second part

29 0 0
                                    

Hindi tayo talo part two.

Sfx: Bo0Gs!

Nagising si Mike, panaginip lang pala.

Buti na lang pang hapon ang pasok, late kasi siyang nagising.

"hoo..Ganda na sana,pangit lang ng ending"

"I hate the ending myself but it started with an alright scene...It was the roar of the crowd lalalalala lala"

"hoo..Napakanta na naman ang loko."

"makapag ayos na nga at makapag breakfast"

...Pagkalabas ng kwarto..

"Wala nga pala si mama, lagowt! Di ako marunong magluto."

"Prito? Di rin ako marunong magprito. Sa school na nga lang."

Nag ayos na nga siya at pumasok na. Diretso agad siya sa lagi nilang pinagkakainan magbabarkada.

Tinignan niya sa listahan kung anong pwedeng orderin,pumili siya sa mga short order, "LongSi po"

"drinks mo?", tanong nung lalaki..Ay mali,bakla ata yun.

"bottled water po" sagot ni BIG Mike.

"yung malaki",pahabol niya.

Hinintay niya yung order, at kumain kagad pagkadating ng order.

Habang naghihintay hanggang sa kumain ay si Samantha at 'yong panaginip niya ang kanyang iniisip.

"Ganda niya! Ano kayang pangalan n'un. Tinawag siyang Thatha nung kasama niya, ano kaya totoong pangalan niya?."

"Sayang talaga yung panaginip ko kanina."

Pagkatapos kumain diretso agad sa tambayan.

Nadatnan niya d'on si Ervic na may kausap.

"Teka siya 'yong kasama nung babae kahapon."

"Nililigawan ni Ervic?"

Kung anu ano ang naisip ni Mike ng makita niya ang dalawa.

Pumwesto siya sa tambayan. Di gaano malayo k'ila Ervic.

Ilang saglit lang dumating si Thatha. Hindi na siya masyadong lumapit kasi tumayo na agad si Ivee. Umalis na sila at holding hands ulit.

Lumapit si mike kay Ervic.

"Uy brad! Sino yun chic mo?", tanong ni Mike kay Ervic.

"Hindi! Si Ivee yun kaibigan ko.", sagot naman ni Ervic.

"Eh baka naman yung isa? Sino naman yun?", tanong ulit ni Mike.(para paraan lang.)

"Si Samantha 'yon. Ikaw 'ata ang may gusto eh", bistado ni Ervic si Mike.

"Ulol!", sagot ni Mike na walang masabi,bistado na.

" Punta na lang muna akong library brad," paalam ni Mike. Kailangan na niyang umalis bago pa siya tuluyang mabisto.

***Sa Library***

Magkasama si Ivee at Samantha.

Ang cute talaga nila kapag magkasama. Kahit na magkatabi lang.

Cute si Ivee at 'yong iba't ibang expression ng mukha niya

(^.^)

(ToT)

(^.~)

(>.<)

(~~;)

(-.-)

Si Samantha naman,maganda, matankad,maputi, may pagkaboyish, astig, maganda.

Tahimik lang 'yong dalawang nagbabasa.

Si Ivee hawak ang isang Sidney Sheldon book,The Sky is falling.

Si Samantha, mga photocopy ang binabasa, nagrereview.

Nakita ni Samantha si Mike. Tinignan niya lang ito saglit, at bumalik agad sa pagbabasa.

Nakita rin ni Mike sila Samantha. Pumwesto ito malapit sakanila, yung kita niya ang mga ito.

Gandang ganda talaga si Mike kay Samantha. Kaya halos tutok na ang mata niya kay Samantha, pero paminsan minsan binabaling sa iba para hindi halata.

Biglang may nagtext sakanya.

...

From:Mario M.

Msg:kayang kaya mo akong pasayahin at palungkutin ng sabay kahit wala ka pang ginagawa.

Ang lungkot

#kungsana

...

Bitter na naman si Mario. Gwapo nga at habulin kaso isa lang talaga ang mahal.

Tuming ulit si Mike sa table nila Samantha, kaso wala na ang mga ito.

***

Habang naglalakad sila Samantha at Ivee.

"Napansin mo ba yung lalaki kanina thats?", tanong ni ivee,hawak niya kamay ni Thatha.

"Sino?Wala?Bakit?", nagtatakang tanong ni Samantha,kahit na alam niya kung sino ang tinutukoy ni Ivee.

"Ay wala pala, akala ko lang siguro yun", bawi ni Ivee.

Hindi tayo talo!Where stories live. Discover now