa pa tayong klase dito diba?.", sabi ni Mike.

"Wala si sir. Hindi ka talaga nakikinig", sagot ni Mario.

"Hindi ka rin naman nakikinig sa discussion ah", kambyo ni Mike.

"Hindi nga, pero narinig kong sinabi ni sir na dismiss na at wala tayong instructor sa susunod na klase",sagot ni Mario at may pahabol.

"Ulol!"

Tumayo na si Mike at di na nagsalita. Talo talaga siya lagi kay Mario, buti nga at hindi sumali si Jay. Busy kasi si Jay, may kausap sa phone.

"Uy tara dota!". Si Rommel nagyaya maglaro.

"Pass"

"Ako din pass"

Nagpass ang iba.

"hindi rin ako pwede", sabi ni Jay, na may kausap parin sa phone.

"Sige tara", sabi naman ni Ervic.

"Punta lang ako saglit, 'di ako maglalaro." sabi naman ni Mario.

"Sama ako", sabi ni Mike, pero wala siyang balak maglaro, may mga tatanungin lang siya kay Ervic.

Papunta na sila ng biglang sinabi ni Ervic na hindi siya pwede.

"Hindi na rin ako pupunta" sabi ni Mike.

Si Rommel at si MM ang pumunta sa shop.

Habang si Mike ay sinundan si Ervic.

Si Ivee pala ang dahilan kung bakit hindi pumunta si Ervic. Nakipagkita pala si Ervic sakanya. Kasama nila si Thatha.

Naglalakad silang tatlo at si Mike ay nasa likod. Sinusundan sila.

Biglang umulan. Sabay na naglabas ng payong si Thatha at Ivee.

Nakita ni Eric si Mike. Agad na nakisilong ito sa payong ni Ivee, sabay tawag kay Mike. "Uy mike dito bilis"

"Pwede ba?" tanong ni Ervic kay Thatha.

"Opo?", sagot ni Samantha na halatang nabigla.

Nahihiya man ay nakisilong agad si Mike.

"Buti na lang nakita kita brad.", iba ang ngiti ni Ervic kay Mike.

"Oo nga eh, Salamat brad. At salamat din.... Samantha, tama ba?", nakangiting sabi ni Mike.

Tumango na lang si Thatha na nahihiya.

Kahit medyo basa, halatang natuwa si Mike sa nangyari.

Kanina iniisip lang ni Mike si Samantha pero ngayon ay katabi na niya ito.

Pero sa kasamaang palad, biglang tumigil ang ulan.

Badtrip si Mike at Eric.

"Ooops wala ng ulan. Sige una na ako. Salamat ulit.", sabi ni Mike kahit na ayaw pa niya.

"Sige brad, sasamahan ko pa sila", sabi naman ni Ervic.

Ngumiti naman si Ivee at Samantha.

Ang cute talaga nilang dalawa, pero siyempre kay Samantha mas nacute'an si Mike.

Naghiwalay na nga sila at si Mike ay umuwi na.

***

pagkauwi ni Mike.

"Nililigawan nga ata talaga ni Ervic si Ivee. Ibig sabihin, walang namamagitan k'ila Ivee at Samantha ko.Ayos, hindi siya tibo. May pag asa pa sir", sabi ni Mike sa kanyang sarili.

"Pero sayang talaga yung kanina", panghihinayang ni Mike.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi tayo talo!Where stories live. Discover now